PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dave Almarinez promises fiancée Ara Mina "na may forever"

Dave Almarinez impressed by Ara Mina's diligence, dedication, and passion.
by Arniel C. Serato
Published Mar 19, 2021
Dave Almarinez Ara Mina may forever
Dave Almarinez: "Ibang klase ang isang Ara Mina dahil daig niya ako sa sipag, sa dedication, sa passion, very entrepreneurial, at focus din talaga siya sa career niya being an actress and an endorser."
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto on Instagram

Halatang hindi sanay si Philippine International Trading Corporation (PITC) Chief Executive Officer (CEO) at Undersecretary Dave Almarinez na magbigay ng interview sa entertainment press.

Pero sa pakiusap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagpaunlak ito ng kanyang kauna-unahang showbiz interview noong gabi ng Miyerkules, March 17.

Dito ay inusisa namin siya tungkol sa ilang detalye ng nalalapit nilang kasal ni Ara Mina.

Bagamat nagbigay si Dave ng ilang importanteng detalye, hindi pa niya ibinahagi ang kabuuang scenario ng kanilang pag-iisang dibdib.

Sa ikalawa at huling bahagi ng aming panayam, inusisa ng PEP.ph ang government official kung gaano siya ka-proud sa kanyang fiancée, na bukod sa pagiging artista ay matagumpay ring negosyante.

Saad ng 46-year-old former Laguna board member, “Super proud ako.

“Ibang klase ang isang Ara Mina dahil daig niya ako sa sipag, sa dedication, sa passion, very entrepreneurial, at focus din talaga siya sa career niya being an actress and an endorser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hangang-hanga ako sa kanya dahil sa galing niyang i-manage ang kanyang oras, at especially now at nabibigyan pa niya ako ng time despite her many responsibilities.

“Akala ko masipag na ako, hindi pala. Haha!”

Sa pagbuo nila ng kanilang pamilya, ilan kayang anak ang nais ni Dave?

Natatawa niyang sabi, “Isa lang muna.”

Pareho nang may anak sina Dave at Ara sa mga nauna nilang relasyon.

“MAY FOREVER”

Na-engage sina Dave at Ara noong January 12, 2021 sa San Pedro, Laguna, ang bayang kinalakihan ni Dave.

Bumuhos ang pagbati sa kanila mula sa mga kaibigan, kapamilya, at tagahanga.

Ano ang mensahe niya para sa kanila?

Ayon kay Dave, “I truly appreciate all your love and support for Ara and me.

“Thank you so much for accepting me for Ara and supporting our partnership.

“True love will find its way and if you haven't found love, sooner or later, love will find you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Ara, pinapangalagaan din ni Dave ang damdamin ng six-year-old daughter ni Ara na si Mandy.

Kaya naman, may pangako siya rito: “That I love them both.

"Will work so hard and be a good role model so someday they will be proud of me and be an inspiration for her.”

Sa huli, may isa namang pangakong binitawan si Dave para sa kanyang magiging asawang si Ara.

Maiksi ngunit may kilig niyang mensahe: “Na may forever.”

Hindi pa rin malinaw sa ngayon kung kailan gaganapin ang kasal nina Dave at Ara, pero nangako silang isa ang PEP.ph sa unang makakaalam nito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dave Almarinez: "Ibang klase ang isang Ara Mina dahil daig niya ako sa sipag, sa dedication, sa passion, very entrepreneurial, at focus din talaga siya sa career niya being an actress and an endorser."
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results