PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda calls people behind ABS-CBN shutdown

Vice Ganda: "Andito pa rin kami para sa’yo KAPAMILYA!”
by Arniel C. Serato
Published May 6, 2021
Vice Ganda on ABS-CBN soldiering on after it was stripped off of its franchise: "Ang pamilya ay di sinusukuan. Nahihirapan ngunit nagtatagumpay."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerome Ascano

Tinawag na “ganid at masasamang loob” ni Vice Ganda ang mga taong nasa likod ng hindi pagkakaloob ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Sa Twitter kahapon, May 5, 2021, nagbahagi ang It’s Showtime host ng kanyang saloobin ukol sa unang anibersaryo mula nang namaalam sa ere ang ABS-CBN noong May 5, 2020.

Eksaktong ika-7:52 ng gabi noong araw na yun, naging itim ang TV monitors sa mga kabahayang nakatutok sa Kapamilya network dahil nagtapos na ang free TV broadcast ng network.

Ito ay matapos ipag-utos ng National Telecommunications Commission, sa pamamagitan ng Cease and Desist Order, dahil napaso na ang prangkisa ng ABS-CBN isang araw bago sila magpaalam.

Ayon kay Vice, hindi nagtagumpay ang mga taong kumitil sa prangkisa ng network dahil nanatiling nakatayo ang ABS-CBN at patuloy pa rin itong sumasahimpapawid.

Mensahe ng It's Showtime host, “Isang taon na ang nakalipas ng tangkain ng mga ganid at masasamang loob na ang mga KAPAMILYA ay mapagkaitan ng serbisyong kailangang kailangan nila lalo sa panahon ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngunit di sila lubos na nagtagumpay. Dahil andito pa rin kami at patuloy na isinasabuhay.”

Dagdag pa niya, napanindigan ng ABS-CBN Corporation ang slogan nito dahil patuloy pa rin itong nagseserbisyo sa bayan kahit wala itong franchise to broadcast sa free TV.

Aniya, “ang sinumpaang linyang ‘In the service of the Filipino worldwide’.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pamilya ay di sinusukuan. Nahihirapan ngunit nagtatagumpay.

“Andito pa rin kami para sa’yo KAPAMILYA!”

DUTERTE ANS CONGRESS ON ABS-CBN FRANCHISE

Makailang beses nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Noong April 27, 2017, o tatlong taon bago matapos ang prangkisa ng ABS-CBN, nagbanta si Pangulong Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng network dahil sa panggagantso diumano nito sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inulit ng Pangulo ang atraso sa kanya ng ABS-CBN sa isang speech noong May 19, 2017.

Sa kanya namang speech noong August 3, 2018, sinabi ni Duterte na hindi siya manghihimasok sa pagsusumite ng ABS-CBN ng application para sa panibagong broadcast franchise.

Pero sinabi rin niya, "But if I had my way, I will not give it back to you."

Noong December 3, 2019, nagbanta muli ang Pangulo na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN nang sinabi nitong “I will see to it that you are out.”

Sa kanyang speech noong December 30, 2019, sinabi ni Duterte na mas makabubuti kung ibenta na lamang ng mga may-ari ang ABS-CBN.

Sa huli ay nanaig ang kagustuhan ni Pangulong Duterte nang tuluyang ibasura ng Kongreso, sa botong 70-11, ang franchise renewal ng ABS-CBN noong July 10, 2020. Halos lahat ng mga kongresistang bumoto para patayin ang renewal aplpication ng Kapamilya network ay kaalyado ni Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, mapapanood ang ilang programa ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11, TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV, iflix, at TFC.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on ABS-CBN soldiering on after it was stripped off of its franchise: "Ang pamilya ay di sinusukuan. Nahihirapan ngunit nagtatagumpay."
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results