Kakai Bautista rises above Mario Maurer issue; Kim Atienza gives love advice to Kakai

by Bernie V. Franco
Mar 25, 2021
Kakai Bautista (center) posts "too busy loving myself" amid recent issue with Mario Maurer (far left). Meanwhile, Kim Atienza (right) gives support and love advice to Kakai.
PHOTO/S: @mario_mm38 and @ilovekaye on Instagram / Facebook Kuya Kim Atienza

"BRB" o be right back.

Masyado raw kasing abala si Kakai Bautista, 42, sa pagtuon ng pansin sa sarili at sa mga biyayang natatanggap niya.

Ito ang mensaheng ipinahihiwatig ng recent Instagram posts ni Kakai sa gitna ng isyung kinasasangkutan nila ng Thai actor na si Mario Maurer, 32.

Usap-usapan ngayon ang paglabas ng kopya ng formal letter ng Thai management company ni Mario, ang Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd., na nakadirekta sa talent management ni Kakai.

Sa liham, itinatanggi ng Thai company na may katotohanan ang mga pahayag ni Kakai sa past interviews nito kaugnay ng pagiging malapit umano nila ni Mario.

Inakusahan ng kampo ni Mario si Kakai ng paggagamit sa pangalan ni Mario na nakasisira raw sa reputasyon at imahe ng Thai actor.

KAKAI bautista’S CRYPTIC POSTS

Makahulugan ang Instagram Story post ni Kakai noong Martes, March 23.

May kinalaman ito sa hindi pagpatol sa mga batikos o isyu.

Continue reading below ↓

Ganito ang quote: “Set the bar and don’t ever lower that shit. If people don’t get it, that’s not your problem.”IG Story: Kakai Bautista cryptic post amid Mario Maurer issue

Klaro rin sa mga post ni Kakai na hindi siya nagpapaapekto sa isyung ipinupukol sa kanya ngayon.

Niitong Miyerkules, March 24, ipinost ni Kakai ang larawan niyang nakatalikod at naka-orange one-piece swimsuit habang nasa tabing-dagat.

Continue reading below ↓

Kuwela niyang caption: “BRB [Be right back]. Too busy loving myself. Too busy being grateful [sun, waves, tree, heart, rainbow emojis]”

“Calm,” caption naman niya sa video ng umaalong tubig noong Martes, March 23.

May post din siya tungkol sa self-love:

“Hoooh hirap pag sobrang gandaaaa. ISMAYL nalang si Tyang sa mga taong ayaw tumigil”

IG Post: Kakai Bautista travel photos amid Mario Maurer issue

Continue reading below ↓

Ngayong Huwebes, March 25, nag-post si Kakai ng kanyang bikini photo na nakasakay sa isang wooden horse.

Bahagi ng kanyang caption: “You are beautiful. In all shapes, size and color.”

Nasa beach resort ngayon si Kakai kasama ang buong cast ng GMA-7 primetime series na First Yaya para sa kanilang lock-in taping.

KIM ATIENZA AIRS SUPPORT FOR KAKAI

Halata namang naapektuhan si Kim Atienza sa isyu ng cease and desist letter na ipinadala ng kampo ni Mario kay Kakai.

“Kainis” daw ang reklamong ginawa ng talent management ng Thai actor sa komedyana.

Nag-tweet ang ABS-CBN news and current affairs host para magpakita ng suporta kay Kakai.

Mensahe nito kay Kakai: “Hayaan mo @kakaibautista you deserve to be linked to someone more deserving of you and your talent. Kainis.”

Twitter: Kim Atienza shows support to Kakai

Continue reading below ↓

Kapwa naging stage actors sina Kakai at Kuya Kim bago nila pinasok ang telebisyon.

Samantala, sa recent Instagram posts naman ni Kakai ay sunud-sunod ang papuri at pagkomento ng kanyang mga kasamahan sa industriya.

Mababasa rin ang pagtatalo ng netizens hinggil sa isyung kinasasangkutan nina Kakai at Mario, pero hindi sumagot sa mga ito si Kakai.

IG comment: netizens support Kakai

Continue reading below ↓

Nagkasama sina Kakai at Mario sa Star Cinema movie na Suddenly It’s Magic (2012), na pinagbidahan nina Erich Gonzales at Mario.

Support cast member dito si Kakai, at dito sila naging malapit ng Thai actor.

Mapapanood naman sa YouTube ang clips ng ABS-CBN entertainment programs, kung saan makikita ang panunukso kina Kakai at Mario noong ipinu-promote ang kanilang pelikula.

Hindi rin ito ang unang isyu ukol sa pagiging malapit ni Kakai kay Mario.

Napaulat din noon ang diumano’y pagbabawal kay Kakai na makalapit si Mario nang bumalik ang Thai actor sa Pilipinas noong 2016 para sa isang commitment.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista (center) posts "too busy loving myself" amid recent issue with Mario Maurer (far left). Meanwhile, Kim Atienza (right) gives support and love advice to Kakai.
PHOTO/S: @mario_mm38 and @ilovekaye on Instagram / Facebook Kuya Kim Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results