Matapos ang ilang taong pagkaudlot na mga marriage proposals sa mga dating girlfriends, finally, engaged na si Derek Ramsay, 44, sa girlfriend nito of almost two months na si Ellen Adarna, 32.
Kahapon, March 30, nag-propose si Derek kay Ellen sa isang simpleng pagtitipon nilang magkakaibigan.
Sa mga larawang in-upload ng Cebuana star, mukhang gulat na gulat siya sa pag-propose ng boyfriend.
Ngayong araw, March 31, mukhang hindi pa rin maka-get over si Derek sa engagement nila ni Ellen.
Nag-post siya sa kanyang Instagram ng iilang larawang kuha sa kanyang proposal for marriage sa Kapatid actress.
Sabi niya sa kanyang post (published as is): “Since the day we first met @maria.elena.adarna the chemistry between us has been undeniable, its so strong that i have to catch my breath at times.
“I've always said that love is intangible, something you can't see or touch...but now I believe otherwise.”
Ngayon daw ay nararamdaman na niya ang totoong kahulugan ng pag-ibig.
Dagdag pa niya, “The chemistry between us that has left me reeling at times has made me see, feel, and grasp this unexplainably deep love i now have.
“When I look at you I see love and when I touch you I embrace love.”
Sa lugar kung saan siya nag-propose kay Ellen, halos present lahat ang mga mahal nila sa buhay kabilang na ang kanyang anak na si Austin Ramsay at anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sabi ni Derek (published as is), “Last night we were surrounded by so much love.
“I am honoured and grateful that you said YES BUT most of all Thank you for loving me and allowing me to love you...”
View this post on Instagram
DEREK-ELLEN RELATIONSHIP
Nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa sa isang simpleng dinner na inorganisa ni Derek para sa kanyang mga kapitbahay sa Ayala, Alabang na sina Ruffa Gutierrez at Ellen.
Mula noon, naging inseparable na ang dalawa.
Aminado sila na na-love at first sight sila sa isa’t-isa.
Si Derek ay kagagaling lamang sa break-up sa dating girlfriend na si Andrea Torres noong October 2020.
Samantala, lagpas isang taon na ring single si Ellen mula sa hiwalayan nila ni John Lloyd.
Noong February 26, 2021, eksklusibong inamin ng dalawa ang kanilang relasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Isang buwan pa lang daw ang itinagal ng kanilang samahan noon, pero aminado silang “a month feels like a year” na daw kung kanilang susumahin.
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
