Netizens' witty and funny comments on Zaijian Jaranilla, girlfriend's TikTok video

by Arniel C. Serato
Feb 16, 2021
Zaijian Jaranilla non-showbiz girlfriend
Dian Añes, non-showbiz girlfriend of Zaijian Jaranilla, posted a TikTok video of her and boyfriend last February 14: "Happy Hearts Day from us to yours!"
PHOTO/S: Courtesy: @alyssadian on TikTok

Samu’t saring reaksiyon ang inani ni Zaijian Jaranilla mula sa kanyang mga tagahanga dahil sa viral video nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Dian Añes.

Noong February 14, Valentine’s Day, nag-upload si Dian sa TikTok ng video na sumasayaw sila ni Zaijian.

Ang kanilang sayaw ay sinaliwan ng kanta ni Jessie J na "Domino."

Caption ni Dian, “Happy Hearts Day from us to yours! [heart emoji]”

Tiktok video: Zaijian Jaranilla, Dian Anes

Continue reading below ↓

Umani na ito ng 5.4 million views and likes.

Ang kasunod nilang video ay mula naman sa kanta ni Aqyila na "Bob For Me."

Meron na itong 6.9 million likes and views.

May dalawa pang videos sina Zaijian at Dian na kuha pa rin noong Valentine’s day.

NETIZENS' REACTIONS

Nakakaaliw at nakakatuwa naman ang reaction ng netizens sa TikTok video nina Zaijian at Dian.

Naalala kasi nila ang karakter ni Zaijian na Santino sa defunct ABS-CBN primetime series na May Bukas Pa noong 2009.

Siya ay sampung taong gulang lamang noon.

Ngayon ay 19 na si Zaijian.

Sabi ng isang netizen, “SANTINO NYO MAY JOWA NA, SA MGA SINGLE JAN MAY BUKAS PA”

Komento ng isa, “ngl (not gonna lie) he’s every filipino girls childhood crush and still is lmaoo (laughing my ass off obviously)”

Saad pa ng isa, “let’s be real, we ALL had a crush on him when we were kids”

Continue reading below ↓

Tiktok comment: netizen tells Zaijian Jaranilla is everyone's childhood crush before

“SANTINO ALAM BA TO NI BRO HA,” pagtukoy pa ng netizen kay Hesus na binansagang “Bro” sa serye.

Tiktok comment: netizen jokes about zaijan character as santino

Continue reading below ↓

Narito ang iba pang komento ng netizens:

tiktok comment: netizens funny remarks on Zaijian Jaranilla and Dian Anes video

tiktok comment: netizens funny remarks on Zaijian Jaranilla and Dian Anes video

Continue reading below ↓

tiktok comment: netizens funny remarks on Zaijian Jaranilla and Dian Anes video

zaijan on dian: "NAKAKATULONG PO SIYA SA AKIN"

Noong October 2020, inamin ni Zaijian sa panayam sa kanya ng Magandang Buhay na mayroon na siyang non-showbiz girlfriend.

Ayon sa kanya, “One year and one month na po kami.

“Sobra po [siyang inspirasyon]. Nakakatulong po siya sa akin.

“Parang mas inspired ako sa pang-araw-araw [na gawain].

Continue reading below ↓

“Kapag gumisiging ako, 'tapos alam ko na may nagmamahal sa akin, 'tapos may naghihintay sa akin."

Agosto ang anibersaryo nina Zaijian at Dian.

Sa Instagram ni Dian noong August 13, 2020, binati niya ang boyfriend sa kanilang anibersaryo.

Mensahe niya, “In a span of 1 year, all you gave me was happiness. Happy Anniversary!! I love you always.”

View this post on Instagram

A post shared by Dian Añes (@dianalyssuuh)

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dian Añes, non-showbiz girlfriend of Zaijian Jaranilla, posted a TikTok video of her and boyfriend last February 14: "Happy Hearts Day from us to yours!"
PHOTO/S: Courtesy: @alyssadian on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results