Ngayong araw, April 4, ang huling lamay para sa namayapang Original Pilipino Music (OPM) icon na si Claire dela Fuente.
Ito ang inanunsiyo ng anak niyang si Gigo de Guzman sa kanyang Instagram Stories kagabi, April 3.
Na-cremate ang mga labi ng beteranang singer noong nakaraang March 31, isang araw matapos siyang pumanaw sa cardiac arrest.
Siya ay positibo rin sa COVID-19.
Animnapu’t tatlong gulang si Claire nang binawian ng buhay.
Sabi ni Gigo sa kanyang post sa Instagram, “Tonight is the last night I get to spend with my mom here in my room… Her urn sits on my bedside table.
“I feel comfort having her beside me. At the same time, I don’t want her to be alone in our living room.
“She never liked sleeping alone. But on Monday, she’ll finaly get to rest beside my dad.
“Til then, I want to keep her company. (heart emoji)”

Idinaos naman kaninang umaga ang isang memorial service para kay Claire via online.

Nais isabuhay ni Gigo ang magagandang istorya at alaala ng mga tagahanga ng ina sa pamamagitan ng pagbahagi nito sa Facebook.
Kaya nanawagan siya sa netizens na mag-share ng kanilang "memorable encounter" with his mom.

CLAIRE WANTED TO HAVE A DAUGHTER
May isa ring hindi malilimutang kuwento si Gigo.
Gusto raw kasi ni Claire na magkaroon ng anak na babae ngunit sadyang matalinhaga ang tadhana dahil ang ibinigay ng Diyos sa ina ay "siya."
Isang out na gay si Gigo.
Kuwento pa niya sa kanyang Instagram Stories, “2018, our cousin @beaabelardo’s debut.
"You always wanted a daughter '(Pero sabi ni Lord, ‘Surprise’ at binigay niya ako)'.”
"You always wanted someone from our clan to have a debut, for us to throw a big party and be all dressed up, and we finally did.
“I was hoping you would see Rhianna's 18th, but at least we had this night.
“I hosted (and styled) and you sang.
“This will always be great memory for me.”

Naulila ni Claire sina Gigo at Mick, mga anak ni Claire sa namayapa na ring kabiyak na si Moises de Guzman.
