PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LOOK: Coco Martin, Julia Montes spotted in Boracay

Coco and Julia still mum about their relationship after seven years.
by Arniel C. Serato
Published Mar 22, 2021
Coco Martin Julia Montes Boracay escapade
Netizens post on Instagram latest sightings of rumored couple Coco Martin and Julia Montes going to Boracay.
PHOTO/S: Courtesy: @juliam.glow on Instagram

Namataan ng ilang netizens ang matagal nang napababalitang magkasintahang sina Coco Martin, 39 at Julia Montes, 26 sa Boracay, nitong Linggo, March 21.

Sa kumalat na paparazzi shots ng dalawa, makikita ang isang lalaki at babae sa arrival area ng isang local airport.

Terno ang suot na white polo ng dalawa, pati na ang kanilang suot na sumbrero at pants—brown sa babae at itim naman sa lalaki.

Bagamat naka-face mask at face shield pareho ang lalaki at babae, nakilala ng mga nakakita sa kanila sina Coco at Julia.

Ayon pa sa mga nakakita, patungo raw ang dalawa sa pinakasikat na tourist destination sa bansa, ang Boracay.

paparazzi shot: Coco Martin, Julia Montes in Boracay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi sa isang fanpage ni Julia sa Instagram: “Coco and Julia spotted in Boracay! This made my heart jump in joy and happiness. Enjoy your vacation our dearest Cocojul.”

View this post on Instagram

A post shared by julia montes (@juliam.glow)

Maraming fans ng dalawa ang kinilig sa latest sigthing ng kanilang idolo.

Sa isa pang Instagram fanpage account ng aktres, sinabi naman ditong post-birthday celebration getaway raw ito ng long-time rumored couple.

Noong March 19 ang ika-26 kaarawan ni Julia.

Nakalagay sa caption ng post, “BORACAY BIRTHDAY TRIP YES!!!!
Enjoy, lovebirds!!! May we see more of your twinning outfits from this very special trip

#juliamontes #cocomartin #cocojul

Naging viral ang mga larawang ito kahapon dahil pinagpasa-pasahan ito ng netizens sa social media.

paparazzi shot: Coco Martin, Julia Montes in airport going to Boracay

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE COCO-JULIA RUMORED RELATIONSHIP

Matagal nang napapabalitang magkarelasyon sina Coco at Julia.

Noong August 2016, hindi itinanggi ni Julia na si Coco ang pinakamalapit na lalaki sa kanya.

Aniya, "Flattered naman po. Kasi kahit ako, kapag ako natatanong, siya naman po ang close ko, siya rin ang..."

Paano raw kung talagang manligaw na sa kanya ang King of Primetime Teleserye. Ano ang chance nitong sagutin niya?

Direktang sagot ng aktres, "Kapag nandun na po, saka na po ako sasagot.

"Ang hirap ng mga tanong niya, ang hirap mag...

"Ang tagal na naming [malapit sa isa't isa], wala pang Walang Hanggan, may napagtrabahuan na kami before.

"Then, nagkatrabaho ulit kami sa Ikaw Lamang, at Once Upon A Time."

Noong panahong yun, tatlong taon na silang magkakilala.

October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.

Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan na ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.

Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.

December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.

Enero ng taong 2018, sa grand presscon ng Asintado, ang pinagbidahang panghapong serye ni Julia Montes noon sa ABS-CBN, isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan upang ma-interview ang cast.

Dito ay inusisa namin si Julia kung bakit hindi mamatay-matay ang isyung may relasyon sila ni Coco.

Sagot ng aktres, “Kasi siguro, close talaga kami.

"Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami.

“Hindi siya yung, parang, after work, wala na. May communication pa rin.”

Sa tanong kung perfect boyfriend ba si Coco, nakangiting sabi ni Julia, “Maano siya, maalagang tao, mabait, mapagmahal.

"So, kung as a boyfriend, yes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JULIA GIVES BIRTH TO HER DAUGHTER WITH COCO?

Hanggang noong April 1, 2019, pumutok ang balitang isinilang na ni Julia ang anak niya kay Coco.

Ayon pa sa balita, nanganak si Julia noong huling bahagi ng Marso sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Lalo pang umingay ang haka-haka nang bumulaga sa Facebook ang blind item ng isang showbiz insider noon ding April 1.

Kinumpirma naman ng ilang industry insiders sa PEP.ph na nanganak na si Julia, at si Coco ang tinatayang ama ng sanggol.

Lalo pang uminit ang tungkol sa anak nina Coco at Julia nang napansin ng netizens ang feeding bottle sa isang post sa Instagram noong December 25, 2020 lamang.

Pero hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dalawa ukol sa kanilang relasyon at napababalitang anak.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens post on Instagram latest sightings of rumored couple Coco Martin and Julia Montes going to Boracay.
PHOTO/S: Courtesy: @juliam.glow on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results