Dinamayan ni Ken Anderson ang kanyang nakatatandang kapatid na si Gerald Anderson, na sentro ngayon ng kontrobersiya sa showbiz.
Kaugnay ito ng pag-amin ni Gerald sa relasyon nila ni Julia Barretto.
Nitong March 10, Miyerkules, nag-post si Ken ng larawan ng sunset, kung saan aninag din ang silhouette ng tatlong lalaki.
Ang tatlong lalaki ay ang magkapatid na sina Gerald at Ken, at ang kanilang amang si Gerald Randy Anderson Sr.
Ginamitan pa ng hashtag na #TeamAnderson ang larawan.
Naging malaman ang caption ni Ken, na tinukoy ang panghuhusgang natatanggap nila mula sa iba.
Caption ni Ken: “Anderson boys, judged by many, known only by few.”
Ni-repost ni Gerald ang larawang ito sa kanyang Instagram Story.

Halo ang reaksiyong nakuha ng post ni Ken—may mga sumuporta at mayroon ding bumatikos.
Isang netizen ang sinagot ni Ken.
Ayon sa netizen, ang kapatid lamang ni Ken na si Gerald ang “judged by many.”
Depensa ni Ken, kung ano ang pinagdadaanan ng isa sa kanila ay pinagdadaanan din nilang lahat.
Sagot niya: “If one of us falls we all fall, one of us rise we all rise.”

Si Ken ay pumasok din sa showbiz bagamat hindi kasing tanyag ng kanyang kuya.
Nag-aral din siya ng filmmaking at gumagawa ng mga proyekto sa likod ng camera.
SUPPORT FOR HIS KUYA
Samantala, recently ay naging expressive si Ken sa pagpapakita ng suporta sa kanyang kuya.
Bukod sa recent post niya kahapon kasama ang kapatid at ama, may panibagong post si Ken ngayong Huwebes.
Makikita sa larawan sina Gerald, Ken, at tatlo nilang malapit na kaibigan, kabilang ang housemate ni Gerald sa Pinoy Big Brother Teen Edition na si Fred Payawan.
Sa caption, binanggit ni Ken na mula pa noong 2006 ang kanilang samahan.
Standout ang dalawang recent posts na ito ni Ken kasama ang kapatid dahil halos lahat ng kanyang posts ay larawan lang niya.
Samantala, kamakailan ay nakaagaw ng pansin si Ken matapos mapansin ng netizens na ni-like niya ang controversial post ni Bea Alonzo, ang ex-girlfriend ni Gerald.
Noong March 5, inamin na ni Gerald na may relasyon sila ni Julia Barretto.
Kinabukasan, agaw-atensiyon ang Instagram post ni Bea. Paniniwala ng marami, patama ito kina Gerald at Julia.
Bahagi ng caption ni Bea: “Time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!”
Sinundan ito ni Bea ng ilang laughing face with tears emojis.
Isa si Ken sa mga libo-libong nag-like sa post na ito ni Bea.



July 2019 nang kumalat sa social media ang paparazzi shots nina Gerald at Julia habang naglalakad papuntang parking area.
Inakusahan si Gerald ng pagtataksil sa noo'y girlfriend na si Bea, at pinagbintangang third party umano si Julia.
Iginiit ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald, pero itinanggi iyon ni Gerald.
Sabi ng aktor, nagkaroon sila ng maraming away ni Bea na nauwi sa isang malaking away.
Nilinaw rin niyang hindi third party si Julia.
Halos dalawang taon makalipas ang kontrobersiyal na showbiz isyung ito, kinumpirma ni Gerald na may relasyon nga sila ni Julia, bagamat hindi nila sinasabi kung gaano na sila katagal.
