Kinakiligan ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion fans ang bagong Instagram post ng Megastar nitong Martes ng gabi, March 23.
Collage ito ng fan-made na larawan nila ng ex-husband na si Gabby at ng anak nilang si KC Concepcion.
Caption dito ni Sharon: “This girl is the very best ‘thing’ we ever did together. (heart, praying hands, smiling face face with smiling eyes emojis) @itskcconcepcion Right, Papi? @concepciongabby #oncewewereafamily”
View this post on Instagram
Komento kaagad ng isa nilang tagahanga: “Omggg happy family @reallysharoncuneta and @concepciongabby and @itskcconcepcion”
Pero ayon sa 55-year-old Your Face Sounds Familiar judge, "family" na lamang ito dahil nawala na ang salitang “happy” sa nasabing larawan.
Aniya, “@shagabbig Family only. Nawala yung happy [crying face emoji]”

Tanong naman ng isa pang Sharon-Gabby fan, “Papi san na u?? @concepciongabby”
Pero kahit naka-tag si Gabby sa komento, wala itong sagot sa tanong ng netizen.
Kaya si Sharon na mismo ang nagsabing “isnabero” na raw ang dating asawa kahit alam niyang wala naman silang problema sa isa’t isa.
Saad niya, “@itsshagab Isnabero yan di ko nga lam bakit eh lam ko okay naman kami! Di ko na lam!”

Dagdag na komento pa ng netizen, busy lang daw ang aktor.
Sana raw ay magparamdam na si Gabby kay Sharon dahil mukhang na-miss na ito ng dating asawa.
Sabi nito, “@reallysharoncuneta busy lang daw po si Papi! [grinning face with sweat emoji]
“Papi @concepciongabby ehem ehem uso din po magparamdam HIHI miss ka na daw po ni mama babe! [winking face, sparkling heart emojis]”

Ani Sharon, “@sg102058 He! Yaan na natin siya utang na loob!”

SHARON CAN’T WAIT TO HAVE AN APO FROM KC
Isa namang fan ang nag-wish na magkaapo na sana si Sharon sa kanyang panganay na si KC, 35.
Tugon ni Sharon, “@merastraw Inip na inip na nga ako!
“Kahit magpasurrogate na lang si Kayce masaya na ako basta eggs nya! [three face with tears of joy, heart emojis]”
Ang nauugnay ngayon kay KC ngayon ay ang Filipino-American singer-rapper na si Apl.de.Ap.

Sharon-Gabby
Sina Sharon at Gabby ang isa sa pinakasikat na love teams noong '80s hanggang early '90s.
Unang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Dear Heart noong 1981.
Dahil sa tagumpay ng pelikula, kaagad itong nasundan ng P.S. I Love You, na ipinalabas din noong taong iyon.
Nauwi sa totohanan ang kanilang pag-iibigan.
September 23, 1984, ikinasal sina Gabby at Sharon, na pinaghihinalaang buntis noon.
April 7, 1985, ipinanganak ng Megastar ang anak nila ni Gabby na si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion.
Pero makalipas ang tatlong taon, naghiwalay ang mag-asawa.
Ngayon, maligaya na pareho sina Sharon at Gabby sa kani-kaniyang pamilya.
