Gwen Zamora, DJ Semerad got married in France a day before Valentine’s Day

Feb 17, 2021
Gwen Zamora DJ Semerad wedding France
Actress Gwen Zamora marries basketball player DJ Semerad in a civil wedding ceremony in France on February 13, 2021. They have a one-year-old son named Cooper John.
PHOTO/S: @gwenzamora on Instagram

Kasal na ang aktres na si Gwen Zamora sa professional basketball player na si David John "DJ" Semerad.

Si Gwen, 30, ang Filipino-Italian actress na ilang taong naging Kapuso artist.

Gumanap siya bilang Faye Kabisote sa Enteng Kabisote film series ng veteran comedian-TV host na si Vic Sotto simula 2010 hanggang 2012.

Napanood din si Gwen sa epic film na Goyo: Ang Batang Heneral noong 2018 bilang si Señorita Remedios Nable Jose.

Si DJ, 29, ang Filipino-Czech model-TV host na naglaro sa TNT Tropang Giga sa Philippine Basketball Association (PBA).

Teammate ni DJ ang kakambal niyang si Anthony Semerad, na fiancé ng actress-model na si Sam Pinto.

GWEN ZAMORA-DJ SEMERAD WEDDING IN FRANCE

February 13, 2021 nang ikinasal sa France sina Gwen at DJ.

Ipinost ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram pages ang mga litrato ng kanilang intimate civil wedding ceremony.

Sa post ni Gwen nitong February 14, ibinahagi niya ang litrato nila ni DJ pagkatapos ng seremonya, kung saan kapwa suot na nila ang kanilang wedding rings.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Gwen kay DJ: "Meet the Semerads!!! We did it!!

"I Love you as big as the Sky."

Sa post naman ni David nitong Martes, February 16, ibinahagi niya ang aktuwal na video ng wedding ceremony, na nasa lengguwaheng French.

Caption ni DJ: "Married my best friend!!! This is just the start baby. #SEMERADS."

Continue reading below ↓

Dumalo sa kasal nina Gwen at DJ ang malalapit nilang kamag-anak.

Siyempre, naroroon din ang one-year-old son nilang si Cooper John Semerad.

Continue reading below ↓

May 10, 2019 nang ma-engage sina Gwen at DJ.

Nag-propose si DJ sa mismong gender reveal party para sa noon ay seven months pregnant na aktres.

August 15, 2019 nang isinilang ni Gwen si Cooper.

June 6, 2020 ang orihinal na wedding date nina Gwen at DJ.

Gayunman, ipinagpaliban nila ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa Instagram post ni DJ noong July 8, 2020, nabanggit niyang pinlano rin nila ni Gwen ang magpakasal sa ipinagawa nilang “Semerad cabin” sa Batangas.

Pero hindi rin natuloy ang plano nilang iyon, dahil sa France idinaos ang kanilang pag-iisang dibdib isang araw bago ang Valentine’s Day 2021.

HOT STORIES
\

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Gwen Zamora marries basketball player DJ Semerad in a civil wedding ceremony in France on February 13, 2021. They have a one-year-old son named Cooper John.
PHOTO/S: @gwenzamora on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results