Rica Peralejo recalls no-label relationship with Piolo Pascual: "Ang deep naming dalawa with each other."

by Rachelle Siazon
Feb 19, 2021
Rica Peralejo on deep connection with Piolo Pascual 15 years ago: "We would talk about the future, being husband and wife and all that. Ganun naman kapag may somebody ka that you wanna be serious with, e."
PHOTO/S: Rica Peralejo YouTube / Noel Orsal for PEP.ph

Inamin ni Rica Peralejo, 39, na nagkaroon sila ng espesyal na ugnayan ni Piolo Pascual, 44, labing-limang taon na ang nakararaan.

Naging malapit ang dalawa nang nagkatrabaho sila sa Sa Piling Mo, ang ABS-CBN prime-time series na pinagbidahan nina Piolo at Judy Ann Santos noong 2006.

Binalikan ni Rica ang nakaraan nila ni Piolo sa kanyang YouTube vlog, na inilabas niya ngayong Biyernes, February 19, 2021.

Nakangiting pahayag ni Rica: "Eto na yung tanong na pinakaabangan ng lahat. Eto yata yung question na pinakamadami ko. I've received mga 100 questions. Siguro 50 dun, eto.

"Naging kayo ba talaga ni Papa P or Piolo Pascual? At dumating ba sa point na nag-propose siya sa iyo?

"So, isa-isa lang!"

Totoong nahulog daw ang loob nila sa isa't isa, pero hindi raw sila naging opisyal na magkasintahan.

Si Rica ay 24 years old pa lamang noon, habang si Piolo ay may edad na 29.

Continue reading below ↓

Nakangiting balik-tanaw ni Rica: "E, papaano ko ba iyon sasagutin? Eto na naman ako—hindi ito pa-safe, ha? Yes and no.

"Yes, in a sense na ang deep naming dalawa with each other.

"But we never put a label in ourselves. Never namin iyon ibinigay sa isa't isa."

Sa pagkakatanda ni Rica ay hindi nila inamin ni Piolo sa publiko ang magandang pagtitinginan nila noon.

"Hindi rin kami umamin sa public about dating or liking each other. I'm not sure kung umamin siya. Meron ba?" bahagyang napaisip pang sabi ni Rica.

Dugtong niya, "Pero ako, I don't recall... Because I've been asked by several reporters about it, pero never kong sinabi na, 'Oo, kami' at the time.

"What I remember is that hindi ko rin talaga alam kung ano nga ba kami."

Pero kahit walang label ang relasyon nila noon ni Piolo, seryoso raw sila sa intensiyon nilang mas makilala ang isa't isa.

Continue reading below ↓

"It was very clear to us that we liked each other a lot," diin ni Rica.

Patunay raw nito ay napag-usapan nila ang mga bagay na may kinalaman sa pagpapakasal.

"We would talk about the future, being husband and wife and all that.

"But you know, I did that also with Bernard."

Ang tinutukoy ni Rica ay ang ex-boyfriend niyang si Bernard Palanca, na apat na taon niyang nakarelasyon noon.

Sa kaso nila ni Piolo, paliwanag pa ni Rica, "Alam mo yun? Ganun naman kapag may somebody ka that you wanna be serious with, e.

"Sometimes you can't help but move forward with our thoughts when that day comes.

"I won't say that I was the only one na ganun sa buhay niya."

Sa huli, hindi rin naman daw nagtagal ang pagkakamabutihan nina Rica at Piolo.

"Dumating ba sa point na nag-propose siya sa iyo?" tanong daw ng isang netizen tungkol sa kanila ni Piolo.

Continue reading below ↓

Sagot ni Rica, "Hindi. Hindi talaga. So, waley."

WHAT RICA SAID ABOUT PIOLO BACK IN 2007

Lumalabas na ilang buwan lamang ang itinagal ng pagkakakilanlan noon nina Piolo at Rica.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 2007, inamin ni Rica na totoong nanligaw sa kanya si Piolo.

Pero nilinaw rin noon ni Rica na hindi umusbong kung anuman ang namagitan sa kanila ng aktor.

Tinanong kasi si Rica kung totoo ang balitang binasted niya si Piolo.

Sabi noon ni Rica, "Sino ba naman ang hindi magkaka-type kay Piolo, di ba?

"Pero kasi yung faith namin does not go for type-type or gusto-gusto. We go for what God wants for you, ganun."

Dagdag ni Rica, "I want to concentrate on my walk with God.

"We really both felt na parang God is telling us to stop, and look at me first."

Noong panahong iyon nagsimulang lumalim ang pagdiskubre ni Rica sa kanyang Christian faith.

Continue reading below ↓

Nakasaad din sa ulat ng PEP.ph na si Piolo ang naghikayat kay Rica na dumalo ng church service sa Victory Christian Fellowship.

HOW RICA MET HER HUSBAND

Kakatwa namang nahanap ni Rica ang lalaking mapapangasawa sa katauhan ng isang pastor na nakilala niya sa Victory Christian Fellowship—si Joseph Bonifacio.

Taong 2006 nang magkakilala sila, pero naging magkasintahan lamang sila noong 2008.

Pagkalipas ng sampung buwan ay nag-propose ng kasal si Joseph kay Rica.

Ikinasal sila noong January 2010.

May dalawang anak sina Rica at Joseph: si Philip, 6, at si Manu, 2.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rica Peralejo on deep connection with Piolo Pascual 15 years ago: "We would talk about the future, being husband and wife and all that. Ganun naman kapag may somebody ka that you wanna be serious with, e."
PHOTO/S: Rica Peralejo YouTube / Noel Orsal for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results