Sophie Albert and Vin Abrenica have been engaged since December 12, 2020

by Jet Hitosis
Feb 13, 2021
Sophie Albert, Vin Abrenica engagement
Actors and longtime couple Sophie Albert and Vin Abrenica on February 13, 2021 announce via Instagram that they have been engaged since December 12, 2020.
PHOTO/S: @itssophiealbert on Instagram

Engaged na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Sa magkasunod nilang Instagram posts ngayong Sabado, February 13, ibinunyag nina Sophie, 30, at Vin, 30, na engaged na sila noon pang December 2020.

Sa post ni Sophie, ibinahagi niya ang dalawang pictures.

Ang una ay ang litrato nila ni Vin na magkasama.

Sa pangalawang photo, makikitang magkahawak-kamay ang magkasintahan habang ipinakikita ang engagement ring na suot ni Sophie.

Sa caption, sinabi ni Sophie na nag-propose sa kanya si Vin bago matapos ang 2020.

Pinili raw nilang salubungin ang 2021 “with so much hope and love” dahil “amazing surprises happened in our lives.”

Sabi ni Sophie: “We've been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement!

“WE ARE ENGAGED! [ring emoji]”

Mensahe ni Sophie sa fiancé niyang si Vin: “Thank you @vinabrenica for everything.

“Thank you for being you and for making everything special.

“I am blessed to have you as my best friend for life.”

Continue reading below ↓

VIN abrenica TO SOPHIE albert: “YOU ARE STUCK WITH ME FOR LIFE”

Sa Instagram post ni Vin, sinabi niyang December 12, 2020 nang sagutin ni Sophie ng “yes” ang kanyang wedding proposal.

Kalakip ng post ni Vin ang litrato ng engagement ring na suot ni Sophie, gayundin ang underwater kiss photo nila ng aktres.

Continue reading below ↓

Sa caption, ganito ang mensahe ni Vin para kay Sophie: “You'll never know when you are truly ready until you realize who you're living and breathing for.

“It's you @itssophiealbert.

“We've grown up together and I look forward to growing old together.

“Good luck @itssophiealbert, you are stuck with me for life.

“We're engaged!! 12.12.20”

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga kapwa celebrities na nagpaabot ng pagbati kina Sophie at Albert ay sina Gabbi Garcia, Bela Padilla, Max Collins, Shaira Diaz, EA Guzman, Ria Atayde, Jason Abalos, at Thia Tomalla.

gabbi garcia, bela padilla, max collins, shaira diaz greet Vin and Sophie on engagement

gabbi garcia, bela padilla, max collins, shaira diaz greet Vin and Sophie on engagement

Continue reading below ↓

MOVING IN TOGETHER

Inanunsiyo nina Sophie at Vin na dalawang buwan na silang engaged eksaktong isang linggo matapos nilang ihayag nitong February 6 na malapit na silang lumipat sa sarili nilang bahay.

Sunud-sunod ang big announcements ng longtime couple ngayong February.

Kasunod ito ng pagkalat ng mga hindi kumpirmadong balita na buntis si Sophie sa firstborn nila ni Vin.

Walong taon nang magkarelasyon sina Sophie at Vin.

Kapwa sila contestants sa Artista Academy, ang reality-based artista search ng TV5, noong 2012.

Silang dalawa rin ang grand winners sa kumpetisyon.

Nang sumunod na taon ng 2013 ay naging magkarelasyon sina Sophie at Vin.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actors and longtime couple Sophie Albert and Vin Abrenica on February 13, 2021 announce via Instagram that they have been engaged since December 12, 2020.
PHOTO/S: @itssophiealbert on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results