From neighbors to lovers? Derek Ramsay, Ellen Adarna post PDA photos on social media

by Bernie V. Franco
Feb 19, 2021
Are they in a relationship? Derek Ramsay and Ellen Adarna post on social media their public display of affection or PDA. Right photo shows Derek and Ellen sitting side by side, with Derek carrying Elias Modesto, Ellen's son, on his lap.
PHOTO/S: @ramsayderek @maria.elena.adarna on Instagram

A picture paints a thousand words.

Akmang-akma ang kasabihang ito sa ipinost na larawan ng “magkapitbahay” na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna bago sumapit ang gabi nitong Biyernes, February 19.

Ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram Story ang larawan nila ni Derek na magkayakap. Naka-tag ang aktor.

Sa photo, nakayakap mula sa likuran ni Ellen si Derek. Magkadikit din ang kanilang mga mukha.

Twinning ang dalawa sa kanilang gray na pang-itaas at shades.

Ni-repost ni Derek ang larawan.

Wala nang iba pang caption ang larawan, pero makahulugan ang mensaheng nais iparating ng larawan.

Nakakuha ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagtungo ang dalawa sa isang resort sa South.

Samantala, may isa ring larawang ipinost si Derek.

Kasama nina Ellen at Derek ang mga kaanak at mga non-showbiz friends ng aktor.

Nakasakay ang grupo sa ferry boat.

Ang kapansin-pansin sa larawan ay magkatabi sina Ellen at Derek.

Karga-karga ni Derek ang natutulog na si Elias Modesto, ang two-year-old son ni Ellen sa dating live-in partner na si John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

Larawan ng kasiyahan ang grupo, lalo na sina Ellen at Derek.

Derek Ramsay, Ellen Adarna PDA photos

Earlier today ay ipinost nina Ellen at Derek ang tungkol sa kanilang “road trip.”

Sa larawan ni Derek ay makikitang nasa loob sila ng kotse. Magkatabi sila ni Ellen with matching outfit and shades.

Kalong ni Ellen ang kanyang anak.

Continue reading below ↓

Ang tanong sigurado ng marami: ang magkapitbahay ba na naging magkaibigan, ngayon ay nauwi na sa pag-iibigan?

Parehong single ngayon sina Derek at Ellen.

November 2020 ay kinumpirma ni Derek ang paghihiwalay nila ng Kapuso actress na si Andrea Torres pagkatapos ng isang taong relasyon.

April 2020 ay kinumpirma ni Ellen na mayroon siyang long-distance relationship.

Hindi tiyak kung kailan naghiwalay sina Ellen at ang kanyang Spanish boyfriend.

Pero sa press conference ng sitcom na John en Ellen noong January, kinumpirma ng co-star ni Ellen na si John Estrada na parehong single sina Ellen at Derek.

Matalik na kaibigan naman ni John si Derek.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Derek at Ellen nito lamang January 2021.

Inimbitahan ni Derek sa kanyang bahay sa Ayala Alabang sina Ellen, John, at Ruffa Gutierrez dahil nadiskubre ni Derek na magkapitbahay lamang sila ni Ellen.

Doon na nagsimula ang pang-iintriga sa dalawa, na noong una ay parehong todo tangging may namamagitan sa kanila higit pa sa pagkakaibigan.

Continue reading below ↓

Pero naging madalas ang kanilang bonding at hindi nila ito itinago.

Madalas idaan ng dalawa sa Instagram Story ang kanilang bonding.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Are they in a relationship? Derek Ramsay and Ellen Adarna post on social media their public display of affection or PDA. Right photo shows Derek and Ellen sitting side by side, with Derek carrying Elias Modesto, Ellen's son, on his lap.
PHOTO/S: @ramsayderek @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results