Ipinagtanggol ni Ciara Sotto ang kaibigang si Maine Mendoza laban sa netizens na nadismaya at nanghusga sa kanya matapos mahalungkat ang kanyang lumang tweets.
Kahapon, April 16, nanghingi ng paumanhin si Maine sa mga taong nasaktan niya dahil sa kanyang “careless” tweets noong mga panahong hindi pa siya nag-aartista.
Aniya, mas natuto na raw siya ngayon na maging maingat sa mga bibitawang salita, lalo na kung makakaapekto ito sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Sa pamamagitan ng Twitter ngayong araw, April 17, nagpahayag ng suporta si Ciara kay Maine.
Sabi ng 40-year-old actress-TV host, “You are not defined by your past mistakes. Whatever you’ve been through doesn’t have to be the end of you. You are valuable and irreplaceable. And I love you!!! @mainedcm”
Pagkatapos nito ay nagbigay rin ng mensahe si Ciara sa kanyang followers.
Saad ni Ciara, hindi naman daw porke’t artista ay nangangahulugang hindi na maaaring magkamali.
“All of us have made mistakes in the past that we regret, especially when we were younger... Being a celebrity doesn’t mean we are not allowed to make those mistakes... we are human just like you. STOP THE HATE. BE KIND... TO OTHERS... and TO YOURSELF.”
Ciara and Maine friendship
Kilalang magkaibigan sina Ciara at Maine, mula nang magkakilala't magkasama sila sa Eat Bulaga!
Tinatawag ni Maine na “ate” si Ciara, habang “babygirl” naman ang minsang palayaw ni Maine kay Ciara.
Base ito sa kanilang naging Instagram exchange noong February 14, 2019, kung saan isa si Maine sa nagpahayag ng kasiyahan para kay Ciara sa relasyon nito sa non-showbiz boyfriend na si Ian Austin.
