Nagnegatibo na sa COVID-19 ang singer-actress na si Angeline Quinto.
Sa latest RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) swab test na ibinahagi niya noong April 9, nalagpasan na ni Angeline ang nakakatakot na virus.


Kaya naman tuwang-tuwa ang ASAP Natin ‘To mainstay na ibinahagi sa kanyang YouTube vlog ang tagumpay niya sa paglaban sa sakit.
Labing-apat na araw nag-isolate si Angeline sa kanyang bahay matapos niyang matuklasan noong March 26, 2021 na positibo siya sa COVID-19.
Sabi niya sa caption ng kanyang vlog, “First time kong ipagpapasalamat na Negative akong tao.
“My last 7 days of battling the Covid 19 virus and with the grace of GOD and all your prayers, I am healed!
“Thank you very much po sa pagsama sa akin and hopefully I can inspire everyone that with the right frame of mind and faith in the LORD, we can survive this disease.
“My Covid 19 Triumph: Last 7 Days of Quarantine | @LoveAngelineQuinto youtube channel. Link on my bio”
Ibinahagi rin ito ni Angeline sa kanyang Instagram
Saad pa ng 31-year-old Kapamilya star, sobra siyang maingat sa tuwing siya ay lalabas at makikihalubilo sa ibang tao.
Pero maaaring naging pabaya rin siya nang hindi niya namamalayan.
Saad niya, “I was very cautious. Pero siguro dahil na din sa pagod, without knowing it naging pabaya ako protecting myself.
“I’ve been tested positive for Covid19 and the only thing I can do is to pick-up myself and be very careful not to infect other people, and then protect and heal myself.
“Let me share you the first 7 days of my fight against Covid 19.”
View this post on Instagram
Ang mga sintomas na naramdaman ni Angeline noong siya ay dinapuan at nakipaglaban sa COVID-19 ay ang pagtatae, mataas na lagnat, panghihina, at kawalan ng pang-amoy.
Ang ilan pang personalidad na gumaling at nagpapagaling mula sa pagpositibo sa bagong variant ng COVID-19 ay sina Heaven Peralejo, Sunshine Cruz, at si dating Pangulong Joseph Estrada.
