Puring-puri ni Kylie Padilla ang panganay na anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin Abrenica.
Nakagat kasi ng aso ang bata, pero nagpakita raw ito ng katatagan.
Kuwento ni Kylie sa Instagram noong Miyerkules, March 10, “So unbelievably proud of this boy.
“He is strong, he is resilient and he has such a wonderful sense of humour.”
Ayon pa sa kanya, mas matatag pa raw si Alas kaysa sa kanila ng asawang si Aljur.
Saad ng 28-year-old Kapuso actress, “Even through the scariest time of his life he proved to be even stronger than even mama and papa.
“This time we had together has bonded us even more.”
Napagtanto raw nila na sa mga panahong sinubok sila ng pagkakataon, nangibabaw pa rin ang totoong kahulugan ng salitang pamilya.
Pagtatapos ni Kylie, “It is truly through struggle we find strength and a new perspective and it is life’s way of teaching us to appreciate what we have and what is [in] front of us.
"Family through and through. (praying hands emoji)
“P.s. he was bit by a dog (broken heart emoji)”
View this post on Instagram
ALJUR POSTS THROWBACK PHOTO OF HIM AND KYLIE
Wala namang post si Aljur ukol sa nangyari sa kanilang panganay.
Pero sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, March 12, ibinahagi niya ang throwback photo nila ni Kylie na kuha sa isang mountain hike nila.
Walang caption si Aljur kundi ang credit lamang mula sa isang fanpage na pinagkunan niya ng larawan.

Nitong nakaraang Pebrero 2021, may usap-usapang on the rocks umano ang pagsasama nina Kylie at Aljur dahil sa sunud-sunod na cryptic posts ng aktres sa Instagram.
Isa na rito ang larawan ng kanyang kaliwang kamay na walang suot na wedding ring.
Pero nitong nakaraang March 8, ikinatuwa ng marami nilang tagahanga na muli nang suot ni Kylie ang kanyang wedding ring.
Hanggang ngayon, tahimik pa rin ang mag-asawa ukol sa isyu.
