Malaki ang pasasalamat ni Mary Anne Lim, ina ng aktor na si Xian Lim, kay Kim Chiu.
Lalo raw kasing lumigaya ang anak mula nang dumating si Kim sa buhay nito.
Sa kanyang Instagram, isang mensahe ang ibinahagi ni Mary Anne para sa Kapamilya actress kahapon, April 19.
Kahapon ipinagdiwang ni Kim ang kanyang ika-31 kaarawan.
Mensahe ng ina ni Xian: “Dearest Kim,
“Happy Birthday! [two hearts emojis]
“Thank you for coming into Xian's life.
“As a mother, I want the best for my only child, and you give him happiness and love [heart emoji].
“Seeing him happy is more than what a mother could ask for. -@mommymaryanne”
View this post on Instagram
Na-touch naman si Kim sa mensahe ng ina ng kanyang nobyo.
Sagot niya rito, “Thank you tita [heart emoji] this is so sweet! [three hearts emojis]”

Nauna na sa mensahe ng ina ang makabagbang-damdaming birthday greeting ni Xian para sa girlfriend.
Sabi ni Xian sa kanyang Instagram post, “Hi @chinitaprincess I just want to say that I'm the luckiest man in the world to always have you by my side.
“Naaalala ko pa nung first date natin, you told me that you're worried that what we have might not last because of this crazy world we live in.
“Neysayers had their own versions of what they think we have. So many doubts, so many people trying keep us apart.
“May years later, nandito pa rin tayo para sa isa't isa, nagmamahalan na parang walang bukas I love you so much Kim, always remember that.
“Through thick and thin, through ups and downs, know that I'll always be here loving you every day, every hour and every second. HAPPIEST BIRTHDAY TO YOU.
“Enjoy this special day!”
View this post on Instagram
Kim-Xian relationship
November 2018 nang inamin ni Kim ang relasyon niya kay Xian sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa defunct show nitong Tonight With Boy Abunda (TWBA).
Unang nabuo ang tambalang Kim at Xian o KimXi nang magkapareha sila sa ABS-CBN primetime series na My Binondo Girl noong 2011.
Doon na rin sila na-link romantically kaya nabuo ang tawag ng tambalan nilang KimXi.
Bukod sa My Binondo Girl, nagtambal din sina Kim at Xian sa mga teleseryeng Ina, Kapatid, Anak (2012) at The Story of Us (2016).
Sa pelikula, nagtambal sila sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? (2013), Bride For Rent (2014), Past Tense (2014), at All You Need is Pag-Ibig (2015).
