Muling nanawagan ng dasal ang Megastar na si Sharon Cuneta para sa matalik na kaibigan at katrabahong si Fanny Serrano.
Nakaranas ng massive stroke ang aktor makeup artist na si Fanny noong gabi ng Martes, March 16.
Sa kanyang Instagram ngayong hapon ng Huwebes, March 18, nag-post si Sharon ng larawan nila ni Fanny.
Sa caption, nagsumamo si Sharon sa Diyos na huwag munang kunin sa mundo si Fanny .
Saad niya, “Please Lord...don’t take him away from me yet...”
May mensahe rin siya kay Fanny na nakaratay ngayon sa ospital.
Ani Sharon, “Don’t leave me, my dearest TF... I love you so, so much... [three hearts, two praying hands emojis].”
View this post on Instagram
Noong March 16, humahagulhol na inanunsiyo ni Sharon sa Instagram na na-stroke ang kaibigang si Fanny na nakatrabaho niya sa halos tatlong dekada sa industriya.
Patuloy raw itong ginagamot ng mga doktor at conscious naman daw ito.
Noong 2016, na-stroke na rin si Fanny at nalagpasan niya ito.
