Sa kasagsagan ng community quarantine noong tag-init last year, namayagpag sa mahahalay na video calls ang indie actor na si Miko Pasamonte.
Humina kasi ang negosyo ni Miko na pagtitinda ng exotic animals sa Dasmariñas, Cavite. Nagugutom ang kanyang mga alagang hayop, at kailangan pa niyang magpadala ng pambili ng gamot ng kanyang ina na nasa Zambales, kaya kumapit siya sa patalim.
Sa pagpu-promote ni Miko sa Twitter ay panay-panay ang kanyang pa-Felix Bacat, kaya dumami ang kanyang mga kliyente.
Sa bulto ng kanyang mga suki, pinepeke niya minsan ang dagta ng pagmamahal, at ang kunwaring pinapulandit ay Cetaphil cleanser.
May pa-discount minsan si Miko, lalo na sa mga bading na PWD at senior citizen.
Itinigil ni Miko ang pagbi-vidjakol noong Oktubre 2020 nang kunin siya ni Joed Serrano para sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na nag-shooting noong Nobyembre 2020.
Saad pa ni Miko, inilapit siya ni Joed sa Panginoong Diyos, kaya nangako siyang hindi na lulublob sa putik ng kasalanan.
MARKKI STROEM'S DEPRESSION
Sa pagdiriwang ng kanyang ika-34 kaarawan noong Marso 21, pinasimulan ni Markki Stroem ang pagpo-post ng mga hubad niyang larawan sa Instagram, Facebook, at Twitter.
“Birthday shoot in my birthday suit” ang kanyang paandar, kung saan ang tema ay “Adam in Paradise.”
Walang saplot si Markki sa mga larawan, pero ang kanyang ari ay balot ng medyas.
Sa Patreon kung saan may subscription fee, mas mapangahas ang mga litrato.
Binalaan ni Markki na kakasuhan ang mga magre-repost ng kanyang mga litrato para sa pansariling interes. Maraming tumangkilik sa Patreon account ni Markki.
Pagsapit ng Abril ay may bagong tema ang kanyang kahubdan—12 Olympians, mythological figures.
Makabuluhan ang paghuhubad ni Markki dahil mas lumawak ang sakop ng kanyang adhikain kaugnay sa mental health at depression, na pinagdaanan niya.
Inamin ni Markki na inisip niya dating magpatiwakal.
Salaysay ni Markki sa Instagram at Facebook noong Abril 21, “Let me tell you a little story, as a child, I was always told that there was no such thing as depression or adhd and all of those problems will go away in time. This is what caused me to suffer for years in the shadows.
“As a child, I was bullied incessantly because of the big mole on my face or because I enjoyed the performing arts. They would call me every name in the book.
“I got so depressed to the point that I had thoughts of ending it all...
“It was tough for a 13 year old boy living in a world that I could not share my innermost insecurities.
“This is why I decided to narrate my story. These next few songs, starting with Sanity, are my inner most thoughts and vulnerabilities.
“I wanted to express them all here. I have grown so much through the years that when I think that I am feeling depressed, I #UnmaskMyLoneliness by telling a friend. When My ADHD is acting up, I meditate to #UnmaskMyConfusion.
“Now, I am sure a lot can relate because of these trying times, when I feel my Anxiety, I talk to my family or friends to #UnmaskMyFears.
“I have taken control of my destiny, people still say bad things about me, now more than ever, although NOW they have no power over me. Their opinion of me is their business, not mine.
“I have fallen in LOVE with myself, especially my imperfections and realized that #ItsOkayNotToBeOkay”
Nakiusap si Markki na panoorin ang music video niya ng Sanity sa kanyang eponymous YouTube channel.
Dagdag ni Markki, “Raising awareness for suicide and self harm. An increase of 25.7% in suicide rates in the Philippines since the start of the pandemic is no joke. Lets take care of each other and always stay safe!
“Don’t unmask yourselves literally! Always stay protected. Love you all.”
TIKTOK INFLUENCER'S VIDEO CALLS
Abril 21, Miyerkules, nag-tweet ang isang poging Tiktok influencer na mayroon siyang premium account, kung saan limitado muna sa 100 slots ang subscribers.
Kalakip ng paanyaya ang 13-second video kung saan nakasando at naka-short si pogi. Nakaupo si pogi, hawak ang cellphone sa kaliwang kamay na tila may pinapanood, at ang kanang kamay ay hinahagod ang kanyang kadakilaan.
Nag-fiesta ang mga alter na nag-subscribe, at sandamukal ang nagpatotoo na sulit ang subscription fee.
Siyempre pa, meron agad poser na nagbebenta ng video calls ng poging influencer, pero agad iyong nabunyag, at pinaalalahanan ni pogi ang netizens na mag-ingat sa scammers.
Sandamukal din ang nagpatutsada sa poging influencer na kesyo ipokrito ito—may adhikain na women empowerment, tapos ibinebenta ang laman online?
Sinagot ni pogi ang isyung nagmamalinis siya. Itinanggi rin ni pogi na nagbebenta siya ng kanyang kahubdan sa mga menor de edad.
BIDAMAN FINALIST
Sumunod sa mga yapak ni pogilicious Tiktok influencer ang kaibigan niyang BidaMan finalist.
Abril 28, Miyerkules, nag-tweet ng paanyaya ang Bidaman finalist na mag-subscribe sa kanyang premium account.
Ang peg ni BidaMan finalist ay ang invite ni poging influencer.
Kagaya ni poging influencer, nakasando at naka-short si BidaMan finalist sa 8-second video.
Nakaupo rin siya, at hawak ng kaliwang kamay ang cellphone na tila may pinapanood, pero hindi niya hinimas ang kanyang private part.
Noon ding Miyerkules ng gabi ay may scammer o poser sa Telegram na nag-aalok ng nude pics, videos, and exclusive contents ni BidaMan finalist.
Binalaan ni BidaMan finalist ang mga tao na huwag magpaloko. Iisa raw ang kanyang Twitter account, at doon lang siya nagta-transact.
Sa 1 minute and 2 seconds na video ng pagsasariling-sikap ni BidaMan finalist, blurred ang kanyang mukha, pero alam mong siya iyon dahil sa kanyang mga tattoo sa binti at mga bisig.
“Pareho ng background at cellphone sina poging influencer at BidaMan finalist sa kanilang video scandals,” sabi ng kilalang vlogger at publicist na si Byx Almacen.
“Sana, mag-collab sila.”
PAOLO GUMABAO'S MOVIE
Isang OFW na napilitang mag-vidjakol ang papel ni Paolo Gumabao sa launching movie niyang Lockdown, na idinirek ni Joel Lamangan mula sa panulat ni Troy Espiritu.
Nag-trim ng pubic hair si Paolo bago nag-shooting ng Lockdown noong Setyembre 2020 sa Cavite.
Nakipagsabayan kay Paolo sa pagtatalop sa Lockdown sina Sean de Guzman, Kristian Allene, Dincent Lujero, Neil Suarez, at Jeff Carpio.
Mahigit 575K views na ang official trailer ng Lockdown mula nang in-upload ito noong Marso 16, 2021 sa YouTube channel na Gilbert Obispo Films.
Nasa cast din ng Lockdown sina Max Eigenmann, Allan Paule, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Jim Pebanco, Angeline Sanoy, Paul Jake Paule, at Alexis Yasuda.
Isa sa mga inspirasyon ng karakter ni Paolo sa Lockdown ay ang indie actor na si Miko Pasamonte.
Ideya ng prodyuser na si Jojo Barron ng For the Love of Art (FLA) Films na gawing OFW ang karakter ni Paolo sa pelikula.
