Ipinagtanggol ni Liza Soberano si Angel Locsin laban sa mga batikos na tinamo nito dahil sa hindi inasahang pangyayari noong April 23, 2021, ang araw ng ika-36 na kaarawan ni Angel.
Imbes na party ay naglunsad ang aktres ng pantry sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City.
Nakalulungkot na pumanaw ang isang senior citizen, ang 67-year-old balut vendor na si Rolando dela Cruz, matapos nitong himatayin habang nakapila.
Dahil sa dagsa ng libu-libong tao, hindi nasunod ang minimum health protocols na ipinapatupad ng gobyerno upang hindi kumalat ang COVID-19.
Pero ayon kay Liza, 23, hindi intensiyon ng actress-philantropist na may mangyaring hindi maganda sa kanyang charity event.
Saad ni Liza sa kanyang tweet kahapon, April 24, "It’s just unfair to me that her intentions were twisted and she’s being blamed for the death that she never intended to happen.
"Sorry if the family affected by this for offended by my comment but this was not for you but the people blaming her."
Ilang netizens ang tilay's hindi naintindihan ang komento ni Liza kaya naglabas muli siya ng paglilinaw ukol sa nauna niyang tweet.
Dagdag pa niya, "Many people misunderstood my comment. I meant don’t say sorry to the people demanding a sorry from her that have nothing to do with the situation.
"Of course it’s only right and natural for ate Angel to be sorry about the life that was lost."
Humingi na ng kapatawaran si Angel sa pangyayari.
Nangako rin siyang hindi tatalikuran ang pamilyang naulila ni dela Cruz.
