Celebs rejoice as Supreme Court junks Bongbong Marcos poll protest vs VP Leni Robredo

by Jet Hitosis
Feb 16, 2021
Leni Robredo, Marcos electoral protest junked
Vice President Leni Robredo speaks in front of members of the media in her televised speech hours after the Supreme Court dismissed with finality the electoral protest of defeated candidate, former Senator Bongbong Marcos, against her.
PHOTO/S: VP Leni Robredo on Facebook

Maghapong trending ngayong Martes, February 16, si Vice President Leni Robredo matapos ibasura ng Supreme Court (SC) ang electoral protest ni former Senator Bongbong Marcos laban dito.

Makalipas ang halos limang taon, pinagtibay ngayong Martes ng SC, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang pagkakahalal ni Robredo, 55, bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Pagkatapos ng eleksyon noong May 2016, naghain ng election case si Marcos makaraang matalo siya ni Robredo.

Lamang si Robredo ng 263,473 votes kay Marcos.

Giit noon ni Marcos, nagkaroon daw ng dayaan kaya natalo siya ni Robredo.

At press time, hindi pa isinasapubliko ng SC ang mga detalye ng dismissal ng electoral protest ni Marcos laban sa Bise Presidente, maging ang pangunahing basehan ng katas-taasang hukuman sa naging pasya nito.

CELEB SUPPORTERS REJOICE

Kasunod ng pinal na desisyon ng SC sa kaso, nagkani-kanya ng tweet ang ilang celebrities, na kilalang tagasuporta ni Robredo, upang ipagbunyi ang tagumpay ng Bise Presidente.

Pasado 12:00 ng tanghali, ni-retweet ni Agot Isidro, 54, ang breaking news post ng ABS-CBN tungkol sa pasya ng Korte Suprema.

Sabi ni Agot (published as is): “this is making me super duper happy!

“bye bye bong bong!”

Agot Isidro rejoices over dismissal of Marcos vs Robredo poll protest

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na si Marcos ang binanggit ng singer-actress sa kanyang tweet.

Ni-repost din ni Jim Paredes ang parehong breaking news tweet ng ABS-CBN.

Sa isang follow-up tweet, may maikling mensahe para kay Marcos ang 69-year-old na dating miyembro ng APO Hiking Society: “Game over bbm”

Ang actor-entrepreneur na si Enchong Dee, iniugnay pa ang desisyon ng SC sa trending ding music video ng kaibigang singer na si Moira dela Torre, ang “Paubaya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bida sa music video ni Moira ang malapit na kaibigan ni Enchong, ang young actor na si Joshua Garcia, at ang dating loveteam partner at ex-girlfriend nitong si Julia Barretto.

Tinag ni Enchong sa kanyang tweet sina Robredo, Moira, at Joshua.

Tweet ni Enchong: “Ang ganda ng araw ko lalo na sa Supreme Court Ruling in favor of @lenirobredo…

“tapos bigla ko napanuod yung yung #PaubayaMusicVideo ni @moirarachelle4

“grabe yung lyrics at MV! @iamjoshuagarcia at Julia.”

“NANAIG ANG KATOTOHANAN”

Sa isang televised speech pasado 7:00 ng gabi ngayong Martes, pinasalamatan ni Robredo ang kanyang staff sa Office of the Vice President (OVP) at ang kanyang legal team.

Nagpasalamat din si Robredo sa “lahat ng sumuporta, nanindigan at nagtiwala” sa kanya simula nang mahalal siya sa puwesto noong 2016.

“Halos limang taon na ang nakalipas, ngayong araw nanaig ang katotohanan,” sabi ni Robredo.

“Naniwala tayo sa katotohanan ng ating pagkahalal. Naniwala tayo sa proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naniwala tayo sa integridad ng mga mahistrado sa Presidential Electoral Tribunal.

“Maraming salamat sa PET for their fairness and resolve.”

Ngayong tuluyan nang natuldukan ang electoral protest ni Marcos laban sa kanya, “ang hinihingi ko lang sa lahat, lalo na sa supporters natin, is to put this rancor behind us.

“Let us move forward together,” ani Robredo.

Nang tanungin kung nakaapekto ba ang desisyon ng SC sa kanyang political plans para sa 2022, natatawang umiwas ng sagot ang Bise Presidente.

“Gusto ko munang namnamin itong araw na ito.

“Parang immersed pa kami [OVP] sa pang-araw-araw na pagtugon sa mga naapektuhan ng pandemya.

“Pakiramdam ko parang kasalanan na political plans ang uunahin ko.”

“DI NAMAN SIYA MAGDEDESISYON KUNG QUALIFIED AKO O HINDI”

Hiningan din si Robredo ng reaksiyon sa hayagang pagdududa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ng Bise Presidente na pamunuan ang bansa.

Bukod pa ito sa sinabi kamakailan ni Duterte na hindi para sa babae ang trabaho ng isang pangulo ng bansa.

“Hindi naman siya ang magdedesisyon kung qualified ako or hindi, yung taumbayan yung magdedesisyon,” mabilis na sagot ni Robredo.

“Hindi ko naman dedepensahan yung sarili ko.

“Ang sa akin lang, makakabuti sa ating lahat pag nakikinig sa mungkahi, sa pagpansin ng ibang mga polisiya.

“Nalulungkot ako na yung response sa ating mungkahi ay pag-iinsulto.

“Pero hindi ko naman yun kontrolado. Ang kontrolado ko lang yung gagawin ko,” ani Robredo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice President Leni Robredo speaks in front of members of the media in her televised speech hours after the Supreme Court dismissed with finality the electoral protest of defeated candidate, former Senator Bongbong Marcos, against her.
PHOTO/S: VP Leni Robredo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results