Derek Ramsay shows Ellen Adarna with him on Valentine's Day

by Rachelle Siazon
Feb 15, 2021
Ellen Adarna and her son Elias (not in photo) join the family dinner at Derek Ramsay's home on Valentine's Day.
PHOTO/S: @ramsayderek07 / @maria.elena.adarna Instagram

Tila tuluy-tuloy ang pagiging malapit nina Derek Ramsay, 44, at Ellen Adarna, 32.

Kasama ni Derek si Ellen sa pagdiriwang ng Valentine's Day noong Linggo ng gabi, February 14.

Inimbitahan ni Derek si Ellen na makisalo sa isang "special dinner" sa bahay ng aktor.

Kasama ni Ellen ang anak na si Elias.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinahagi ni Derek ang video clip kunsaan tinanong niya sina Ellen at Elias kung excited na ba ang mga ito na kumain ng steak.

Sinabi ni Ellen na mahilig siya sa steak, habang si Elias ay tila mahiyain sa camera.

Continue reading below ↓

Nag-post din si Derek ng group picture nila sa hapag-kainan.

Naroon din ang anak ni Derek na si Austin, ang kayang ina na si Remedios, at ibang mga kaanak.

Derek Ramsay valentine's dinner with family and ellen adarna

Pinagsaluhan nila ang roasted wagyu steak na inihanda ni Chef Wade na malapit na kaibigan at kalaro rin ni Derek sa golf.

Continue reading below ↓

Tila natalo si Chef Wade sa laro nila ni Derek at ang kapalit ay ang specialty steak nito.

Sabi sa isang bahagi ng Instagram post ni Derek, "Happy Valentines day everyone. Spending valentines with people I love dearly tonight."

Maliban kay Ellen, halos mga kapamilya lang kasi ni Derek ang naroon sa family dinner.

DEREK ramsay AND ELLEN adarna bonding sessions

Noong January 11, 2021 unang nagkaroon ng pagkakataong magka-bonding sina Derek at Ellen.

Nag-host noon ng dinner party si Derek kasama ang best friend na si John Estrada at ilang common friends.

Doon napag-alamang "neighbors" daw sina Derek, Ellen, at Ruffa Gutierrez sa Ayala Alabang kunsaan naninirahan ang aktor.

Muling namataan si Ellen na nasa bahay ni Derek kasama ng iba pang kaibigan ng aktor noong gabi ng December 18.

Nabuking noon si Ellen dahil nasa bahay siya ni Derek nang sumalang siya sa isang virtual interview para sa TV5.

Continue reading below ↓

Hindi naman itinatago nina Derek at Ellen ang napapadalas nilang pagkikita bilang magkapit-bahay sila.

Noong January 28, isang grupo rin silang nagtungo sa isang resort sa Anilao, Batangas.

Doon ay makikitang nagkasiyahan sila kasama ang ilang malapit na kaibigan at kaanak ni Derek.

DEREK ON ENJOYING ELLEN'S COMPANY

Dahil sa napapadalas na pagkikita nina Derek at Ellen, hindi maiwasang magtanong ang netizens kung posibleng mahulog ang loob nila sa isa't isa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek noong January 19, diretsahan niyang sinabi na madali silang nagkasundo ni Ellen.

"Kami ni Ellen, we are the same in so many ways.

"Hindi kami takot na ipakita ang nararamdaman namin o ipakita ang naiisip namin.

"We really enjoy each other's company."

Kung anuman ang interpretasyon ng ibang tao sa nakikitang mga bonding nila ni Ellen at ibang mga kasamahan, iginiit ni Derek na hindi raw para pagtuunan pa niya ng pansin ang mga iyon.

Continue reading below ↓

Kung sakali, handa na bang makahanap si Derek ng bagong pag-ibig?

Ang tanging sagot ng Kapuso actor: "Being in a relationship is the last thing that I want.

"But like I've always said, we're always going to love again, that's human nature, that's how we are.

"Mangyayari na lang ‘yan, ayokong maghanap."

Ang huling nakarelasyon ni Derek ay ang dating Kapuso leading lady na si Andrea Torres. Napabalita ang kanilang hiwalayan noong November 2020.

Si Ellen ay huling naugnay sa isang Spanish guy na nakasama ng aktres noong nagbakasyon ito sa Spain noong January 2020.

Noong April 2020, inamin ni Ellen na mayroon siyang dine-date na foreigner na taga-Spain.

Pero mula noon ay tila hindi na muling nabanggit pa ito ng aktres.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna and her son Elias (not in photo) join the family dinner at Derek Ramsay's home on Valentine's Day.
PHOTO/S: @ramsayderek07 / @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results