Hindi pinalampas ni Derek Ramsay ang komento ng isang netizen na tila pinatatamaan ang pagiging single mother ng girlfriend ng aktor na si Ellen Adarna.
Kagabi, March 25, nagdiwang si Ellen ng kanyang advanced birthday. Kasama niya sa pagdiriwang si Derek at ang kanilang mga kaibigan.
Ipagdiriwang ni Ellen ang kanyang ika-33 birthday sa April 2.
Kaugnay nito, nag-post ang aktres sa Instagram ng ilang photos at videos na kuha sa selebrasyon.
Kapansin-pansin sa photos at videos si Elias Modesto, ang two-year-old son ni Ellen sa dating karelasyong si John Lloyd Cruz.
Larawan ng masayang pamilya sina Ellen, Derek, at Elias sa mga post ng aktres sa social media.

Nagsunud-sunod ang comments, pero isang komento ang nakaagaw-pansin kay Derek.
“Instant Tatay,” mensahe ng isang netizen at naka-tag si Derek.
Sumagot ang 44-anyos na aktor: “what is wrong with that?!”
Ipinagtanggol din ng aktor ang single mothers gaya ng girlfriend niyang si Ellen.
“Single moms are beautiful strong women!” dugtong ng aktor.

Si Derek ay isa ring single dad. May 17 anyos siyang anak, si Austin, mula sa kanyang previous marriage kay Mary Christine Jolly.
Sa isang online interview noong March 6, nabanggit ni Ellen na ipinagpapasalamat niyang tanggap ni Derek na prayoridad ng aktres ang kanyang anak.
Reaksiyon naman ni Derek, “It’s true. I’m here to love her, to support her, to protect her. That’s her baby boy."
Paniniyak pa ng aktor, “I’m not an insecure man.”
Nabanggit din ng aktor na pinaglalaanan niya ng quality time si Elias para sa kanilang bonding time.
“I play with Elias always, all the time. He gets along with me.
“He’s a really good kid, a very smart kid.”
Pinatotohanan naman ito ni Ellen at sinabing madalas makipaglaro si Derek kay Elias.
ELLEN CONTIUES TO RECEIVE DEMEANING COMMENTS
Samantala, patuloy na nakatatanggap ng pang-aalipusta si Ellen mula sa netizens.
Pero nakakahanap siya ng kakampi mula sa malalapit na kaibigan.
Noong March 7, ipinost ni Derek ang larawan niyang nakadapa sa kama at nakapatong sa kanya si Ellen.
Sa comments section, nagkomento ang close friend ni Ellen, ang Cebuano industrial and furniture designer na si Vito Selma.
Mensahe ni Vito kay Derek, magpaluto kay Ellen ng specialty nitong salmon dish.
Sa ilalim ng komento ni Vito, may mga komentong inalipusta ang pagiging ina at pagkababae ni Ellen.
Isang netizen ang pinayuhan si Vito na sabihan ang kaibigang si Ellen na umuwi ito at magpakananay at huwag inuuna ang kanyang boyfriend.
Bahagi ng depensa ni Vito kay Ellen: “You also don’t know ellen enough to know what kind of mother she is.”


Inihambing naman ng isa pang netizen si Ellen kay Ivana Alawi, na “kahit nagpo post ng mga sexy photos irerespeto ng mga tao”
Sagot naman ni Vito, ano ang point ng netizen at ano koneksiyon ng comment nito sa comment niya para kay Derek?


Nagmensahe naman sa thread si Derek at sinabihan ni Vito na “wag patulan” ang mga negatibong komento.

