Former President Joseph Estrada’s pneumonia worsened, currently on mechanical ventilation

by Arniel C. Serato
Apr 6, 2021
Joseph Estrada medical bulletin
Ex-senator Jinggoy Estrada, eldest son of former President and Manila Mayor Joseph Estrada (in photo), appeals for more prayers for the immediate recovery of their father: "My father has always been a fighter and I hope that with the help of your prayers he will win this battle."
PHOTO/S: Courtesy: Joseph Ejercito Estrada on Facebook

Nananawagan pa rin ng taimtim na dasal ang mga anak ni dating Pangulong Joseph Estrada na sina dating senador Jinggoy Estrada at JV Ejercito para sa paggaling ng kanilang ama.

Kasalukuyang nakaratay sa ospital ang 83-year-old veteran actor-turned-public servant dahil sa COVID-19.

Sa kanyang Facebook ngayong araw, April 6, naglabas ng bagong medical bulletin si Jinggoy sa kasalukuyang kalagayan ng ama.

Ayon sa dating senador, lumala ang pneumonia ng nakatatandang Estrada habang nasa ospital kaya kinailangan itong ilagay sa mechanical ventilation para sa kanyang maayos na paghinga.

Alam daw ni Jinggoy niyang nilalabanan ng ama ang kalagayan dahil "fighter" daw ito noon pa man.

Malaking tulong din daw ang patuloy na dasal para sa ama.

Nakalagay sa post ni Jinggoy (published as is): "MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA:

"Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his pneumonia worsened.

"Because of this and the resulting increase in oxygen requirement, his doctors decided to place him on mechanical ventilation.

Continue reading below ↓

"This was done to improve oxygen delivery as well as to prevent the tiring of his respiratory mechanism.

"My father has always been a fighter and I hope that with the help of your prayers he will win this battle.

"Pls continue praying for his immediate recovery.

"Thank you very much."

Continue reading below ↓

Ganito rin ang panawagan ni JV sa Twitter kagabi, April 5.

Sabi ng dating mambabatas, "Please continue praying for my dad."

March 28, isinugod ng pamilya Estrada si Erap sa ospital dahil sa pagpositibo nito sa COVID-19.

Ilang araw ang lumipas, naglabas si Jinggoy ng maiksing video ng ama kung saan sinabi nitong unti-unti nang bumubuti ang kanyang kalagayan.

Continue reading below ↓

Pinalagan naman ng magkapatid ang kumakalat na online report noong Linggo, April 4, na diumano'y pumanaw na ang kanilang ama.

Wala raw itong katotohanan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-senator Jinggoy Estrada, eldest son of former President and Manila Mayor Joseph Estrada (in photo), appeals for more prayers for the immediate recovery of their father: "My father has always been a fighter and I hope that with the help of your prayers he will win this battle."
PHOTO/S: Courtesy: Joseph Ejercito Estrada on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results