PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame thanks Pres. Duterte for appreciating Wowowin

Willie: "It’s not about politics. Ito po’y pagtulong sa ating mga kababayan.”
by Arniel C. Serato
Published Mar 23, 2021
Willie Revillame says President Rodrigo Duterte told him: "Ipagpatuloy mo 'yang pagtulong sa ating mga kababayan. Salamat sa programa mo, salamat sa ’yo, Willie. Salamat diyan sa GMA-7 na gumagawa kayo ng kabutihan at talaga palang wala kayong kinikilingan at pinuprotektahan.”
PHOTO/S: Courtesy: Senator Bong Go on Facebook

Walang usapan tungkol sa pulitika.

Ito ang binigyang diin ni Willie Revillame sa dinner meeting nila ni Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, at iba pang opisyales ng gobyerno noong March 16, 2021.

Ayon sa TV host, isang thanksgiving dinner lamang daw ito bilang pasasalamat ng Malacañang at ng gobyerno sa mga pagtulong na ginagawa ng kanyang programang Wowowin: Tutok To Win at ng GMA-7.

Kuwento ni Willie sa kanyang programa isang araw matapos ang nasabing dinner, “Ako po’y naimbitahan, para malaman niyo, ano naman po, open naman ako sa inyong lahat.

“Ito’y isang karangalan sa akin na maimbitahan ako sa Malacañang. At ang pagpunta ko po dun ay maganda naman po ang mga napag-usapan at maganda na po yung ika nga, e, yung naramdaman ko na galing po sa kanila na sinasabi nila.

“Kagabi po, ako ho’y naimbitahan ng mahal na Pangulo, Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Senator Bong Go, at Executive Secretary [Salvador] Medialdea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May napag-usapan ho kami dun, ito ay it’s not about politics. Ito po’y pagtulong sa ating mga kababayan.”

7:30 daw ng gabi dumating si Willie sa Palasyo. Alinsunod sa precautionary measures, kinuhanan daw sila ng swab test at antigen test upang masigurong wala silang sintomas ng COVID-19.

Inabot daw ng hatinggabi ang kanilang pagpupulong.

Ipinagmalaki pa nga ni Willie na inuwi niya ang table name plate niyang may nakasulat na “Mr. Wilfredo Revillame,” ang totoong pangalan ng TV host.

Saad niya, “Ito po ay isang malaking karangalan sa akin po, dito sa Wowowin: Tutok To Win.

“Wala kaming pinag-usapan about politics. Ako po’y naimbitahan para po pasalamatan ng Pangulo, ng pamahalaan, pasalamatan ang programang Wowowin: Tutuk To Win, pasalamatan po ang GMA-7, sa programang gumagawa po ng paraan na makatulong tayo sa ating mga kababayan.

“At siyempre ho, nakakaantig ng puso, parang nakakapagbigay inspirasyon ho na pinagkakatiwalaan tayo ng ating pamahalaan, ng ating mahal na Pangulo sa ginagawa po ng programa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“HINDI NAMAN ‘TO PAGBUBUHAT PO NG BANGKO”

Kasunod nito ay inisa-isa ni Willie ang relief operations ng Wowowin: Tutuk To Win lalo na noong dumaan ang magkakasunod na bagyo sa bansa sa huling bahagi ng 2020.

Kasabay pa rito ang mga naghihirap nating kababayan, lalo na ang taxi drivers, na namamalimos na lamang sa kalsada upang may makakain.

Saad ni Willie, “Hindi naman ‘to pagbubuhat po ng bangko, ‘no, hindi po ako ‘to, yung mga pagtulong sa mga biktima ng Bagyong Quinta, Ulysses, programa po ‘to ng Wowowin: Tutok To Win.

“Parte po ‘to ng programang ‘to na makakatulong sa ating mga kababayan. At sa pagtulong po ay taus-puso po sa kanila.

“So, lahat po ng ito ay ginawa para po sa pagtulong sa ating mga kababayan sa panahon ng pinagdadaanan natin.

“Si Pangulong Duterte po ay nagpapasalamat nang personal sa akin."

Lahad pa niya, “Isa pong dinner, kung makikita niyo napakasimpleng dinner, bawal pala ang steak sa Malacañang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung plato maliit, maliit na kanin lang. Meron kaming isda na prito, merong puso [ng saging], merong sitaw, at talong at bagoong, saka isang soup lang. Simpleng-simple lang po.

“Sabi ng Presidente, ‘Bawal kasi dito ang pagkain ng mayayaman. Simple lang. Ayaw naming gumastos ng malaki, Willie, dahil maraming naghihirap.’

“So, yun ho ang kinain namin. Napakasimple. Napakasarap kasusap. Napaka-down to earth po ng ating mahal na Pangulo.

“And then, ang sabi niya sa ‘kin, ‘Ipagpatuloy mo 'yang pagtulong sa ating mga kababayan. Salamat sa programa mo, salamat sa 'yo, Willie.

"Salamat diyan sa GMA-7 na gumagawa kayo ng kabutihan, at talaga palang wala kayong kinikilingan at pinuprotektahan.'”

“HINDI KO PO PWEDENG IWANAN ANG PROGRAMA”

Dagdag na kuwento ng 60-year-old TV host, lalo siyang naengganyong tuluy-tuloy na tumulong sa kapwa kahit wala siyang hinahawakang posisyon sa gobyerno.

Sabi ni Willie, “Alam niyo pag-uwi ko, parang napakasarap ng pakiramdam na nabibigyan ka ng pasalasalamat ng namumuno ng ating bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahirap ho kasi yung magdesisyon sa buhay, e, ‘no, pero mahirap pong iwanan ang programang ito. Marami po ang umaasa dito.

“Ang sabi ko lang sa mahal na Pangulo, ‘Ipagdadasal ko hong mabuti, pag-iisipan ko po itong desisyon.’

“Pero sa ngayon ho, hindi ko po pwedeng iwanan ang programang Wowowin.

“Tutulong po ako kahit na sino ang maging presidente, kahit na sino pong uupo diyan.

“Tutulong po ang Wowowin: Tutok To Win at ang GMA-7 sa ating mga kababayan na kapus-palad at naghihirap.

“May telebisyon man o wala, gagawin po namin 'yan.

“Gagawa po kami ng kabutihan kahit wala po kami sa posisyon. 'Yan po ang Wowowin: Tutok To Win.”

Sa huli, muling nagpasalamat si Willie na na-appreciate ng gobyerno ang kanilang mga ginagawang kawanggawa.

Saad nito, “Maraming-maraming salamat po sa pasasalamat niyo sa ginagawa ng programang ito para sa ating mga kababayan.

"Mabuhay po kayo, maraming salamat."

Tuwing may halalan, hindi nawawala ang usap-usapang baka tumakbo si Willie sa isang government position.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hanggang ngayon ay nananatiling haka-haka lamang ang usaping ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame says President Rodrigo Duterte told him: "Ipagpatuloy mo 'yang pagtulong sa ating mga kababayan. Salamat sa programa mo, salamat sa ’yo, Willie. Salamat diyan sa GMA-7 na gumagawa kayo ng kabutihan at talaga palang wala kayong kinikilingan at pinuprotektahan.”
PHOTO/S: Courtesy: Senator Bong Go on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results