Rabiya Mateo on President Duterte’s remark that women not fit to be president: “I completely disagree.”

by Bernie V. Franco
Feb 16, 2021
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on President Rodrigo Duterte's remark that the job of a president is not for women: “I do respect the President, but I completely disagree with this thought."
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram / PTV 4

Hindi sang-ayon si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pambabae ang trabaho bilang Pangulo ng isang bansa.

Sinagot ni Rabiya ang ilang katanungang may kinalaman sa pulitika sa virtual interview sa kanya ng Missosology YouTube channel na in-upload noong February 13, Sabado.

Binasa ang ilang tanong mula sa netizens at ibinato ito kay Rabiya.

Tanong ng isang netizen: “President Duterte recently made a remark that the presidency was no job for a woman because of the emotional differences to men. What are your thoughts on this?”

Sagot ni Rabiya: “I do respect the President, but I completely disagree with this thought.

“In our country, we already have two female leaders and by doing that, women are as capable as men in handling a nation.”

Dalawang babae na ang naging Pangulo ng Pilipinas.

Una ay ang yumaong si Corazon “Cory” Aquino, na nanungkulan mula 1986 hanggang 1992.

Continue reading below ↓

Pangalawa si Gloria Macapagal-Arroyo, na namuno mula 2001 hanggang 2010. Kilala rin si Arroyo bilang kaalyado ni Pangulong Duterte.

Binanggit din ni Rabiya ang magandang ehemplo na ipinamalas ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.

“I just wanna give an example of what happened in New Zealand in conquering COVID virus, in which their female leader was able to nurse a newborn, but at the same time, she was able to become a mother to her land.”

Hinangaan ng maraming bansa ang pamumuno ni Ardern sa New Zealand sa gitna ng pandemya.

Sa limang milyong populasyon nito, 2,300 kaso ng COVID-19 lamang ang naitala at 25 lamang ang nasawi mula nang magsimula ang pandemya isang taon na ang nakalilipas.

Sa loob din ng maraming buwan, naging normal ang buhay ng mga residente rito: hindi nagsusuot ng mask, nakakapasok sa trabaho, at pagpayag sa mass gatherings katulad ng concerts.

Sabi ni Rabiya, hindi rin hadlang ang emosyon ng babae para mamuno.

Continue reading below ↓

“I am a woman and I believe that my emotion do make part in my leadership skills.

“And I have so much heart and I have so much calling in being a leader, actually.

“And I do disagree with this thought.

“I can lead my country because I have the power to do so.”

Sabi pa ng Ilongga beauty queen, “We live in an era in which we need to treat men and women equally.

“We need to give them the same opportunities.

“And I won’t agree with something like this,” patungkol sa pahayag ni Duterte, “because I know my capabilities and my strength as a woman and I know I can make a difference, so much difference.

“We need female leaders, leaders who will put their emotions in making decisions. Because it’s not all about experience.

“Sometimes, you really need to put your emotion and to be the mother of your land.”

Continue reading below ↓

Noong January 14, inusisa si Pangulong Duterte tungkol sa isyung tatakbong Pangulo ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 national elections.

Sabi ng Pangulo, bagamat inuudyok ang kanyang anak, hindi raw ito tatakbo.

“Sabi ko, 'My daughter is not running.' I have told Inday [Sara] not to run kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko. Hindi ito pambabae.

"Alam mo, the emotional setup of a woman and a man is totally different. Maging g*go ka dito," pahayag niya.

RABIYA mateo ON QUALITIES OF THE NEXT LEADERS

Isa ring tanong mula sa netizen ang ibinato kay Rabiya na may kinalaman uli sa pulitika.

Anong mga katangian daw ng susunod na lider ang kailangang isaang-alang ng mga Pilipino sa pagboto sa 2022 national elections?

“We need to have stricter qualifications before we vote somebody," simula ni Rabiya.

“And if there’s gonna be one aspect of being a leader that I would like to highlight, that is being honest.

Continue reading below ↓

“Because all the good things will [come] after that.

“An honest leader is somebody who is just, who is humane, but most importantly, he or she is accountable of what is happening in his or her country.

“We need to look at the background of these leaders and we really need to use our mind and our heart in doing so.

“Because this is gonna give the opportunity to our children, to build a better society for the future.”

Apela ni Rabiya, “So, I hope this 2022, we Filipinos will be smarter and we will choose the best possible leaders for our country.”

Samantala, gaya ni Rabiya, may babaeng personalidad ding tinutulan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito sina Angelica Panganiban, Agot Isidro, at Karen Davila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on President Rodrigo Duterte's remark that the job of a president is not for women: “I do respect the President, but I completely disagree with this thought."
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram / PTV 4
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results