Bea Alonzo recalls face-off with John Lloyd Cruz about their mutual dislike for each other: "Feeling ko porke baguhang artista lang ako hindi niya ako gustong kaibigan."

by Rachelle Siazon
Feb 17, 2021
In 2004, Bea Alonzo says she and John Lloyd Cruz were forced to tell each other why it's hard for them to become friends off cam. Reminiscing about her initial impression of John Lloyd, Bea points out, "Ilang years kami magkatrabaho na never kami nag-uusap... Feeling ko ang yabang niya."
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / Now That I Have You / @vhongx44 Instagram

Hindi malilimutan ni Bea Alonzo ang panahong nagkainisan sila ni John Lloyd Cruz dahil sa kanilang personal biases sa isa't isa.

Natatawang ikinuwento ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi talaga sila magkaibigan noong mga unang taon nila bilang onscreen love team sa ABS-CBN.

Una silang nagkatrabaho sa prime-time series na Kay Tagal Kang Hinintay, na umere mula July 2002 hanggang November 2003.

Nasundan iyon ng prime-time series na It Might Be You, na umere mula December 2003 hanggang December 2004.

Pero hindi raw sila talaga nag-uusap noon kung hindi rin lang sila magkaeksena sa taping.

"Hindi kami magkaaway, hindi lang kami friends," paglilinaw ni Bea.

Balik-tanaw niya: "Nung time na nag-uumpisa ako, hindi niya talaga gusto na ako yung nandun, alam ko.

"Hindi ko naman siya masisi. Mahirap pa ako makatrabaho kasi ang bata ko nun."

Tingin ni Bea ay hadlang ang four-year age gap nila noon—siya ay 14 years old, habang si John Lloyd ay may edad na 19.

Continue reading below ↓

Aminado si Bea na nangangapa pa siya sa blocking niya sa harap ng camera kaya hindi maiiwasang pumalya siya rito.

"Biruin mo, never ako nakalimot ng lines. Pero biruin mo, lagi ako natatakpan ng camera niya, yung ilaw niya.

"Kasi hindi ko alam kung paano, e. Umaarte na ako, wala na pala ako sa camera.

"'Tapos umiiyak na siya, natakpan ko pala yung camera niya. So I had to do it again."

Hindi raw maiwasang umiksi ang pasensiya ni John Lloyd sa kanya.

Ani Bea, "Hindi ko siya masisi. So, nung time na yun, naiinis siya.

"Best actor na kasi siya nun sa Tabing Ilog, e."

Ang Tabing Ilog ay ang weekly drama series ng ABS-CBN na umere mula 1999 hanggang 2003. Dahil sa kanyang pagganap dito, nanalong Best Actor si John Lloyd sa PMPC Star Awards for TV noong 2001.

Dagdag ni Bea, "So, parang iniisip niya, 'Why am I working with this kid? Wala na bang iba?'

Continue reading below ↓

"Ilang years kami magkatrabaho na never kami nag-uusap."

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz in Kay Tagal Kang Hinintay

HOT STORIES

LAURENTI DYOGI CALLS THEM OUT FOR NOT BEING FRIENDS

Umabot daw sa puntong kinumpronta ni Laurenti Dyogi sina Bea at John Lloyd para mapilitan silang harapin ang isyu nila sa isa't isa.

Naganap daw iyon sa shooting ng pelikula nilang Now That I Have You, na ipinalabas sa mga sinehan noong August 2004.

Continue reading below ↓

Si Dyogi ang director ng pelikula at pati na rin ang unang serye nina John Lloyd at Bea na Kay Tagal Kang Hinintay.

Napuna raw ni Dyogi na ilag sa isa't isa sina Bea at John Lloyd.

"Nung time na yun, usung-uso nun yung SCQ yung mga talent shows. And then, meron nang Sandara and Hero," saad ni Bea.

Ang tinutukoy niya ay ang Star Circle Quest (SCQ), ang reality talent search na unang inilunsad noong March hanggang June 2004. Doon nadiskubre ang tambalan nina Sandara Park at Hero Angeles.

Binalaan daw ni Dyogi sina Bea at John Lloyd na baka mapag-iwanan ang kanilang love team.

Patuloy ni Bea, "'Tapos nung time na yun, kinausap kami ni Direk Lauren. 'You have to step up. Hello? Kinikilig mga tao sa mga taga-SCQ. Anong i-offer niyo? Hindi kayo nag-uusap?'

"So ni-cut niya yung shooting. Mineeting niya kaming dalawa sa baba ng Robinsons Galleria, yun kasi ang location namin nun."

Continue reading below ↓

Sabi raw ni Dyogi kina Bea at John Lloyd, "Kaya niyo maging kagkaibigan. Bakit ba hindi kayo maging magkaibigan?"

bea alonzo, john lloyd cruz in Now That I Have You

BEA alonzo AND JOHN LLOYD cruz THRESH OUT THEIR DIFFERENCES

Dito na raw nagtapatan sina Bea at John Lloyd kung anong hindi nila gusto sa isa't isa.

Continue reading below ↓

"So, parang naging he says, she says na siya.

"Parang feeling ko, ang yabang niya. Feeling ko, porke baguhang artista lang ako, hindi niya ako gustong kaibigan.

"Yung isa naman, naiinis siya sa akin kasi feeling niya ang hirap ko katrabaho."

Napag-alaman din daw ni Bea na umiiwas si John Lloyd sa kanya dahil ayaw nitong maapektuhan ang relasyon nila ng kanyang girlfriend sa tunay na buhay.

Paliwanag ni Bea: "Meron din angle na he had a girlfriend at the time at ayaw niya...

"Kasi siyempre yung mga fans nae-excite sila. Pinagpe-pair kami, di ba?

"Nung time na yun, siyempre immature pa kami, mga bata pa kami nun, di ba? He didn't know how to handle it.

"So siguro, naisip niya the best way to handle it is not to mind me na lang para wala silang away. Hahaha!"

Ayon kay Bea, hindi rin naman siya ang tipo na gagawa ng first move para makipagkaibigan kay John Lloyd.

Continue reading below ↓

"Ako naman, ayoko rin magmukhang malandi ako, so hindi ko na lang siya papansinin!" natatawang pag-amin ni Bea.

Sabay sabi niya, "Immature pa kami nun.

"After that talk with Direk Lauren, pinaakyat kami. Binigyan kami ng assignment.

"Hindi kami magte-take hangga't hindi namin sinasagot mga questions ng isa't isa.

"Like, 'What's your favorite color? Whats your favorite food? Hahaha!"

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz in Now That I Have You

Continue reading below ↓

PROVING HER WORTH AS AN ACTRESS

Naniniwala si Bea na nakabuti ang hindi magandang simula ng pagkakaibigan nila ni John Lloyd para mas mahinang niya ang kanyang talento sa pag-arte.

Kinalaunan, nakagawa sila ng walong pelikula at pitong teleserye sa ABS-CBN.

Ang realization ni Bea: "But actually, he helped me so much nung time na sinusungitan niya ako, hindi kami nag-uusap, hindi kami nagha-hi, hindi kami nagba-bye.

"I had to prove myself that I am worthy.

"So actually, he pushed me, without him even knowing about it.

"Talagang ginawa kong fuel yung pagiging ganun niya sa akin. Na parang, 'A, ganun ba? Papatunayan ko sa iyo. Gagaling talaga ako.'"

Diin pa ni Bea, "Kung hindi naging ganun relationship namin, baka mas naging relaxed ako. Baka hindi naging ganun kalakas yung drive ko to prove myself."

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz in Maging Sino Ka Man

Continue reading below ↓

eighteen years of friendship

Naging pundasyon din daw iyon para mas tumibay ang pagkakaibigan nila ngayon ni John Lloyd.

Ipinagmalaki ni Bea na "18 years" na ang lumipas, madami na silang dinaanan sa kanilang karera at personal na buhay, pero nananatili silang malapit ni John Lloyd sa isa't isa.

"So, naging blessing na ganun relationship namin ni John Lloyd," napapangiting sabi ni Bea sa pagiging immature nila noon.

Hindi raw basta matitibag ang tibay ng samahan nila ngayon.

"Because right now, alam ko mananatili siyang parte ng buhay ko for the rest of my life.

"Ganun na ka-solid yung sa amin."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2004, Bea Alonzo says she and John Lloyd Cruz were forced to tell each other why it's hard for them to become friends off cam. Reminiscing about her initial impression of John Lloyd, Bea points out, "Ilang years kami magkatrabaho na never kami nag-uusap... Feeling ko ang yabang niya."
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / Now That I Have You / @vhongx44 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results