Kitkat details her version of cursing incident with Janno Gibbs: "Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya."

by Rachelle Siazon
Feb 26, 2021
Kitkat fires back at Janno Gibbs: "Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nung oras na yun, timbangin mo. Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo? Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari."
PHOTO/S: @favkitkat / @jannolategibbs Instagram

"Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya."

Ito ang paglalarawan ni Kitkat sa mainit na engkuwentro nila ni Janno Gibbs sa taping ng Happy Time noong February 18, 2021.

Ang Happy Time ay ang daily noontime show ng Net 25, kunsaan main hosts sina Janno, Kitkat, at Anjo Yllana.

Naging kontrobersiyal ang palitan ng salita nina Kitkat at Janno sa social media gawa ng naganap na alitan nila habang nasa studio ng show sa Eagle Broadcasting Corporation sa Central Avenue, Quezon City.

Nauwi ito sa pagtanggal sa kanila pareho bilang hosts sa show.

Sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes, February 26, detalyadong isinalaysay ni Kitkat ang bersiyon niya ng sigalot nila ni Janno.

Buwelta ito ni Kitkat sa official statement ni Janno na lumabas kahapon, February 25.

Taliwas sa alegasyon ni Janno, nanindigan si Kitkat na wala umanong sapat na dahilan para pagmumurahin, duruin, at hiyain siya ni Janno sa harap ng mga katrabaho sa mismong taping ng show.

Hindi raw daw dapat isisi sa kanya ni Janno ang ikinilos nito.

Ang tanging inamin ni Kitkat ay siya raw ang naunang nag-post sa social media ng nangyaring engkuwentro nila sa studio ng Happy Time.

Pero binura rin daw niya ito sa kanyang Facebook account.

Bungad ni Kitkat sa kanyang latest post: "Ginawa ko po ang dapat gawin. Sinabi ko lang ang totoong nangyari at bugso ng damdamin ko dahil nabastos ako.

"Pinili kong huwag nang ilabas ang ibang nangyari off-cam.

"Opo, inaamin ko yung pinakauna kong statement ryt after ng nangyari ang lahat na ipina-delete din agad sa akin ng mga taong itinuturing kong dapat kong pakinggan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dala na rin siguro ng bugso ng damdamin at kahihiyang inabot ko, kaya normal lang sa isang babaing tulad ko na napahiya at nabastos ang maglabas ng sama ng loob.

"Pero wala akong sinabi na hindi totoo."

JANNO'S SCREENSHOT OF KITKAT'S FIRST FACEBOOK POST

Bagamat binura ni Kitkat ang pinakauna niyang Facebook post noong February 19, nakakuha si Janno ng screenshot nito at ni-repost iyon ng aktor sa Instagram nitong February 23.

Dito ay makikitang sinabi ni Kitkat na "galit na galit" ang kanyang pamilya dahil sa nalamang "pagwawala" at "pagmumura" sa kanya ni Janno sa taping ng Happy Time.

Mahihinuhang nagpupuyos ang damdamin ni Kitkat base sa ibang mga binitiwan niyang salita na tila mura pero naka-special characters.

Inalmahan iyon ni Janno.

Hindi direktang kinumpirma ni Janno ang alegasyon ni Kitkat na pinaulanan niya ito ng mura.

Pero depensa ni Janno, kung anuman daw ang ikinilos niya noon ay sanhi lamang umano ng mga nabitawang salita ni Kitkat laban sa kanya.

"I was provoked. Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio," saad ni Janno sa kanyang Instagram post noong February 23.

Halos ganoon din ang paliwanag ni Janno sa kanyang official statement noong February 25.

KITKAT STANDS BY HER ALLEGATION AGAINST JANNO

Umalma si Kitkat sa alegasyon ni Janno na siya ang nag-provoke dito.

Sa pagpapatuloy ng February 26 Facebook post ni Kitkat, ipinaliwanag niyang napikon umano si Janno habang naglalaro sa isang segment ng show.

Hindi raw inasahan ni Kitkat na ang "asaran" na bahagi raw ng laro ay mauuwi sa pagmumura sa kanya ni Janno.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Provoked? We were playing games, of course, 'asaran' is part of the play.

"But ang mamahiya, mambara, magsalita ng kung ano ano at mambastos sa taong nagsasalita at yung magwawala ka were not part of the game...

"Play. Naglalaro tayo, Naglalaro. Napikon ka. Yan ang nangyari...

"Ako ang dapat napikon, pero hinayaan ko lang na madurog ako, mapahiya kahit di ko deserve dahil kailangan kong magpaka-professional sa harap ng camera.

"Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya."

Patuloy ni Kitkat, ang binitiwan daw niyang salita sa "asaran" nila sa segment ay hindi sapat na dahilan sa inasta sa kanya ni Janno.

"Bigyan mo ng dahilan ang ginawa mo. Pahabain mo pa itong usapin na ito, isa lang yan, hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo.

"Wag nang dahil babae ako, luma na yan. Pagkatao na lang.

"Wag mo naman pong palabasin na kasalanan ko dahil you were 'provoked'?

"Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nung oras na yun, timbangin mo.

"Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo? Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari.

"Kung papano mo makikita yan, ikaw at sarili mo na lang ang makakaalam."

Diin ni Kitkat, "Maraming nakakita, nakapanuod at alam ang totoong nangyari. Ibibigay ko na yan sa katotohanan.

"Wala nang silbing ilaban ko pa sa yo yan."

Bilang panghuling mensahe raw niya kay Janno:

"Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho.

"Kung ano man ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at tingin mo e naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong Napatawad na rin kita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa naunang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 22, isang source ang nagsabing naganap ang engkuwentro nina Kitkat at Janno sa segment na "Kantanungan."

Magkatunggali raw noon si Janno at ang celebrity guest player at singer na si Marco Sison.

Nang sinabi na raw ni Kitkat ang “Kantanungan na,” kung saan may lolokohin umano para mag-unahan sa pagkuha ng scarf, naunahan ng team ni Marco ang team ni Janno.

Doon na raw nagalit si Janno kay Kitkat dahil tingin umano ni Janno ay "kinampihan" ni Kitkat si Marco.

KITKAT FEELS REMOVING HER AS HOST WAS "UNFAIR"

Base pa rin sa Facebook post ni Kitkat nitong February 26, pilit niyang iniintindi kung bakit nagpasya ang pamunuan ng Happy Time na tanggalin siya bilang host ng show.

Sana raw ay hinayaan na siyang mag-resign kung bigla rin pala siyang aalisin sa show.

Lahad ni Kitkat: "Sa management, respeto at pagmamahal pa din po ang deserve nyo. Mahal na mahal ko po kayo lahat dyan..

"But the decision to take me out wasn't fair but I will take it.

"You should've just given me the dignity of letting me go when I asked to resign.

"But you opted to remove me after we had a talk and when all was supposedly ironed out already."

Noong February 23, una nang nabalita ang pagkakapatawaran nina Kitkat at Janno, at sinasabing tuloy na ang live episode ng noontime show kinabukasan, February 24.

Nasundan ito ng ulat ng panibagong pahayag ni Kitkat na pinapatawad na niya si Janno at pinili niyang maging "bigger person" sa sitwasyon.

Hindi nagustuhan ni Janno na humirit pa sa social media si Kitkat, gayong sinubukan na raw nilang magkaayos.

At noon ngang gabi ng February 23 ay umalma muli si Janno dahil hindi raw niya mapapalampas na patuloy madungisan ang kanyang reputasyon.

Katuwiran naman ni Kitkat, ipinaalam daw niya sa pamunuan ng Happy Time ang pahayag niya sa Facebook noong February 23.

"Nagpaalam po ako na magpo-post ng pagpapatawad, and yun ang last post ko as in last, dahil getting ready na ako pumasok kinabukasan nang magaan ang loob nang dahil sa pagpapatawad na inayunan po ninyo.

"At the end of the day, no matter what happened, we all know the truth about the whole issue. The real truth."

Sabi pa ni Kitkat, tingin niya ay baka ayaw na lang ng management na may panigan pa sa kanila ni Janno kaya pareho silang natanggal sa show.

"Salamat po sa lahat, Net25, sa mga natutunan at mga opportunities po, at sa mga nakatrabaho ko.

"Mahal ko po kayo with so much Respect...

"Malungkot man ang pagtatapos na ito, tuloy ang pag-ikot ng mundo, tuloy ang pag-ikot ng buhay at tuloy lang ang buhay nating lahat.

"This is the LAST time I am going to talk about this."

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng Happy Time tungkol sa kontrobersiyal na alitan nina Janno at Kitkat, pati na rin sa napabalitang desisyon ng management na tanggalin ang dalawa sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tikom din ang bibig ng co-host na si Anjo Yllana, na sinasabing absent noong araw na magkaengkuwentro sina Janno at Kitkat.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitkat fires back at Janno Gibbs: "Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nung oras na yun, timbangin mo. Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo? Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari."
PHOTO/S: @favkitkat / @jannolategibbs Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results