PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LOOK: Gerald Anderson calls Julia Barretto "my queen"

Julia and Gerald stand by each other and remain unfazed by detractors.
by Rachelle Siazon
Published Apr 9, 2021
Julia and Gerald stand by each other and remain unfazed by detractors. In their latest photos on Instagram, the couple proudly show some of their happy moments together.
PHOTO/S: @amarithestbernard / @juliabarretto Instagram

Hindi na paaawat ang magkasintahang Gerald Anderson, 32, at Julia Barretto, 24, sa pagsasapubliko kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't isa.

Huwebes ng gabi, April 9, ibinahagi ni Julia ang litrato nila ni Gerald na kuha sa tabing-dagat sa resort ng aktor sa Botolan, Zambales.

Magkahawak-kamay ang magkasintahan habang nakatanaw sa perfect sunset sa tabing-dagat.

Sa caption, inilarawan ni Julia si Gerald na "my ride or die."

Instagram: Julia Barretto posts photo with boyfrienf Gerald Anderson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang expression na ride or die ay tumutukoy sa kakayahang gawin ang lahat para sa taong mahal nito.

Tumugon si Gerald sa appreciation post sa kanya ni Julia.

Inilarawan ni Gerald si Julia na "my queen" gamit ang queen emoji na may katabing heart emoji.

Balik-sagot naman ni Julia ang hearts at ninja emojis.

Gerald Anderson calls Julia his queen

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malinaw na nagmamahalan sina Gerald at Julia.

Pero marami pa ring netizens ang todo-batikos at kumukuwestiyon sa relasyon ng dalawa.

Sa comments section ng post ni Julia, marami ang nang-uuyam sa dalaga na iiwan din daw ito ni Gerald.

IG comment: netizen awaits Julia and Gerald breakup

IG comment: basher awaits Julia and Gerald breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit ang eight-year age gap nina Julia at Gerald ay binabatikos din ng kanilang detractors.

IG comment: basher tells Julia and Gerald are not a good match

IG comment: basher calls gerald anderson a sugar daddy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ring netizens ang hindi makalimutan ang kontrobersiyang kinasangkutan nina Julia at Gerald noong July 2019.

IG comment: netizen brings up controversial love affair of julia and gerald

IG comment: basher calls julia a snake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE ALLEGED THIRD PARTY ISSUE

Pumutok noong July 21, 2019 ang balitang hiwalay na si Gerald at nobya nitong si Bea matapos mag-post si Bea sa Instagram ng "enough" kalakip ng all-black photo.

Kasabay iyon ng agaw-pansing pag-like ni Bea sa IG post ng isang netizen na nagbahagi ng litrato nina Julia at Gerald na kuha sa birthday party ni Rayver.

July 23, 2019 nang lumabas sa PEP.ph ang impormasyon mula sa isang source ng Cabinet Files na umamin umano si Gerald na nililigawan nito si Julia, nang makausap ni Gerald ang ama ng dalaga na si Dennis Padilla.

Nilinaw din daw noon ni Gerald, sa pag-uusap nila sa telepono ni Dennis, na hiwalay na sila ni Bea.

Pero sa TV interview ng ABS-CBN noong July 27, 2019, umalma si Bea at sinabing bigla na lang siyang iniwan sa ere ng aktor nang walang formal breakup.

Makalipas ang lampas isang linggo, noong August 5, 2019, humarap si Gerald sa panayam ng TV Patrol para linawin na hindi niya raw niloko si Bea at walang kinalaman si Julia sa kanilang breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Gerald, paulit-ulit daw ang pag-aaway nila ni Bea hanggang sa nagkaroon sila ng "one big fight" na naging sanhi para dumistansya raw ang aktor.

Kinabukasan, August 6, 2019, naglabas si Julia ng opisyal na pahayag sa kanyang Instagram upang linawin na hindi siya ang dahilan ng hiwalayan nina Bea at Gerald.

Inakusahan din ni Julia si Bea ng "bullying" dahil sa pandadawit daw sa kanya ni Bea kaugnay ng maintrigang pag-like daw ni Bea ng "harmless photos" nina Julia at Gerald.

Sa kabila ng pagtanggi nina Gerald at Julia, nang mga sumunod na buwan ay matunog ang espekulasyong nagkakamabutihan diumano ang dalawa.

GERALD AND JULIA GO PUBLIC WITH THEIR RELATIONSHIP

Hanggang sa noong mid-2020 hanggang first quarter ng 2021, nasubaybayan ng mapanuring netizens ang mga pagkakataong namataan sina Gerald at Julia.

Naiulat na magkasama silang namasyal sa Tanay, Rizal noong November 2020, at magkasama rin nilang sinalubong ang Bagong Taon sa Baguio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hininala rin na si Gerald ang nagregalo kay Julia ng asong St. Bernard na pinangalanan nilang Amari.

At noon ngang March 5, 2021, kinumpirma ni Gerald na may relasyon sila ni Julia, pero hindi niya binanggit kung kailan naging opisyal na sila.

Unti-unti namang naging bukas si Julia sa pagpapakita ng sweet moments nila ni Gerald.

Pareho rin silang desidido na hindi magpadala sa anumang batikos dahil mas mahalaga raw sa kanila ang opinyon ng mga taong totoong nakakakilala sa kanila.

GERALD, JULIA FLAUNT THEIR DOG

Samantala, noong April 7 ay nag-repost si Gerald ng childhood picture ni Julia na galing sa fans ng magkasintahan.

IG Story: Gerald Anderson posts julia barretto baby photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod niyon ay ipinakita naman ni Gerald ang bonding nila ng asong si Amari, na uminom ng tubig mula sa bathtub na kinauupuan ng aktor.

IG Story: Gerald Anderson with dog Amari

Noong araw ding iyon, nag-post si Julia ng litrato nila ni Gerald sa Instagram account na ginawa ng dalaga para kay Amari.

Dito ay parehong matamis ang pagkakangiti nila habang photobomber daw nila si Amari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julia Barretto, Gerald Anderson with dog Amari

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia and Gerald stand by each other and remain unfazed by detractors. In their latest photos on Instagram, the couple proudly show some of their happy moments together.
PHOTO/S: @amarithestbernard / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results