Janno Gibbs reposts Kitkat's deleted angry Facebook post directed at him

by Arniel C. Serato
Feb 24, 2021
Kitkat Janno Gibbs rift
Janno Gibbs reposts deleted Facebook status of Kitkat besmirching his reputation.
PHOTO/S: Courtesy: @favkitkat / @jannolategibbs on Instagram

Ibinahagi ni Janno Gibbs sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, February 24, ang deleted Facebook post ni Kitkat kung saan naghayag ito ng galit sa kanya.

Ayon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) source, ipinost daw ito ni Kitkat noong madaling-araw ng Biyernes, February 19, pagkauwi niya galing sa taping ng show nila nina Janno at Anjo Yllana na Happy Time ng Net 25.

Noong araw na iyon naganap ang panduduro at pagmumura umano ni Janno kay Kitkat sa mismong taping ng kanilang programa.

Sa nasabing deleted post, ramdam ang matinding galit ni Kitkat sa hindi niya pinangalanang tao. Pero malinaw na si Janno ang pinatutungkulan niya.

Mensahe ni Kitkat sa kanyang deleted FB post (published as is): “Galit na galit pamilya ko! Lalo na ang tatay at asawa ko P€%€•$i*¥ mo din daw!

“Magharap daw kayo! Kahit kelan wala kang B&?!#G

“Buong mundo suklam na suklam sayo pati sa ginawa mo sa pamilya mo!

Continue reading below ↓

“Ngayon pati AKO at pamilya ko damay sa saltik mo! Di kita mapapatawad!”

Dagdag pa ni Kitkat: “Bigla kang pipitik ng duro duro pagwawala at pagmumura sa tao at magwawala?

“Adik ka???! Sabagay ang lamig lamig lagi ka pawis!

“Kung di ka G@g*O ung ginawa mo magagawa mo ba sa asawa or pamilya mo?

“At kalalaki mong tao manduduro, maghahamon at magmumura ka sa babae??! Wala ka talagang B&$@G!”

janno gibbs reposted kitkat deleted facebook post

Continue reading below ↓

Ayon sa PEP.ph source, binura ito kaagad ni Kitkat pagkatapos ng ilang segundo.

JANNO gibbs GETS SUPPORT FROM WIFE BING, NETIZENS

No-show pareho sina Janno Gibbs at Kitkat sa Happy Time ngayong araw.

Si Anjo Yllana lamang ang sumipot sa live episode kasama ang isang comedian at hindi masyadong kilalang mga personalidad.

Kahapon, February 23, inayos ng produksiyon ng show ang gusot sa pagitan nina Janno at Kitkat. Napagkasunduang eere sila nang live ngayong araw.

Ngunit ilang oras lamang matapos magkapatawaran, sumiklab muli ang gulo sa pagitan ng dalawa dahil sa post ni Kitkat sa Facebook.

Bahagi ng post ng singer-comedienne, “Totoo naman lahat ang nangyari. Nasaktan ako nang sobra, galit pamilya ko.

“Pero sino ba naman ako para hindi magpatawad?

“Everybody needs a second chance kahit sabi ng iba na ilang chance na 'yan kay Kuya Janno.”

Labis itong ikinagalit ni Janno. Pinalabas daw kasi ni Kitkat na wala itong kasalanan sa nangyaring gusot sa pagitan nilang dalawa.

Continue reading below ↓

Bahagi ng kanyang post sa Instagram kagabi din, “Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangBabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya.

“Humingi napo ako ng tawad, kahit na siya ang tunay na nagumpisa ng lahat.

“I was provoked. Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio. “Pinag-ayos napo kami kanina. Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko napo kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin.

“Ngunit ngayong gabi ay nagpost nanaman sya. Pinalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito.”

Nakakuha naman ng suporta si Janno mula sa asawang si Bing Loyzaga, sa mga kaibigang sina DJ Durano, DJ Tony Toni, Marissa Sanchez, at ilang netizens.

Wife Bing Loyzaga shows support to Janno Gibbs

Continue reading below ↓

Netizens show support to Janno

Sa ngayon, hindi pa malinaw ang estado ng dalawa sa noontime show ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs reposts deleted Facebook status of Kitkat besmirching his reputation.
PHOTO/S: Courtesy: @favkitkat / @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results