Kristoffer Martin, AC Banzon exchange sharp words on Twitter

by Ruel J. Mendoza
Feb 20, 2021
Kristoffer Martin and AC Banzon ended their seven-year relationship in December 2020.

Nagkasagutan sa Twitter ang dating magkasintahang sina Kristoffer Martin and AC Banzon ngayong umaga, February 20, 2021.

Nagsimula ito sa sunud-sunod na tweets ng Kapuso actor. Wala siyang pangalang binanggit pero mahihinuhang para kay AC ang mga ito.

"Di lahat maaamo mo. Di lahat kakampi sayo. Kasi alam nila yung totoo."

"Isasahin mo sacrifices ko before versus sa mga merch mo. Mygahd"

"Sana binanggit mo kung pano ako naubos. Hindi yung 'gatas lang' yung ginawa ko. Sana lang.”

"You know what I did. You know why I left. Enough.”

"Empty cans make the loudest noise"

Kristoffer Martin tweets against AC Banzon

Continue reading below ↓

Sa isa sa mga tweets, nag-comment si AC ng: "Isa isahin ko kaya kalokohan mo hahahahaha"

Sinagot ito ni Kristoffer ng: "Go. Dahil gusto mo ko sirain sa trabahong bumuhay satin before. Sa trabahong nagdala satin kung saan saan. GO."

Sabi ni AC: “Ikaw ang sumira sa’yo. Your actions. Not me"

Huling hirit ni Kristoffer: "Noted."

Kristoffer Martin tweets against ex-live in partner; AC banzon responds

Continue reading below ↓

Kristoffer Martin-AC Banzon Breakup

Tumagal ng seven years ang kanilang relasyon na nagbunga ng isang anak.

Noong January 21, ipinakilala ni Kristoffer ang kaniyang four-year-old daughter sa pamamagitan ng isang panayam sa 24 Oras, kung saan rin niya sinabing hiwalay na sila ng ina ng kanyang anak.

"It didn’t work out, e." ang sabi ng Babawiin Ko Ang Lahat actor.

Kinabukasan noon, kinontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si AC, pero nito lamang February 16 ito nagdesisyong magpa-interview para sagutin ang mga tanong tungkol sa relasyon nila ni Kristoffer.

December 19, 2020 sila nag-break.

Ikinagulat raw ito ni AC dahil "super okay" sila bago umalis si Kristoffer para sa lock-in taping nito mula November 18 hanggang December 18, 2020.

Pagbalik ni Kristoffer, sinabihan nito si AC ng, "Pagod na 'ko."

Eventually, inamin raw ng 26-year-old actor sa kanya na may third party.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristoffer Martin and AC Banzon ended their seven-year relationship in December 2020.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results