Gerald Anderson asked by friends if he has a girlfriend

by Rachelle Siazon
Feb 18, 2021
Gerald Anderson laughs out loud as he gets to skip his friend's question about his current relationship status. But the Kapamilya actor says he's "sobrang happy" when quizzed about matters of the heart.
PHOTO/S: @andersongeraldjr Instagram

Pumayag si Gerald Anderson na malagay sa hot seat sa Q&A vlog sa YouTube ng kanyang matalik na kaibigan na si Joe Vargas.

Pareho silang ex-housemates ng ABS-CBN reality franchise show na Pinoy Big Brother—si Gerald ay galing sa first teen edition noong 2006 at si Joe ay galing sa Teen Clash of 2010.

Sinubukan ni Joe na paaminin si Gerald kung mayroon na ba itong girlfriend.

Pero ang usapan nila ay sasagot lamang si Gerald kapag hindi na-shoot ang kanyang free throw sa basketball court ng pag-aari niyang gym.

Naroon din sa gym ang girlfriend ni Joe na si Bianca Yanga at iba pa nilang mga kabarkada.

"Ito na ang malupit na tanong! Makinig kayong lahat. Lalakasan ko iyong tanong. Taken ka ba ngayon?" excited na tanong ni Joe kay Gerald.

Tawa nang tawa si Gerald nang ma-shoot niya sa basket ang bola kaya tagumpay siyang iwasan ang tanong ni Joe.

Continue reading below ↓

Inasar naman si Gerald ng mga kabarkada, na waring may alam sa relationship status ng aktor.

Nang-aasar na sabi ni Joe kay Gerald, "Suwerte sa buhay!"

Natatawang pumapalakpak ang iba nilang mga kaibigan na nanonood sa kanila.

Nagpahiwatig naman si Gerald tungkol sa lagay ng kanyang "puso."

Aniya, "Sobrang saya. Marami akong dahilan para maging masaya. Tingnan mo kung gaano ka-sparkling eyes ko."

ON WHAT IT TAKES TO MAKE A RELATIONSHIP WORK

Pagdating sa usapang pag-ibig, naniniwala si Gerald na "teamwork" at "understanding" ang kailangan para mag-work ang isang relasyon.

Paliwanag niya, "Kailangan buo ka bago pumasok sa isang relasyon para hindi ka umaasa sa isang tao lang.

"Kailangan buo ka and buo yung partner mo, para pag nagsama kayong dalawa, [may] teamwork and understanding.

"Kung anuman insecurities niyo sa buhay, huwag niyo ipasa sa partner niyo. Kailangan you work through it together."

gerald seen with JULIA on at least two occasions

Mailap man si Gerald tungkol sa kanyang love life, hindi kaila sa publiko ang pagkakaugnay niya kay Julia Barretto.

Continue reading below ↓

Nitong mga nagdaang buwan ay namataang magkasama ang dalawa.

Naiulat ang pamamasyal ng grupo nina Gerald at Julia sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal noong November 2020.

Sinasabing namataan din silang namamasyal sa Baguio noong Bagong Taon.

Bago iyon ay maugong ang espekulasyon ng netizens na nakabisita na umano si Julia sa pag-aaring resort ni Gerald sa Botolan, Zambales.

Pumukaw rin ng pansin ng fans ng rumored couple ang pagiging malapit ni Julia sa mga kaibigan ni Gerald.

Minsan na kasing namataang kasama ni Julia si Bianca, at may pagkakataon ding nag-post si Julia sa Instagram ng birthday greeting para kay Joe.

JULIA barretto ADMITS SHE'S TAKEN

Sa parte ni Julia, inamin na niyang siya ay "taken."

Base iyon sa TikTok video challenge na ginawa ni Julia at ng mga kaibigan niya noong January 9.

Hindi sinabi ni Julia kung sino ang kanyang nobyo, pero nagpahiwatig siya na ito ay "Afam" at "older" sa kanya.

Continue reading below ↓

Ang Afam ay urban slang para sa salitang foreigner.

Tingin ng netizens ay pasok sa description si Gerald dahil Filipino-American ang lahi ng binata.

Naging tampulan din ng espekulasyon ang tinaguriang "jowa reveal" ni Julia noong January 4, 2021 .

Nag-post ang aktres sa Instagram ng litrato niyang nakaupo sa passenger seat ng isang sasakyan, na minamaneho ng lalaking hindi kita ang mukha.

Agaw-pansin noon ang balbong braso ng taong nagmamaneho ng sasakyan dahil tingin ng netizens ay si Gerald daw iyon.

Makikita rin sa litrato ni Julia ang sinasabing alagang aso nila ni Gerald, si Amari, na ang breed ay St. Bernard.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson laughs out loud as he gets to skip his friend's question about his current relationship status. But the Kapamilya actor says he's "sobrang happy" when quizzed about matters of the heart.
PHOTO/S: @andersongeraldjr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results