Ellen Adarna admits "intense" combination with Derek Ramsay; a friend says they are a "perfect match"

by Rachelle Siazon
Feb 22, 2021
Tila hindi mapaghiwalay sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Matapos ang kanilang pamamasyal sa Laguna, magkasama ulit ang dalawa sa kanilang workout session nitong weekend.
PHOTO/S: Gerry Santos via @maria.elena.adarna Instagram Stories

Inamin ni Ellen Adarna, 32, na "intense" ang kombinasyon nila ni Derek Ramsay, 44.

Noong February 20, nagbahagi si Ellen ng mga litratong kuha sa pamamasyal nila ni Derek sa Lake Caliraya sa Laguna.

Kasama ni Ellen ang anak na si Elias pati ilang mga kaibigan nila ni Derek.

ellen adarna, derek ramsay in caliraya in Laguna

Continue reading below ↓

Sa comments section, may mga netizen na nagkomentong may dalang kilig ang kombinasyon nina Ellen at Derek.

Kalakip ng laughing emojis, sagot ni Ellen (published as is): "u feel the energy? Its pretty intense."

netizen says ellen and derek chemistry is intense, ellen adarna reacts

HAS DEREK FALLEN "IN LOVE" WITH ELLEN?

Tila hindi naman itinatago nina Ellen at Derek na mas napapalapit ang loob nila sa isa't isa.

Continue reading below ↓

Pati panunukso ng kaibigan ni Derek na si Gerry Santos ay ni-repost ni Ellen sa kanyang Instagram Stories nitong Linggo, February 21.

Sabi ni Gerry, "in love" ang "BFF" niyang si Derek kay Ellen.

Inilarawan din ni Gerry na "perfect match" sina Ellen at Derek.

Makikita sa videos ni Gerry na magkasundo sa pagwo-workout sina Ellen at Derek.

Continue reading below ↓

Sinabayan ni Derek si Ellen sa jumping rope exercise kunsaan kilalang eksperto ang sexy actress.

Instagram story: derek ramsay, ellen adarna workout

Nagpakitang-gilas naman si Derek, na ibinilad ang kanyang six-pack abs habang nagti-training sa boxing.

Instagram story: Gerry Santos calls ellen and derek perfect match

Continue reading below ↓

May ibinahagi ring video si Gerry kunsaan makikitang sinubukan din ni Ellen ang core exercise na ginawa ni Derek.

Mapapapansing kuha ito sa bahay ni Derek base sa disenyo ng dining area na kita sa floor-to-ceiling glass room kunsaan nagwo-workout sina Derek at Ellen.

Base sa hiwalay na Instagram Story ni Derek, hanggang dinner time ay magkasama pa rin sila ni Ellen sa bahay ng aktor.

Continue reading below ↓

Instagram story: Derek Ramsay, Ellen Adarna dinner together

FROM NEIGHBORS TO LOVERS?

Nagsimula ang pagkikilanlan nina Derek at Ellen nang magkasama sila sa isang dinner party sa bahay ng aktor noong January 11.

Kasama nila noon si John Estrada, na malapit na kaibigan ni Derek at leading man naman ni Ellen sa weekly sitcom sa TV5 na John en Ellen.

Continue reading below ↓

Nagkataon namang magkapitbahay rin pala sina Derek at Ellen.

Nasundan ang bonding nina Derek at Ellen kasama ng non-showbiz friends ng aktor.

Hanggang sa noong Valentine's Day, kapansin-pansing imbitado si Ellen sa family dinner sa bahay ni Derek.

Tila hindi mapaghiwalay ang dalawa dahil sunud-sunod na ang pagkikita nila.

At noong Biyernes, February 19, nag-post si Ellen ng litrato nila Derek kunsaan yakap siya nito sa leeg.

Tila kuha rin iyon sa pamamasyal ng kanilang grupo sa Laguna.

Kapansin-pansin din ang pagiging malambing ni Derek sa anak ni Ellen na si Elias.

Buhat pa ni Derek si Elias habang nakasakay sila sa bangka, base sa isa pang litrato na ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram Story.

DEREK ON ENJOYING ELLEN'S COMPANY

Hindi naman itinanggi ni Derek na masaya siya kapag kasama si Ellen.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 19, sinabi ni Derek na magkasundo sila ni Ellen.

Continue reading below ↓

"Kami ni Ellen, we are the same in so many ways.

"Hindi kami takot na ipakita ang nararamdaman namin o ipakita ang naiisip namin.

"We really enjoy each other's company."

Hindi rin apektado si Derek sa opinyon ng iba na tila "rigodon" ang dating ng mga nakapalitang karelasyon nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

May mga netizens kasi ang nakaalala na si Ellen ay ex-girlfriend ni John Lloyd, at ang dalawang taong gulang na si Elias ang bunga ng pag-iibigan nila noon.

Habang ang ex-girlfriend noon ni Derek na si Angelica Panganiban ay naging ex-girlfriend din ni John Lloyd.

Sabi ni Derek sa PEP.ph, "Ano ba ang dapat kong sabihin sa mga ganun? Hindi naman pumapasok sa isip ko yung mga ganung klaseng bagay, sila [netizens] lang nag-iisip ng mga ganyan.

"Ang tagal na namin ni Angelica na magkahiwalay. Hindi ako nakikialam sa relationship ni Angelica at ni John Lloyd, or relationship ni Ellen at ni John Lloyd...

Continue reading below ↓

"That's their business. Walang pumapasok na ganyan sa utak ko na mga ganyan."

HOT STORIES

Use these Nike promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila hindi mapaghiwalay sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Matapos ang kanilang pamamasyal sa Laguna, magkasama ulit ang dalawa sa kanilang workout session nitong weekend.
PHOTO/S: Gerry Santos via @maria.elena.adarna Instagram Stories
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results