Did Julia Montes just describe Coco Martin as her kind of guy?

by Rachelle Siazon
Feb 15, 2021
Masiglang inihayag ni Julia Montes na ang tipo niyang lalaki ay moreno, sakto lang ang height, at mahilig magsuot ng leather jacket. Tingin ng netizens, swak kay Coco Martin ang lahat ng mga katangiang binanggit ni Julia.
PHOTO/S: Boyet Ahmee YouTube / @montesjulia08 Instagram

"Yari ako!"

Ito ang natatawang hirit ni Julia Montes, 25, nang sumablay sa lie-detector challenge ang kanyang mga sagot tungkol sa tipo niya sa isang lalaking karelasyon.

Hindi binanggit ni Julia kung kanino siya "mayayari," pero hinihinalang ang tinutukoy niya ay ang kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin, 39.

Ito ang suspetsa ng fans nina Julia at Coco na napanood ang guest appearance ni Julia sa vlog ni Boyet Ahmee, ang asawa ng aktres na si Dimples Romana.

Malapit na kaibigan ni Julia ang mag-asawang Dimples at Boyet.

Matagal nang hindi nakakapanayam ng media si Julia, pero game na game siyang sumagot sa mga pasimpleng tanong ni Boyet sa aspeto ng kanyang love life.

JULIA montes, GUSTO NG LALAKING NAKA-LEATHER JACKET

Unang tanong ni Boyet: "Lalaking nakasando o leather jacket?"

Natatawang sagot ni Julia, "Nate-tense ako! Leather jacket."

Nakuryente si Julia, na ang ibig sabihin ay hindi naniniwala ang lie-detector gadget sa sagot niya.

Continue reading below ↓

Nanindigan naman si Julia na nagsasabi siya ng totoo.

Sabi ni Julia, "Bakit ako nag-ground?"

Hindi kita sa camera si Dimples, pero maririnig ang pagtatanggol niya kay Julia.

"Baka naman nagsasando sa ilalim ng leather jacket," sabi ni Dimples, na nagpapahiwatig na kilalang-kilala niya ang tipo ni Julia sa isang lalaki.

MORENO O MESTIZO?

Sumunod na tanong ni Boyet kay Julia kung mas gusto ba nito ang moreno o mestizo.

"Moreno," sagot ni Julia.

Pero na-ground ulit si Julia.

Sa puntong ito, si Boyet naman ang nagbigay ng disclaimer tungkol sa ginagamit nilang lie detector na palyado dahil nagga-ground si Julia kahit nagsasabi raw ito ng totoo.

Depensa ni Boyet, "Ulitin ko, ha. Laruan lang ito. Pampasaya lang."

MATANGKAD O SAKTO LANG?

Pagkatapos ay tinanong din si Julia kung mas gusto niya ba sa lalaki ang "matangkad" o "sakto lang."

Sagot ni Julia, "Sakto lang."

Na-ground ulit si Julia, kaya natatawang kinausap niya ang lie detector.

"Bakit ganun?! Alam mo, ikaw ha! Wala akong itinama sa 'yo!"

Continue reading below ↓

INGLISERO O MAKATA?

Ikatlong tanong ni Boyet kay Julia ay kung "Inglisero" o "makata" ang tipo niya sa lalaki.

Sagot ni Julia, "makata" sa Filipino ang gusto niya.

Tinabla uli si Julia ng lie detector dahil nakuryente siya.

Sabi ni Julia, "Uuwi ako nang luhaan sa sakit nito."

MANILA BOY O PROBINSYANO?

Pinakahuling tanong kay Julia ay kung "Manila Boy" o "Probinsyano" ang lalaking pipiliin niya.

Binulungan muna ni Julia ang lie detector para huwag naman siyang makuryente uli.

"Umayos ka kundi babasagin talaga kita!" natatawang bulong ni Julia.

Sabay sabi niya, gusto raw niya ng "probinsyano."

Sa pagkaka-edit ng video, dalawang beses pang inulit ang katagang "probinsyano" para bigyang-diin ito.

Tawa nang tawa si Julia dahil nakuryente pa rin siya.

"Bakit?! Ako na babasag niyan," pabirong reklamo ni Julia.

Paalala naman ni Boyet sa mga manonood: "Huwag basta-basta maniniwala sa laruan."

Dugtong ni Julia, "Kung ayaw niyo masira relasyon ninyo."

Continue reading below ↓

May hirit din si Dimples na "nagsasabi ng totoo" si Julia pero minali lang daw talaga ng sablay na lie-detector gadget.

NETIZENS' REACTIONS

Pero higit sa katatawanang hatid ng sablay na lie detector, binigyang-pansin ng netizens na swak daw kay Coco ang mga katangiang inilarawan ni Julia.

netizens conclude that coco martin is julia montes ideal guy

Hindi raw kaila na trademark na ni Coco ang pagsusuot ng leather jacket.

Continue reading below ↓

Base na rin ito sa litrato ni Coco na ibinahagi ni Julia noong kaarawan ng aktor noong 2019, pati na rin sa mga naiulat na fashion style ni Coco.

Pasok din daw sa katangian ni Coco ang tipo ni Julia na "moreno" at "sakto lang" ang height.

netizens name Coco Martin as Julia Montes ideal guy

Continue reading below ↓

Kilalang hindi Inglisero si Coco kaya tama rin daw na "makata" sa Filipino ang sagot ni Julia.

Higit sa lahat, naniniwala silang si Coco pa rin ang tinutukoy ni Julia nang piliin nito ang salitang "probinsyano" kaysa sa Manila boy.

netizens name Coco Martin as Julia Montes ideal guy

Ipinanganak sa Manila si Coco, pero hindi kailang tatak niya ang salitang "Ang Probinsyano" dahil sa pinagbibidahang long-running Kapamilya teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

JULIA'S RING

Isa pang napansin ng netizens ay suot daw ni Julia ang diamond ring na madalas na suot ng aktres.

Tampok ng espekulasyon kung engagement ring daw ba iyon, base sa estilo ng singsing at dahil nakasuot ito sa right ring finger ni Julia.

Pero walang binabanggit si Julia kung ano ang kahulugan ng jewelry niyang iyon.

Tila mahihinuha lang na may espesyal na tao sa buhay ni Julia, na kamakailan ay nagpahiwatig tungkol sa isang taong nasa tabi niya at siyang dahilan kung bakit wala siyang ikinakatakot sa buhay.

netizens speculate on julia montes ring

Continue reading below ↓

Noong February 6, naiulat din ang tungkol sa mga litrato ni Julia na diumano'y kuha sa bahay ni Coco.

Napagtagni-tagni iyon ng netizens na ikinumpara ang picture ni Julia sa mga picture ni Coco na kuha sa garden ng bahay nito.

Pero wala pa ring direktang kumpirmasyon mula kina Julia at Coco tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masiglang inihayag ni Julia Montes na ang tipo niyang lalaki ay moreno, sakto lang ang height, at mahilig magsuot ng leather jacket. Tingin ng netizens, swak kay Coco Martin ang lahat ng mga katangiang binanggit ni Julia.
PHOTO/S: Boyet Ahmee YouTube / @montesjulia08 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results