Malaman ang birthday greetings na natanggap ni Julia Barretto mula sa inang si Marjorie Barretto at nakatatandang kapatid na si Dani Barretto.
Ibinisto nina Marjorie at Dani na nag-uumapaw ang kaligayahan ngayon ni Julia.
Ipinagdiriwang ni Julia ang kanyang ika-24 kaarawan ngayong Miyerkules, March 10.
Hindi binanggit nina Marjorie at Dani kung bakit maligaya si Julia, pero hindi kailang malaki ang kinalaman dito ng pag-amin sa wakas ni Gerald Anderson tungkol sa matagal nang usap-usapang relasyon nila ni Julia.
birthday greetings to Julia
Idinaan nina Marjorie at Dani ang birthday greetings nila para kay Julia sa Instagram.
Mensahe ni Marjorie para sa anak (published as is): “I feel this peace in my heart as we celebrate your birthday today, i feel your happiness, Jul.
“The happiest i have seen you in years.
“And that is my answered prayer. For always and forever you have me, behind and beside you. Happy Birthday to my daughter, my friend, my heart and my life. We love you so much [heart emoji]”
Sinang-ayunan naman ito ni Dani.
Binanggit niya sa kanyang caption na ang nakababatang kapatid ay nasa “happiest” nito ngayon.
Kalakip ng larawan nilang magkapatid, caption ni Dani: “To my original baby and #1 fan, hahahaha happy happy birthday, My Juju bear!!
“Seeing you at your happiest makes my heart so so so happy. That’s all I ever wanted for you.”
Pinasalamatan din ni Dani si Julia sa pagiging magandang impluwensiya raw nito sa anak niyang si Millie.
Sabi pa ni Dani, “May this year bring you more blessings and never ending happiness. I’ll always be here for you no matter what.”

Para sa kanyang kaarawan, ipinost ni Julia ang sexy photo niyang nasa mababaw na bahagi ng dagat.
Tanging caption niya: “24.”

Bumuhos naman ang pagbati sa kanya ng mga kaibigang artista, katrabaho, at fans.
At press time, wala pang ipinu-post na birthday greeting si Gerald para kay Julia.
Inamin ni Gerald sa wakas ang estado ng relasyon nila ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda na ipinost sa YouTube noong March 5, Biyernes.
Tinanong si Gerald kung masaya ba siya dahil kay Julia.
“Very happy,” sagot niya.
Use these Shopee promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
