Jelai Andres reacts to husband Jon Gutierrez being reprimanded by his mother about their breakup

by Rachelle Siazon
May 6, 2021
Nanindigan si Jelai Andres na hindi siya nagkulang sa pakiusap noon kay Jon Gutierrez na ayusin nila ang kanilang buhay mag-asawa dahil siguradong malulungkot ang ina ng rapper sa mga kolokohan nito. Pero suko na raw si Jelai dahil hindi umano nagtatanda si Jon sa pambababae nito.
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram

Ang kontrobersiyal na word war ng mag-asawang Jon Gutierrez at Jelai Andres ay nakarating sa ina ni Jon na nakatira sa United Kingdom.

Si Jon o King Badger ay kilala bilang rapper ng hip-hop group na Ex-Batallion. Pareho ring YouTube stars sina Jon at Jelai na sumikat sa kanilang tambalang JoLai.

Sa YouTube vlog ni Jon noong May 3, mapapanood na pinagalitan siya nang husto ng kanyang ina nang magkausap sila via video call.

Mama D ang tawag ni Jon sa kanyang ina.

Naniniwala si Mama D na si Jon ang "sumisira" sa relasyon nila ni Jelai.

Litanya ng ina ni Jon: "Sa umpisa pa lang kasi sinasabihan na kita. Hindi kita pinag-aral, hindi kita pinalaki na magkaganyan ka lang diyan.

"Ikaw ang nagdesisyon... Kayo nagdesisyon na magpapakasal kayo. Ako mismo na nanay mo, alam ko yun, na hindi mo pa kaya.

"Tingnan mo iyang ginawa mo, nakakasakit ka ng tao. Mali iyang ginawa mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi itinanggi ni Jon na siya ang dapat sisihin sa hiwalayan nila ni Jelai.

"I f*cked up. Nagkamali ako. It's my fault," simpleng pag-amin ni Jon.

Tuluyang napaiyak si Mama D nang tanungin nito si Jon kung bakit kailangang idaan sa social media ang away-mag-asawa.

Dati-rati ay lumalapit pa raw si Jelai kay Mama D para magpatulong na ayusin kung anumang problema nila ni Jon.

Iyak nang iyak na sabi ni Mama D: "Lahat ng naririnig ko, ang sakit-sakit. Kung nasasaktan ka, mas masakit sa akin...

"Pag may sakit ka, iniisip ko kung sinong nag-aalaga sa iyo.

"Mag-asawa kayo pero hindi kayo magkasama. Ano yun?"

Nag-sorry si Jon sa ina.

"Ako yung mali, Ma," ulit ni Jon.

Pero gustuhin man daw ni Jon na magkausap sila nang pribado ni Jelai, matindi pa raw ang galit ni Jelai sa kanya sa ngayon.

Katuwiran ni Jon: "Hindi ko alam paano siya makontak. She's not talking to me...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napuno na rin siguro. Ang daming beses ko na kasing sinasaktan.

"Hindi mo naman masisisi yung tao. It's me. It's my fault.

"Wala siyang kasalanan dun, napupuno din yung tao."

Bago magtapos ang video call, siniguro ni Jon sa ina na pilit niyang aayusin ang sigalot nila ni Jelai.

Jon Gutierrez mother

JON ASKS FOR A PRIVATE TALK WITH JELAI

Nag-iwan si Jon ng pinned comment sa kanyang May 3 vlog para magpaabot ng mensahe kay Jelai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais daw ni Jon na pag-usapan nila ni Jelai kung may pag-asa pang magkaayos sila o tuluyan na nilang ipapa-annul ang kanilang marriage.

Pahayag ni Jon (published as is): "Mommy Jelai, can we talk? In person if pwede. Ayoko na dito tayo sa social media or sa internet nag babangayan eh.

"Oo mali ako at nagkamali ako ng malala sayo, inaamin ko naman na eh.

"Pero gusto ko kasi malaman ano ba ang talagang gusto mong mangyare sa atin? Sa marriage natin?

"I have said sa last vlog ko na if you want to go through marriage counseling then I would gladly do it with you then if na pag desisyonan mo naman na mag annul then wala naman din akong magagawa dun.

"So ano ba talaga gusto mo mangyare? you can message me para maka pagusap naman tayo."

Jon Gutierrez ask Jelai Andres for a private talk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JELAI REACTS TO JON'S VIDEO CALL WITH HIS MOM

Hindi sinagot ni Jelai ang mensahe sa kanya ni Jon.

Bagkus ay nilinaw ni Jelai na ilang beses siyang nakiusap noon kay Jon na tigilan na ang mga kalokohan nito dahil siguradong hindi iyon magugustuhan ng ina ng rapper.

Sinagot din ni Jelai ang pagtataka ng iba kung bakit hindi sila magkasama sa iisang bubong noong panahong nagkaayos na sila.

Tila lumalabas daw na kagustuhan niyang hindi muna sila magsama uli noon ni Jon.

Sa comments section ng vlog ni Jon, bahagi ng paliwanag ni Jelai (published as is):

"at sa prang ako pa nasisisi po dahil hndi kami magksama sa bahay

"fyi po last yr ko papo gusto magksama kami sa bahay siya lang may ayaw

"d makapag sorry sa tatay ko kesyo dami rason

"baka di pa ko tapos gamitin."

Hindi raw akalain ni Jelai na kaya pala ayaw ni Jon na magsama uli sila sa isang bubong ay dahil mayroon itong "kabit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Jelai: "pero nagttiwala padin ako at d ko nalang inintindi

"dko pinush sarili ko sapart na yun kasi muka akong tanga, pero pinipilit ko mabuo trust kasi asawa ko siya

"and pano daw ba yun edi kasama nako sa lahat ng lakad niya? Babantayan ko dw siya lagi etc.

"Sabi ko 'oo naman support kita sa lahat sa business etc bestfrnd mko and asawa and tropa like dati'.

"Siya lang ayaw magsama pa kami sa iisang bubong kasi yun naman pala matagal ng may ibang babae at may feelings ng iba na pinoprotektahan

"pero ako ok lang kahit nag dudusa."

Nanindigan si Jelai na ginawa niya ang lahat para maisalba ang marriage nila ni Jon, pero ito raw ang paulit-ulit na nanloko umano sa kanya.

Hindi rin daw siya nagkulang sa paghingi ng tulong sa mismong ina ni Jon na si Mama D.

Lahad ni Jelai: "and lahat po yan kht mga pangyayareng hndi nio alam eh snsumbong ko sa nanay nia lahat lahat ng gngwa nia, naghhingi ako tulong sknya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pati pag may sakit sya alam din ni mama niya na dali dali ako nagkukumahog na alagaan siya privately na halos iwish ko pa na sana ako nalang yung nagkakasakit at nakakafeel ng karamdaman nia.

"Pero nung ako nagka covid halos mamatay wala siyang paki happy pa ata kasi hindi ako nakakalabas kaya free sila."

October 2020 nang dapuan ng COVID-19 si Jelai, at November 2020 nang magsimulang mag-lock-in taping ang Owe My Love. Doon nagkabalikan sina Jon at Jelai.

Patuloy ni Jelai: "Pati marriage counselling sinet n ng family ko paglabas ng lock in taping naghanap pa panganay kong ate ng pinakamagaling na aatendan namin.

"Kht hndi pa sya nag sorry sa parents ko.

"Pero pinagllaban ko sya sa family ko na nagbago na siya kaya tinanggap na siya khit kami ng papa ko nagkaron misunderstanding dahil dyan dahil pinagkalaban ko sya kht d pa sya nasorry sa papa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ok na sknla Kasi dun ako masaya. Super excited pako at happy."

Pero pagkatapos nilang magsama sa lock-in taping sa Owe My Love, saka raw natuklasan ni Jelai ang pambababae ni Jon.

"Pero paglabas lock in taping pinabayaan nako at nag enjoy na sila po.

"Kinalimutan na counselling at lahat lahat. Miss na miss nila isat isa.

"Saka lang siya nag reach out sakin nung nagkkagulo na. Tagal niya kong pinabayaan at pinahirapan paglabas lock in.

"Napaasa kami lahat. Nauto ako. Trauma paulit ulit."

Kung nasasaktan daw ang ina ni Jon sa hiwalayan nila, iginiit ni Jelai na mas lalong masakit para sa pamilya niya ang panlolokong ginawa sa kanya ni Jon.

"Ano naman po kaya nrramdamn ng parents ko at family sa nangyre sakin?

"Clear ko lng po name ko po para lang po alam niyo. Salamat po.

"Hindi to pwede privately kasi nababasa ko dito public eh d ko maeexplain side ko kasi naka public to. Salamat po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jelai Reacts to Jon Gutierrez videocall with his mother

FROM BREAKUP TO RECONCILIATION TO BREAKUP AGAIN

October 2018 nang ikasal sina Jon at Jelai.

April 2019 nang unang makipaghiwalay si Jelai kay Jon matapos mahuling nambababae umano ang rapper.

Natuklasan daw ni Jelai na muling naugnay si Jon sa isang babaeng pinag-awayan nila noong panahong magkasintahan pa lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

October 2019 nang magkrus ang landas nina Jon at Jelai sa meet-and-greet event ng kaibigan ni Jelai na si Zeinab Harake.

At simula noong February 2020 hanggang March 2021, muling nasilayan ang mag-asawa na gumagawa ng vlogs sa kanilang joint YouTube Channel na JoLai, na may higit 3M subscribers.

Pero hindi pa rin daw nagsama sa isang bahay sina Jon at Jelai kahit na nagkabalikan sila nang mag-lock-in taping sila sa GMA-7 prime-time series na Owe My Love.

Huling bahagi ng taong 2020 nang mag-advance taping ang Owe My Live, na umere mula February 2021 hanggang kasalukuyan.

Hanggang sa noong March 2021, ibinulgar ni Jelai na muli niyang nadiskubre na may bagong "kabit" si Jon.

Ayon kay Jelai, mula pa raw July 2020 ang pakikipagrelasyon ni Jon sa "kabit" nito.

Lubha itong ikinagalit ni Jelai at muling nakipaghiwalay kay Jon.

Naging mitsa ito ng palitan nila ng maaanghang na salita sa social media hanggang sa kasalukuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JELAI INSISTS BREAKUP WITH JON IS NOT "SCRIPTED"

Una namang nilinaw ni Jelai na hindi "scripted" ang hiwalayan nila ni Jon para umani sila ng views sa kani-kanilang solo YouTube Channel.

Base ito sa vlog ni Jelai noong April 28.

Dire-diretsong sabi ni Jelai: "Scripted daw? Wala na raw nanonood ng views. Laos daw...

"May teleserye ako, madami akong endorsements...

"Hindi sa para gumagawa ako ng eksena at sirain yung marriage, sirain yung sarili ko, makita niyong lugmok para lang sa views.

"Hindi niyo ba na naisip na kapag magkasama kami mas madaming views?

"So bakit namin sisirain yun na paghihiwalayin namin para dumami yung views. E gusto ng mga tao magkasama kami.

"Hindi para paglaruan ko yun..."

Marami kasi ang kumuwestiyon kung bakit nakuha pang patawarin ni Jelai sa Jon matapos ang kinasangkutan nilang kontrobersiya noong 2019.

Aminado naman si Jelai na isang malaking pagkakamali na pinatawad niya noon si Jon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaasa lang daw si Jon sa mga panliligaw nito sa kanya noong taong 2020.

Sabi ni Jelai: "Ang sakit nun. Dapat hinayaan mo na lang ako. Hindi yung finake mo pa lahat.

"Sana sinabi mo ng malinaw, 'Diyan ka lang, ha? For the ano lang ito, magtrabaho lang tayo. Pero ako ganito [may iba na], ikaw humanap ka na rin ng dyowa mo.

"Hindi, e. In-attach ko sarili ko, binigay ko nang buong-buo. T**ina! Ending, binaboy lang ako. Pak!"

Kung galit na galit man daw siya ngayon, iginiit ni Jelai na karapatan niyang maglabas ng saloobin sa dami ng kanyang tiniis kay Jon.

"Paulit-ulit na lang kaya hindi na ako naniniwala sa suyo-suyo, dun naman siya sa No. 2. Ano yun?!

"Payag ba tayong No. 2? Kasi ako yung No.1, pero bakit parang kasalanan ko?"

Giit pa ni Jelai, "Huwag mo na lang i-keep yung tao, kung meron ka pa lang iba na gusto."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, si Jelai ay may higit 6M subscribers sa kanyang personal YouTube account, habang si Jon ay may 173,000 subscribers sa sarili nitong account.

May 2.8M followers din si Jelai sa Facebook, habang si Jon ay may 1.9 followers doon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanindigan si Jelai Andres na hindi siya nagkulang sa pakiusap noon kay Jon Gutierrez na ayusin nila ang kanilang buhay mag-asawa dahil siguradong malulungkot ang ina ng rapper sa mga kolokohan nito. Pero suko na raw si Jelai dahil hindi umano nagtatanda si Jon sa pambababae nito.
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results