Madalas ay chill lang si Leila Alcasid, 23, pagdating sa mga comments sa kanyang social-media feeds.
Pero nitong February 18, 2021, hindi pinalampas ng panganay ni Ogie Alcasid ang "rude" comment na ito ng isang basher: “Nakakapanghinayang bata pa pero laspag nah ng jowa tsk."
Madalas kasi mag-post si Leila sa kanyang Instagram account ng mga sweet photos nila ng nobyong rapper na si Mito Fabie A.K.A. Curtismith, 28.
Gayunpaman, maayos pa rin ang pagkakasabi ng baguhang mang-aawit sa kanyang Instagram Stories, “I don’t want to mind comments but this is so rude.
“I’m in a happy loving relationship with a very respectful person and would prefer we not be referred to this way. thank you”

Diin pa niya sa kanyang IG Stories, hindi na siya bata.
“only saying this once: stop commenting on my pics w my bf saying 'ang bata pa' /other nosy comments.
“I’m turning 24 this year man!!!!!”

LEILA ALCASID: "TRY KINDNESS"
Nag-upload rin si Leila ng larawan nila ng nobyo kasama ang alaga nilang aso, sabay pasalamat sa mga suportang natanggap niya mula sa kanyang followers.
Saad nito, “anyways enjoy this photo of my happy fam.
“love to everyone giving support in my dms and also love to lurky haters hehe”
Nagbigay-paalala rin siya na huwag maging negatibo sa buhay dahil nakakaagod ito.
Aniya, “being a neg is tiring! try kindness! good night!”

Si Leila ay anak ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid at dating beauty queen na si Michelle van Eimeren.
