Hindi nabigo ang supporters nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa paghihintay ng birthday greeting ng aktor para sa girlfriend na aktres.
Short but sweet ang mensahe ni Gerald para kay Julia, na nagdiriwang ng kanyang 24th birthday ngayong Miyerkules, March 10.
Sa kanyang Instagram, nag-post si Gerald ng solo picture ni Julia.
Makikita ang masayang si Julia na nakataas ang mga kamay habang naglalakad sa beach.
Tanging caption ni Gerald: “Happy birthday [heart emoji] #youareablessing”
NETIZENS COMPARE BIRTHDAY GREETINGS OF JULIA, GERALD
Ilang oras lang matapos mag-post ni Gerald, kapansin-pansin na nakakuha agad ito ng libu-libong comments.
Hindi nakalusot sa ilang mapagmasid na netizens na naglipana ang maraming negatibong komento kina Gerald at Julia.
Pinuna nila ang malaking pagkakaiba umano ng birthday greetings nina Julia at Gerald para sa isa’t isa.
Kumpara sa very expressive na pagbati ni Julia sa birthday ni Gerald noong March 7, naging matipid sa salita ang aktor sa kanyang birthday message para sa kasintahan.
Sa birthday greeting ni Julia para kay Gerald, nag-post ang aktres ng kissing photo nila. Base sa background ay kinunan din ito sa beach.
Sa caption, ipinagsigawan ni Julia ang pagmamahal niya kay Gerald at ang relasyon nila.
Mensahe ng aktres: “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

Kaugnay nito, may netizens na tinawag na “stiff” at “dry” ang pagbati ni Gerald kay Julia.

Marami ang nabitin sa maiksing caption ni Gerald para kay Julia kaya sunud-sunod ang pagpuna nila sa caption ng aktor.
Wala man lang daw “I love you” o kaya ay “I’m proud of you,” gaya ng caption ni Julia para sa kator.
Hirit pa ng iba, parang ang mensahe na ginawa ni Gerald ay pagbati ng isang “tito” o isang “tatay.”


May ilan namang nagtanggol sa matipid na caption ni Gerald.
Sabi ng isang supporter: “Short and simple but we know Ge. [heart emoji] And thank you for appreciating our BLESSING. [heart emoji]”
Pakiusap ng isa pang supporter: “Let them be [heart emojis] To @juliabarretto and @andersongeraldjr Just be happy and enjoy each other [heart emojis]”


PRIVATE PERSON IN A VERY PUBLIC JOB
Samantala, sa March 5 exclusive interview ni Gerald kay Boy Abunda, kung saan inamin ni Gerald ang relasyon nila ni Julia, nagsalita ang aktor sa walang tigil na bashing sa kanya.
Nabanggit dito ni Gerald na pakiramdam niya ay isa siyang private person “in a very public job.”
Natanggap na raw ng aktor na hindi lahat ay matutuwa sa kanya.
Sabi niya, “I’ve come to terms with it na parang kahit na gaano kadami kong trabaho, gaano [karaming] naniniwala, meron ding hindi maniniwala, meron din yung may aayaw sa ’yo.”
Nasambit pa niya sa interview, “Whatever I’ll say sa interview na ‘to, will not magically make my bashers or haters love me or understand me.”
Hindi rin daw goal ni Gerald na gawin ang mga bagay para matuwa sa kanya ang bashers at haters.
Sa walang pakundangang batikos sa kanya, sabi ng aktor, “Umabot sa point na parang, ‘What’s new? Okay. I’ve heard everything.’”
Paniniwala ni Gerald, naba-bash siya dahil sa kanyang controversial na love life.
Pero giit ng aktor, hindi niya ibabahagi ang personal na bahaging ito ng kanyang buhay.
Aniya, i-share man niya ito o hindi, meron at merong mambabatikos sa kanya.
“I’m controversial. I’m bashed because of my personal life and my love life.
“It’s something na parang hindi ko rin naman ise-share yung intimate details about my life or yung ginagawa natin sa bahay natin.
“Ive come to terms with it na parang maba-bash at maba-bash tayo.”
