Bugoy Cariño taunts bashers in post-Valentine TikTok video with partner EJ Laure

by Arniel C. Serato
Feb 17, 2021
Bugoy Cariño EJ Laure Valentine's TikTok video
Bugoy Cariño gifts partner EJ Laure a post-Valentine's Day dance on TikTok.
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram

Tila nang-asar muli si Bugoy Carino, 18, at ang partner nitong si EJ Laure, 23, sa kanilang bashers.

Sa Instagram ngayong hapon ng Miyerkules, February 17, nagbahagi ang dating child star ng kanyang bagong TikTok vide. Valentine’s Day dance daw niya ito para sa volleyball player.

Natatawa naman siyang nakiusap sa bashers na huwag nang maging bitter dahil 2021 na raw.

Makikita sa video na sumasayaw si Bugoy sa saliw ng kantang “Heartbreak Anniversary” mula sa American R&B singer and songwriter na si Giveon.

Sabi niya sa caption: “Post Valentine Dance For You @ennajielaure (heart, face throwing a kiss emojis)

“O mga basher dyan wag nang bitter HAHAHAHA 2021 na!! (rolling on the floor, grinning face with one large and one small eyes emojis)”

VALENTINE GREETING

Noong February 14, nag-post naman si Bugoy ng Valentine’s Day family greeting nila.

Sinamahan niya ito ng family picture nila ni EJ at kanilang ng two-year-old daughter na si Scarlet.

Continue reading below ↓

Saad niya sa caption, “Family Where Life Begins & Love Never Ends.. (heart, smiling face with three hearts emojis) @ennajielaure @iamscarletcarino

“Happy Valentine's Everyone! (three hearts emojis)"

DADDY BUGOY

September 3, 2020 inamin ni Bugoy na isa na siyang ganap na ama.

Itinaon niya ito sa kanyang 18th birthday sa pamamagitan ng Instagram.

Bago ito, dalawang taon nang bulung-bulungang may anak si Bugoy at ang kanyang girlfriend pa lamang noong si EJ.

Sabi pa ni Bugoy sa kanyang post noon: “HAPPY BIRTHDAY TO ME!

"Happy to have a family na mahal na mahal ako.

"Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito.

"Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!"

Ang pagbubuntis ni EJ noon ang dahilan kung bakit na-suspend indefinitely si Bugoy sa grupong Hashtags ng It’s Showtime.

May mga nagulat at nanghinayang kay Bugoy dahil sobrang bata pa ito para maging ama.

Continue reading below ↓

Pero depensa ng aktor, “Opo alam namin na may mali sa ginawa namen, pero para ijudge kami basta basta? Ibang usapan na po yun... hindi nyo po alam buong story namin.

“At least ako kahit bata pa pinanindigan ko lahat ng responsibilidad ko at hindi ko po tinakbuhan.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Cariño gifts partner EJ Laure a post-Valentine's Day dance on TikTok.
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results