Are these photos of Julia Montes taken at Coco Martin's home?

Feb 6, 2021
Solo pictures nina Julia Montes at Coco Martin, tampok ng espekulasyon ng netizens na nagsasabing parehong-pareho ang background ng mga ito. Cryptic post ni Julia tungkol sa hindi pinangalanang tao na nasa tabi niya, para kanino nga ba?
PHOTO/S: Julia Montes Instagram / Coco Martin Lyka / @cocojuls4ever Instagram

Patuloy ang espekulasyon ng fans nina Julia Montes, 25, at Coco Martin, 39, hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

Makikita sa isang fan account ang pagpuna nila sa umano'y matching garden photos nina Coco at Julia.

Noon kasing December 8, 2020, ibinahagi ni Julia sa Instagram ang litrato niya na kuha sa isang garden.

Nakayakap si Julia sa isang malaking bato at sa likod niya ay makikita ang mayayabong na mga halaman.

Saad sa caption niya, "Life is a gift . Wake up everyday and realize that [heart emoji] @dimplesromana @angeliebdane right girls?"

julia montes instagram photo taken in a garden

Continue reading below ↓

Mayroon din isa pang Instagram post si Julia na kuha sa parehong spot. May petsa iyon na November 2020.

julia montes instagram photo taken in a garden

Bandang December 2020 din nang mapansin ng mapanuring netizens ang hiwalay na pictures ni Coco.

Kuha iyon sa garden sa bahay ng aktor habang tinitingan nito ang mga alagang ibon.

Continue reading below ↓

Naka-post ang mga litrato ni Coco sa kanyang account sa Lyka, isang photo-sharing social media app.

coco martin photo in Lyka app

NETIZENS' REACTIONS

Pinagtabi ng fans ang photo nina Julia at Coco.

Kapansin-pansin daw na parehong-pareho ang mga Philodendron selloum plants sa picture ng rumored couple.

Pati ang malaking bato na nasa picture ni Julia ay kapareho rin daw ng bato sa garden ng bahay ni Coco.

Continue reading below ↓

"Hello sa bato," saad sa caption ng fan account na @cocojuls4ever sa Instagram.

Ang CocoJul ay uniname para sa tambalang Coco Martin at Julia Montes, na minsang nagkapareha sa hit Kapamilya teleserye na Walang Hanggan noong 2012.

netizens speculate on the resemblance of julia and coco photo backgrounds

Isa pang fan account sa Instagram, na may handle na @cocojulbukayo, ang nag-repost ng sinasabing matching photos nina Julia at Coco.

Continue reading below ↓

May close-up shot dito si Coco na makikita ang mayayabong na halaman sa kanyang likuran.

coco martin close-up selfie in a garden

Mapapansing kuha iyon sa tapat ng kubo sa may garden ng bahay ni Coco.

coco martin with bahay kubo

Continue reading below ↓

Narito ang ilang comments ng netizens:

netizens speculate on coco-julia

netizens speculate on coco-julia

Continue reading below ↓

netizens speculate on coco-julia

netizens speculate on coco-julia

Continue reading below ↓

JULIA'S cryptic but sweet post on social media

May latest social media post si Julia na pinuna rin ng netizens.

Ngayong Sabado, February 6, sinasabing may sweet message si Julia para sa isang hindi pinangalanang tao.

Nag-post kasi si Julia ng litrato ng bouquet of flowers na may caption na nagsasabing, "I'm not afraid of tomorrow because I have you by my side."

Makikita iyon sa Lyka account ni Julia.

julia montes cryptic photo post in Lyka app

Continue reading below ↓

Walang binanggit si Julia kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang caption, pero kinilig ang masugid na tagasubaybay nila ni Coco.

Sabi sa caption ng post ni @cocojuls4ever: "SOBRANG NAKAKAKILIG. Sino ba yan Julia?"

netizens speculates on coco-julia relationship

May mga netizen na nagkomentong marahil ay mensahe iyon ng aktres sa isang "Brilliant Actor."

netizens speculates on coco-julia relationship

Continue reading below ↓

May humirit din na "cocojul lng" lang daw ang "Mlakas."

netizens speculates on coco-julia relationship

COCO-JULIA QUERIES THROUGH THE YEARS

Nagkatambal sila sa hit Kapamilya teleserye na Walang Hanggan noong 2012 at sa pelikulang A Moment In Time noong 2013.

Parehong pribado sina Julia at Coco pagdating sa kani-kanilang love life.

Mula taong 2014 hanggang 2017, ilang beses inuusisa ng entertainment press si Julia tungkol sa napababalitang espesyal na ugnayan nila ni Coco.

Continue reading below ↓

Pero consistent si Julia sa pagsasabing magkaibigan lamang sila ni Coco.

Gayundin ang sinabi ni Coco sa isang panayam noong 2014.

Magkasundo raw sila ni Julia dahil pareho silang "lumaki sa lola" at tumatayong breadwinners ng kani-kanilang pamilya.

Over the years ay walang ipinakikilang karelasyon si Coco.

April 2019 naman nang maiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang impormasyon mula sa showbiz insiders na nagsabing nanganak si Julia at si Coco ang ama.

Hindi nagbigay ng anumang pahayag sina Coco at Julia ukol doon.

Ang tanging malinaw ay mas nais ni Coco na tumutok sa kanyang trabaho kaysa anumang sinasabi ng ibang tao, ayon sa Instagram post ng aktor noong April 21, 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Solo pictures nina Julia Montes at Coco Martin, tampok ng espekulasyon ng netizens na nagsasabing parehong-pareho ang background ng mga ito. Cryptic post ni Julia tungkol sa hindi pinangalanang tao na nasa tabi niya, para kanino nga ba?
PHOTO/S: Julia Montes Instagram / Coco Martin Lyka / @cocojuls4ever Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results