Kim Chiu, Joshua Garcia exchange banter about their exes Gerald Anderson, Julia Barretto

by Bernie V. Franco
Feb 22, 2021
Joshua Garcia and Kim Chiu exchange banter about their exes last Sunday on ASAP Natin 'To. Kim asked a pressing question to Joshua about the music video he did with ex-girlfriend Julia Barretto. Meanwhile, Joshua teased Kim Chiu about ex-boyfriend Gerald Anderon, now rumored to be Julia's boyfriend.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @andersongeraldjr on Instagram

Nauwi sa asaran tungkol sa kani-kanilang mga dating karelasyon ang spiels nina Kim Chiu at Joshua Garcia sa ASAP Natin ‘To nitong February 21, Linggo.

Sa isang portion ng Kapamilya Sunday musical-variety show, sumalang sina Joshua at Kim kasama si Enchong Dee.

Pinag-usapan nila ang music video ng "Paubaya," na kanta ni Moira dela Torre.

Tampok sa video si Joshua at ang dating girlfriend niyang si Julia Barretto.

Mayroon na itong higit 19 million views makalipas lang ang isang linggo mula nang i-upload ito sa YouTube.

Tinanong si Joshua kung ano ang nakapagpa-oo sa kanya para gawin ang music video kasama ang ex-girlfriend.

Sagot ng binata, “Alam mo, simple lang naman sagot ko diyan. Ang sagot ko diyan, yung friendship namin nila Moi, nila Kuya Jason [Marvin, asawa ni Moira], and Julia.

“Yun yung isa sa nagpa-oo talaga sa akin.”

Naka-relate daw kasi si Joshua nang i-pitch sa kanila ni Moira ang kanta.

Continue reading below ↓

“Seryoso, totoo ‘yon. Si Moi yung nag-ask sa akin, e," pagpapatuloy ng aktor.

“Sabi niya, ‘Okay ka ba to do this 'Paubaya'?’

"E, napakinggan ko yung 'Paubaya', ‘tapos sabi ko, ‘Ang ganda nito, a. Parang saktong-sakto dun masyado sa amin!’” sabay tawa ni Joshua.

Patok ang music video dahil maraming naantig sa dialogues nina Julia at Joshua, na malaki ang hawig sa kanilang real-life breakup.

Kinumpirma ni Joshua na kasama sila mismo ni Julia sa nagsulat ng dialogues.

Paliwanag ni Joshua, “May script siya, 'yon yung guide. Kami ang gumawa—ako si Moi, si Kuya Jason, at si Jul.

“Kami gumawa apat. May script siya, siyempre. May guide kung saan hanggang saan lang kayo.

“Pero yung sasabihin as an actor, kung saan ka kumportable, siyempre kung saan mo mararamdaman.”

Nag-break sina Joshua at Julia noong April 2019, pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Sa puntong iyon, may “phone-in question” na ibinato si Kim kay Joshua tungkol sa linyahan nila ni Julia sa music video.

Continue reading below ↓

Tanong ni Kim kay Joshua: “Phone-in question, bakit ka daw nag-sorry?”

Binago ni Joshua ang usapan, pero hindi bumitaw si Kim.

Hirit ni Kim, iniwan siya sa ere nina Joshua at Enchong, samantalang pinapatanong lang daw sa kanya ng writer ng ASAP ang tanong.

Pero hindi nagpadala si Joshua at in-entertain na lang ang tanong ng isang fan.

Tanong ng fan: nadalian o nahirapan ba si Joshua na i-shoot ang music video kasama si Julia?

Sagot ni Joshua, na-excite siyang gawin ang music video dahil nakasama na niya dati sina Julia, Moira, at Jason.

Paliwanag ni Joshua, “Ka-message ko nga si Kuya Jason before the shoot.

“Sabi ko sa kanya, ‘Bro, sigurado ako, exciting itong mangyayari.’ Kasi parang doon na lang ulit kami nagsama-sama ulit after.

“Last project namin ginawa nang magkakasama, Love You to the Stars and Back, ‘Torete' ni Moi.”

Itinampok din sina Julia at Joshua sa music video ng kanta ni Moira noong 2017, ang "Torete." Pasibol pa lang noon ang relasyon ng dalawang young stars.

Continue reading below ↓

KIM AND JOSHUA TEASE EACH OTHER ABOUT THEIR EXES

Mukhang hindi pa nakaka-move on si Kim sa “panlalaglag” sa kanya ni Joshua, kaya sa sumunod niyang spiel ay may halo pa ring pang-aalaska sa aktor.

Bibong sabi ni Kim: "Eto na talaga. We have been waiting for this moment!

"Live via Zoom, please welcome… Jjjj… just kidding!” na animo’y sasambitin ang salitang “Julia.”

Gumanti si Joshua.

“Kala mo siya lang may surprise, meron din tayo,” sabi ni Joshua, na tila hinihimok pa si Enchong na magkampihan sila.

“Please welcome, Mr. Ge… Just kidding!” bitin na sabi ni Joshua, na binanggit ang unang dalawang letra ng pangalan ni Gerald Anderson, ang former boyfriend ni Kim.

Mukhang hindi inasahan ni Kim ang biro ni Joshua at bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat.

Sabi ni Kim kay Joshua: “Happy ka? Basta happy ka, Joshua, okay ako dun. Na-happy ka?”

Nasambit ni Joshua na nagbibiro lang siya, at nagtawanan sila.

Continue reading below ↓

Pahabol ni Kim, “Basta happy si Joshua okay na ‘yon.’”

Nagkataon namang matagal nang pinaniniwalaang magkarelasyon ngayon sila Julia at Gerald.

Samantala, ipinaliwanag din ni Moira after ng kanyang performance sa ASAP Natin 'To nila na-conceptualize ang music video ng "Paubaya" noon pang 2020.

Paliwanag ng singer, “Nung sinusulat pa lang namin yung kanta, na-conceptualize na namin sa isip namin kung anong story yung gusto namin.

“And raw pa lang yung song, hindi pa nalalabas, nasa voice memo, pinadala ko na kay Josh and Julia, and we asked them to be part of the music video, and they said yes.

“Yung song was made in July [2020] and sent to them. September pa lang, pinag-uusapan na namin, nagko-conceptualize na kami.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia and Kim Chiu exchange banter about their exes last Sunday on ASAP Natin 'To. Kim asked a pressing question to Joshua about the music video he did with ex-girlfriend Julia Barretto. Meanwhile, Joshua teased Kim Chiu about ex-boyfriend Gerald Anderon, now rumored to be Julia's boyfriend.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results