Neil Arce vows to give fiancée Angel Locsin her dream wedding

by Arniel C. Serato
Feb 15, 2021
Angel Locsin Neil Arce wedding
Angel Locsin on building a family with Neil Arce: “Basta kung ano ang ibigay ni Lord. Ayaw naming ma-pressure. Sana one or two lang kasi mahirap ang buhay, mahirap mag-alaga.”
PHOTO/S: Courtesy: @neil_arce on Instagram

Wala pa ring petsa, pero sinigurado nina Angel Locsin at Neil Arce na tuloy na tuloy ngayong taong ito ang nabinbin nilang kasalan.

Sa panayam ni Amy Perez sa programang Sakto ng Teleradyo ngayong araw, February 15, ibinahagi nina Angel at Neil na kung hindi lamang dahil sa COVID-19 pandemic ay natuloy na sana ang kanilang kasal noong November 8, 2020.

angel locsin and neil arce

Continue reading below ↓

Sabi ni Angel, “Tuloy naman. Tuloy naman siya.”

Dagdag pa niya, "Of course, there's the threat of the new strain nga, hindi ba?

"'Tapos may mga protocol tayo na dapat sundin para safe po ang lahat. Yun lang ang inaayos.”

Dagdag pa ng 35-year-old Kapamilya actress, plantsado na ang kanilang kasal bago pa man ang pandemya. Pero dahil sa COVID-19, burado lahat ang nilatag nilang plano.

“Actually, medyo hassle, kasi bago pa lang ang pandemic ay plantsado na lahat.

"Alam na namin yung gusto namin pareho. 'Tapos noong nagkaroon ng pandemic, lahat yun kailangan burahin naming lahat.”

GRAND OR SIMPLE WEDDING?

Sa kanyang panig, muling inulit ni Neil ang kanyang sinabi noon na nais niyang mabigyan ng galanteng kasal ang fiancée.

Hindi raw kasi naka-attend ng prom night at nagkaroon ng debut party ang aktres.

Aniya, “Nag-usap din kami, 'Ano ba ang gusto nating wedding?'

"Since we've been good friends for a long time, gusto lang talaga namin ay masaya lang ang lahat ng tao, hindi yung ilang na ilang kang gumalaw.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, di siya nag-prom, di siya nag-debut... yung mga ganoong bagay.

“Sana lang ay makuha niya ang wedding na gusto niya.”

Dagdag pa ni Angel, hindi pa sila makapag-anunsiyo ng petsa dahil hindi pa pulido ang plano nila para sa kanilang wedding.

Saad ng Iba ‘Yan host, “Hindi pa namin ma-announce, kasi hindi pa namin nasasabi sa pamilya namin at saka mga guest namin kung ano ang plano talaga.”

Gusto ba niya ng big o small family lang?

Ani Angel, "Basta kung ano ang ibigay ni Lord. Ayaw naming ma-pressure. Sana one or two lang kasi mahirap ang buhay, mahirap mag-alaga.”

June 2019 inanunsiyo nina Angel at Neil ang kanilang engagement.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on building a family with Neil Arce: “Basta kung ano ang ibigay ni Lord. Ayaw naming ma-pressure. Sana one or two lang kasi mahirap ang buhay, mahirap mag-alaga.”
PHOTO/S: Courtesy: @neil_arce on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results