Julia Barretto tells Gerald Anderson she wants to start a family "next year"

by Rachelle Siazon
Apr 22, 2021
Julia Barretto to boyfriend Gerald Anderson: "I always dream of living a simple, quiet life family life."
PHOTO/S: Gerald Anderson YouTube

Ginulat ni Julia Barretto, 24, ang boyfriend na si Gerald Anderson, 32, nang sabihin ng aktres na handa na siyang magkapamilya sa taong 2022.

Tinanong kasi ni Gerald si Julia kung ano ang plano ng nobya sa susunod na lima o sampung taon.

Sagot ni Julia, "Family."

Sundot na tanong ni Gerald, "Saan dun? Sa five or sa ten-year [plan]?"

Diretso at nakangiting sagot ni Julia, "Next year."

Sorpresang sabi ni Gerald, "Ha? Hahahahaha!"

Nagkatawanan ang magkasintahan dahil sa hindi inaasahang hirit ni Julia.

Sabay napapangiting bawi ni Julia, "Dun ako sa five. Dun ako sa five."

Nakapanayam ni Gerald ang girlfriend na si Julia sa unang pagkakataong naging guest niya ang dalaga sa kanyang vlog kagabi, Abril 21.

JULIA SAYS SHE CAN QUIT SHOWBIZ ANYTIME

Dito ay tahasan ding sinabi ni Julia na handa siyang iwan ang karera sa showbiz para sa pagpapamilya.

"Anytime," sagot ni Julia sa tanong ni Gerald kung kaya niyang iwan ang buhay-showbiz.

Continue reading below ↓

Sorpresang reaksiyon ni Gerald, "Why? Talaga?"

Dagdag ni Julia, "I always dream of living a simple, quiet life family life."

Masaya naman daw si Julia dahil natupad ang pangarap niyang maging artista.

Paliwanag niya, "Because I feel like at an early age, I was already exposed to this life. Because I grew up, and my aunts would take me to their work, my dad, and my mom.

"So it was kind of the only life I knew so I felt like that's where I was gonna end up now.

"But in the future a simple quiet life is what I dream."

Si Julia ay anak ng dating aktres na si Marjorie Barretto at ng komedyanteng si Dennis Padilla.

Mula noong taong 2020 ay naging bukas si Julia sa pagsasabing pangarap niya talaga ang magkaroon ng sariling pamilya sa murang edad.

Sinabi rin niya sa isang podcast noong February 2021 na gusto niya maging "boss-housewife."

Continue reading below ↓

Ani Julia, "I dream to become a housewife, but a housewife that’s like a boss-housewife.

"Like, you got your own work going on, but your number one priority is [kids and family]."

JULIA AND GERALD STAND BY EACH OTHER

Mula nang kumpirmahin nina Gerald at Julia ang tungkol sa kanilang relasyon noong Marso 2020, naging bukas ang magkasintahan sa nararamdaman nila para sa isa't isa.

Hindi rin sila nangilag kahit pa marami ang bumabatikos at kumukuwestiyon sa kanilang pag-iibigan.

"My ride or die" ang pagsasalarawan ni Julia kay Gerald, at "my queen" naman ang turing ng binata sa aktres.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto to boyfriend Gerald Anderson: "I always dream of living a simple, quiet life family life."
PHOTO/S: Gerald Anderson YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results