Sef Cadayona recalls fanboy moment over Vic Sotto: “Dala-dala ko lahat ng CD, cassette ng VST”

Feb 14, 2021
Sef Cadayona, Game of the Gens
Kapuso comedian-TV host Sef Cadayona, together with actor-athlete Andre Paras, will host the new all-original comedy game show Game of the Gens. Sef shares: “Sobrang, feeling ko, talagang nasa ulap ako ngayon. Na finally nagkaroon ako ng opportunity to host a game show.”
PHOTO/S: GMA Network

Para kay Sef Cadayona, “heroes” niya ang veteran comedians na sina Vic Sotto at Michael V.

Hindi raw kasi biro ang “impluwensiya” nina Vic, 66, at Michael V, 51, sa career ng 31-year-old Kapuso comedian.

Si Sef ay alumnus ng StarStruck V at ilang taon nang mainstay sa weekly GMA-7 gag show na Bubble Gang.

Kamakailan, pinili ng GMA executives si Sef para maging host ng bagong all-original Kapuso comedy game show na Game of the Gens.

Makakasama ni Sef ang actor-athlete na si Andre Paras sa pagho-host sa weekly game show, na ipalalabas na ngayong Linggo, February 14, 7:45 ng gabi sa GMA News TV.

Sa Game of the Gens, dalawang grupo—na ang mga miyembro ay mula sa magkaibang henerasyon—ang magpaparamihan ng tamang sagot para makapag-uwi ng PHP300,000.

Para magwagi, kailangang masagot ng contestants ang sari-saring trivia questions tungkol sa music, dance, fashion, entertainment, at trends mula sa iba’t ibang henerasyon.

Continue reading below ↓

SEF’S “HEROES”

Sa virtual press conference ng Game of the Gens nitong February 9, sinabi ni Sef na thankful siya sa pagkakataong makapag-host ng isang game show.

Ang Game of the Gens kasi ang unang hosting job ni Sef.

At dahil comedy game show ang tema, tiyak na mapakikinabangan ng programa ang talent ni Sef sa pagpapatawa.

Sa presscon, natanong si Sef ng entertainment press kung sinong komedyante ang pinakainiidolo niya sa industriya.

Mabilis na sagot ni Sef: “Sa akin number one, Bossing.”

Ang Bossing na tinutukoy ni Sef ay si Vic, ang veteran comedian na TV host ng Eat Bulaga!

“Of course, si Kuya Bitoy,” mabilis niyang idinugtong, na tumutukoy naman kay Michael V.

“Patay, magkakapantay pala sila,” napabulalas na dagdag ni Sef.

Nakatrabaho ni Sef si Vic sa pelikulang My Big Bossing’s Adventure noong 2014.

Regular namang nakakasama ni Sef si Michael V sa Bubble Gang.

Binanggit din ni Sef ang mga pangalan ng mga singer-comedian na sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs.

Continue reading below ↓

Sabi ni Sef: “Sina Kuya Ogie, Kuya Janno. Ito yung mga heroes ko.

“Kung bakit sobrang, feeling ko, talagang nasa ulap ako ngayon.

“Na finally nagkaroon ako ng opportunity to host a game show.”

SEF cadayona GOES INTO FANBOY MODE

Bakit nga ba iniidolo ni Sef sina Vic, Michael V., Ogie, at Janno?

“Kinalakihan ko sila, e.

“Ako, hindi ako papasok sa larangan ng ganitong trabaho kung hindi dahil sa kanila.

“Kasi ang laki nilang impluwensiya sa akin.”

Sa katunayan, ayon kay Sef, fan na fan daw ang dating niya nang una niyang makaharap sa personal ang iconic comedy trio na sina Vic, Joey de Leon, at Senate President Tito Sotto.

Artista na raw noon si Sef at iyon ang unang beses na nag-guest siya sa Eat Bulaga!.

Kuwento ni Sef: “First time I guested sa Eat Bulaga!, dala-dala ko lahat ng CD at cassette ng VST.”

Ang VST & Company ay isang OPM disco band noong 1970s, na kinabibilangan noon ni Vic.

Continue reading below ↓

Miyembro rin ng VST ang nakatatandang kapatid ni Vic na si Val Sotto.

Ang VST ang nagpasikat ng OPM classics na “Rock, Baby, Rock,” “Awitin Mo At Isasayaw Ko,” “Disco Fever,” at marami pang iba.

“That was yung parang icebreaker namin with Bossing and Tito Joey, and Tito Sen,” pagbabalik-tanaw pa ni Sef.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso comedian-TV host Sef Cadayona, together with actor-athlete Andre Paras, will host the new all-original comedy game show Game of the Gens. Sef shares: “Sobrang, feeling ko, talagang nasa ulap ako ngayon. Na finally nagkaroon ako ng opportunity to host a game show.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results