Bea Alonzo on being ghosted: It is the most painful, most empowering, most beautiful thing that could happen to a woman

by Jet Hitosis
Aug 11, 2020
Actress Bea Alonzo says it's not just the actual ghosting that was painful for her: "I think it’s the chapter leading to that. I was gaslighted. I felt like garbage. I felt like I was worthless. So I guess iyon yung resentment ko, more than just the ghosting part. It was making me feel na I was worthless. And I believed it.”
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Ang ma-“ghosting” ng lalaking pinakamamahal ang pinakamasakit na maaaring maranasan ng isang babae.

Pero ito rin ang pinaka-empowering at pinakamagandang karanasan upang higit na makilala ng isang babae ang kanyang sarili.

Ito ang mensahe ng aktres na si Bea Alonzo sa mga kababaihang tulad niya na nakaranas ng ghosting.

Ang "ghosting" ay iyong basta na lang paglaho sa buhay ng isang taong karelasyon—isang indirect na paraan ng pakikipaghiwalay—nang walang paliwanag o sinasabing dahilan.

Ayon sa 32-year-old Kapamilya actress, kasama sa pagmu-move on mula sa ghosting ang pagbubuong muli sa sarili.

Habang pinagdaraanan ang prosesong ito, marami raw matutuklasan ang isang tao tungkol sa kanyang pagkatao.

Sabi ni Bea: “Being ghosted is the most painful thing a woman can go through…

“But it could be the most empowering and most beautiful thing that could also happen to a woman.

“Because you pick up the pieces.

“And when you pick up the pieces, you discover so much about yourself,” dagdag niya.

Continue reading below ↓

Ang pahayag na ito ni Bea ay bahagi ng Instagram Live interview sa kanya ng movie at television writer na si G3 San Diego nitong Lunes ng gabi, August 10.

BIGGEST SHOWBIZ CONTROVERSY OF 2019

Sa interview na ito kay Bea, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdetalye ang aktres tungkol sa ghosting na naranasan niya sa huling nakarelasyon.

Bagamat walang binanggit na pangalan sa buong panayam, ang aktor na si Gerald Anderson, 31, ang huling naging boyfriend ni Bea.

July 2019 nang nagtapos ang tatlong taon nilang relationship.

Ang hiwalayan nina Bea at Gerald ang pinakamalaking showbiz controversy noong nakaraang taon.

Bukod kasi sa nagawa ni Gerald na i-ghosting si Bea, may itinuturong third party sa kanilang breakup: ang young actress na si Julia Barretto.

GHOSTING: MOST PAINFUL WAY OF BREAKING UP

Sa panayam, kaswal na nagkuwento si Bea kung gaano kasakit ang ginawa ni Gerald sa kanya.

Nang mga panahong iyon, wala nga raw idea ang aktres tungkol sa terminong “ghosting.”

Continue reading below ↓

Nalaman lang daw niya ang tungkol dito nang sa kanya na mismo gawin ito.

“Before it happened to me, I didn’t even know that, na may ganun pala. Na may ganung terminology for it. Ghosting. I didn’t know,” sabi ni Bea.

Kapansin-pansing kaswal lang na ikinukuwento ni Bea ang marahil ay isa sa pinakamasakit na bahagi ng kanyang love life.

May pagkakataong napapangiti at natatawa pa ang aktres habang nagbabalik-tanaw.

Malinaw na naka-move on na siya sa breakup nila ni Gerald, makalipas ang mahigit isang taon.

Batay sa mga naging karanasan ni Bea sa pakikipagrelasyon, tinanong siya kung ano sa palagay niya ang pinakamasakit na breakup: sa personal, sa pamamagitan ng text o chat, o iyong walang maayos na paalam, gaya ng nangyari sa kanya.

“The last one that happened to me,” mabilis na sagot ni Bea.

“Without any reason why. I don’t even know what I did.

“I felt like it was unfair because kung may mali ako, sana naitama ko.

Continue reading below ↓

“Yung parang feeling ko it’s just having no respect for the relationship, for the three-year relationship.

“Siguro yun ang pinakamasakit.”

“I WAS GASLIGHTED. I FELT LIKE GARBAGE.”

Paglilinaw ni Bea, masakit na nga ang ma-ghosting, pero mas matindi pa raw ang naranasan niya sa mga huling buwan bago siya tuluyang iniwan ni Gerald.

“I think it’s not just the ghosting part that’s painful. I think it’s the chapter leading to that,” aniya.

Giit ni Bea, bago pa niya nalaman ang tungkol sa terminong ghosting, naniniwala siya na gaslighting ang ginawa sa kanya.

Sabi ni Bea: “Have you ever heard the term gaslighting in psychology?

"I was gaslighted.”

Ang gaslighting, ayon sa psychologytoday.com, ay taktika ng isang tao, na sa paghahangad na magkaroon ng power sa kanyang biktima ay mina-manipulate o bine-brainwash ito.

Dumadating sa puntong kinukuwestiyon na ng biktima ng gaslighter ang realidad ng mga nangyayari sa kanya.

Ganito raw ang naranasan ni Bea sa piling ni Gerald.

Continue reading below ↓

Sabi niya: “I felt like garbage. I felt like I was worthless.

“So I guess iyon yung resentment ko, more than just the ghosting part.

“It was making me feel na I was worthless.

“And I believed it.”

ON FORGIVING HERSELF

Ayon kay Bea, sa bahagi raw na ito ng kanyang karanasan pumapasok ang kagustuhan niyang mapatawad ang kanyang sarili.

Sana raw ay hindi niya pinayagang tratuhin siya nang ganoon.

“I was working on being able to forgive myself for allowing somebody to treat me that way.

“I felt like hindi ko rin prinotektahan yung sarili ko, as a woman.

“I’m finding it hard to forget myself for allowing myself to go through that.”

LOSING FRIENDS BECAUSE OF GERALD

Ayon pa kay Bea, marami siyang naging realizations pagkatapos ng relasyon nila ni Gerald.

Napapaisip daw siya kung tumagal lang ba ng tatlong taon ang relasyon nila dahil kailangan niya ang aktor?

Continue reading below ↓

May punto raw kasi, ayon sa aktres, na pakiramdam niya ay si Gerald na lang ang mayroon siya.

Pag-amin ni Bea, dahil daw kay Gerald ay nawalan siya ng mga kaibigan.

Kuwento ng aktres: “Minsan iniisip ko rin kung naging need ba siya at some point?

“Kailangan ko siya because… I don’t have any friends anymore.

“Because lagi kong ipinagtatanggol yung tao. I didn’t want people to think of him badly, so hindi ako magse-share.”

Maging ang sariling ina na si Mary Ann Ranollo ay nakatampuhan daw ni Bea, sa pagtatanggol niya kay Gerald.

Gayunman, hindi nagbigay ng detalye ang aktres tungkol sa pinag-awayan nilang mag-ina.

Sa halip, ibinahagi ni Bea kung paanong sa kasagsagan ng kontrobersiyal nilang hiwalayan ni Gerald ay pinuntahan niya ang ina sa Zambales.

Niyakap daw ni Bea ang kanyang ina ‘tsaka siya umiyak nang umiyak.

“No words. She just hugged me,” kuwento ng aktres.

“First cry ko talaga na ganun katagal. Na para akong bata, naka-hug lang ako tapos iyak ako talaga nang iyak nang matagal.”

Continue reading below ↓

“ABANDONMENT ISSUES”

Pagkatapos ng ghosting, kinuwestiyon daw ni Bea ang sarili kung mayroon ba siyang “daddy issues” o “abandonment issues.”

Sabi ni Bea, “Bumalik na nga ako dun sa baka may daddy issues ako.

“Because I felt like mayroon akong abandonment issues."

Ibig sabihin ni Bea, napaisip siya kung pinili niyang manatili sa piling ni Gerald, sa kabila ng hindi magandang trato nito sa kanya, dahil sa takot siyang maiwan siyang nag-iisa.

Continue reading below ↓

Gaya ng ginawa sa kanya ng sariling ama.

“That’s why it was so painful na pagdaanan yung ghosting because wala akong dad growing up.”

Lumaki si Bea nang hindi nakikilala ang kanyang biological father, na isang British.

Mag-isang pinalaki si Bea ng kanyang ina, na muling nakapag-asawa. May tatlong kapatid si Bea sa ina.

REDISCOVERING HERSELF AFTER HEARTBREAK

Sa kabila ng mga nangyari, ipinagpapasalamat pa rin ni Bea kung paanong malaki ang nabago sa kanyang pagkatao ng hindi birong napagdaanan niya noong nakaraang taon.

“Ang gandang journey nung past year for me, because I was able to discover so much about myself, that I didn’t know about myself before,” sabi ni Bea.

Ito ang dahilan kaya nasabi ng aktres na bagamat napakasakit ma-ghosting, naging daan ito upang mas pagbutihin pa niya ang kanyang buhay.

Pagkatapos ng kontrobersiya, sinabi ni Bea na gumawa siya ng dalawang pelikula.

November 2019, nagbukas siya ng franchise ng isang restaurant sa Quezon City.

Continue reading below ↓

At sa pagsisimula ng pandemic noong April 2020, naging co-founder si Bea ng charity organization na I Am Hope.

Continue reading below ↓

Nagbibigay ng ayuda ang I Am Hope hindi lang sa medical frontliners, kundi sa mahihirap na pamilyang hindi nakapagtrabaho simula nang magpatupad ng quarantine ang gobyerno noong March 17.

BEA-GERALD BREAKUP

July 21, 2019 nang pagmulan ng kontrobersiya ang Instagram post ni Bea na nagsasabing “enough.”

Kasabay ng post na ito ni Bea, kumalat sa social media ang mga litrato ni Gerald habang kasama si Julia sa isang party.

Nang mga panahong iyon, kahihiwalay lang ni Julia, 23, sa reel-and-real life partner niyang si Joshua Garcia, 22.

Umabot ng dalawang taon ang relasyon nina Joshua at Julia.

Si Gerald ang napabalitang third party sa hiwalayang Julia-Joshua.

Katatapos lang kasing magtambal noon nina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong May 2019.

Gayunman, sabay na itinanggi nina Julia at Joshua na may kinalaman si Gerald sa kanilang breakup.

WHEN GERALD GHOSTED BEA

Lalo pang umingay ang eskandalo nang sabihin ni Bea sa isang TV interview na wala silang formal breakup ng nobyo.

Continue reading below ↓

"Because honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” sinabi ni Bea nang ma-interview siya sa TV Patrol noong July 26, 2019.

Kasunod ng panayam na ito kay Bea, nag-trending sa social media ang salitang “ghosting.”

Iyon daw, ayon sa netizens, ang eksaktong tawag sa ginawa ni Gerald na pang-iiwan sa ere kay Bea.

Dahil dito, nakuha ni Bea ang simpatiya ng publiko, habang kinuyog ng bashers sina Gerald at Julia.

Magkasunod na itinanggi nina Gerald at Julia na ang young actress ang dahilan ng hiwalayang Gerald-Bea.

Nanindigan naman si Gerald na walang third party sa breakup nila.

GERALD-JULIA RUMORED ROMANCE

Pero kahit ngayong mahigit isang taon na ang lumipas, pilit pa ring inili-link ng fans sina Gerald at Julia sa isa’t isa.

Bagamat may boyfriend na ngayon si Julia, consistent siya sa pagtanggi na pangalanan ito.

Ayon sa young actress, hindi niya isasapubliko ang lalaki upang maprotektahan ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Dahil dito, nagsususpetsa ang ilang fans ni Julia na si Gerald ang boyfriend na hindi mailantad ng aktres.

Samantala, simula nang makipaghiwalay kay Bea ay walang ipinakikilala si Gerald na girlfriend.

Kaya ang pangkalahatang intindi ng marami, kung hindi talaga totoo ang pag-uugnay kina Gerald at Julia, single pa rin ang Kapamilya actor hanggang ngayon.

Si Bea naman, paulit-ulit na nali-link sa aktor na si Dominic Roque, 30.

Gayunman, walang sinuman kina Bea at Dominic ang nagkukumpirma sa nababalitang espesyal na ugnayan nila.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bea Alonzo says it's not just the actual ghosting that was painful for her: "I think it’s the chapter leading to that. I was gaslighted. I felt like garbage. I felt like I was worthless. So I guess iyon yung resentment ko, more than just the ghosting part. It was making me feel na I was worthless. And I believed it.”
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results