Bumuti na ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph Estrada mula sa pagkakaratay sa ospital dahil sa COVID-19.
Sa medical bulletin na ibinahagi ng anak niyang si dating senador Jinggoy Estrada ngayong Martes, April 13, negatibo na sa COVID-19 ang resulta ng bagong RT-PCR test ng dating Pangulo.
Umaasa ang pamilya Estrada na mailipat na sa regular room si Erap mula sa intensive care unit (ICU) na kinalalagakan nito mula nang magpositibo sa COVID-19.
Nagpasalamat naman si Jinggoy sa lahat ng netizens na nagdasal para sa paggaling ng 83-year-old actor-politician.
Narito ang buong pahayag ni Jinggoy na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account (published as is):
“MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA:
“We are happy to announce that my dad continues to improve and we expect that he can be transferred to a regular room soon.
“His repeat RT-PCR (swab test) is now NEGATIVE!
“He is still on high flow oxygen support but at a much reduced rate.
“He has been allowed to resume soft diet.
“Mentally, he is oriented, conversing normally and appears to be in good spirits.
“Again, we thank everyone for their continous support and love and ask that you continue to pray for him and others who are afflicted with this awful and dreaded disease.
“Thank you so much.”
Isinugod si Estrada sa ospital noong March 28 matapos magpositibo sa COVID-19.
April 6 nang kabitan siya ng mechanical ventilator upang makahinga nang maayos.
Nitong nakaraang araw, kumakanta-kanta na raw ang dating Pangulo sa ospital, hudyat na gumagaling na ito.
Sa ilang panayam kay Jinggoy, sinabi nitong umaasa siyang makalabas na ang ama sa ospital bago dumating ang ika-84 kaarawan nito sa April 19.
