Suportado ng kanyang pamilya si Julia Barretto, 24, sa relasyon nito kay Gerald Anderson, 32.
Sa katunayan, itinuturing na nilang bahagi ng kanilang pamilya si Gerald.
Ito ang malinaw na mensaheng nais iparating ng Instagram post ni Dani Barretto, nakatatandang kapatid ni Julia.
Ngayong gabi ng Martes, March 23, ipinost ni Dani ang beach photo ng kanilang pamilya.
Makikita sa larawan si Marjorie Barretto, ang mga anak niyang sina Dani, Julia, Claudia, at Leon kasama ang mister ni Dani na si Xavi Panlilio at si Gerald.
Si Dani ay anak ni Marjorie sa dating karelasyong si Kier Legaspi.
Anak naman ni Marjorie sina Julia, Claudia, at Leon sa dating asawang si Dennis Padilla.
Caption ni Dani: “Mi Familia [white heart emoji] (insert Millie & Erich here)
“Missing the beach and this perfect week.”
Si Millie ang one-year-old daughter nina Dani at Xavi.
Si Erich, 8, ay ang bunsong anak ni Marjorie kay former Caloocan Mayor Recom Echiverri.

Makikita sa photo kung gaano ka-close ang grupo na nagyayakapan at magkakaakbay.
Kita rin ang mga ngiti sa mukha ng magkasintahang sina Gerald at Julia na magkaakbay rin.
Samantala, hindi malinaw kung kailan kuha ang photo.
Pero base sa suot nina Gerald at Julia, sa okasyon ding ito kuha ang larawan ni Julia nang mag-post siya ng birthday message kay Gerald noong March 7.
March 5 nang isapubliko ni Gerald, sa panayam niya kay Boy Abunda, ang matagal na usapang relasyon nila ni Julia.
MARJORIE, DANI REVEAL JULIA IS AT HER HAPPIEST
Noong 24th birthday ni Julia noong March 10, ibinunyag nina Dani at Marjorie na nasa pinakamasayang yugto ngayon ng kanyang buhay si Julia.
Binanggit ito nina Dani at Marjorie sa magkahiwalay na birthday greetings nila kay Julia via Instagram.
Bahagi ng birthday greeting ni Marjorie kay Julia noon: “I feel this peace in my heart as we celebrate your birthday today, i feel your happiness, Jul.
“The happiest i have seen you in years.”
Caption naman ni Dani para kay Julia: “Seeing you at your happiest makes my heart so so so happy. That’s all I ever wanted for you.”
