Hindi napigilan ng actress-singer na si Kim Molina na i-call out ang isang netizen na sinabihan siya ng bastos na salita.
Sa kanyang verified Facebook account kahapon, May 7, ipinost ni Kim ang screenshot ng bastos na komento ng isang netizen na nagngangalang "Joven."
Mababasa sa screenshot ang tanong ng netizen na: “Bkt kim anyare sa mata mo? May [offensive word]”
Inis na sagot ni Kim: “Brush your teeth bruhh. Ang bastos ng bunganga mong hype ka.”
Kaagad namang rumesbak ang boyfriend ni Kim na si Jerald Napoles.
Kinastigo ng aktor kung daw binabastos ng basher ang kanyang nobya at tinanong kung close ba sila.
Buong komento ni Jerald, “hoy girlfriend ko yan. Bakit binabastos mo? Close kayo!
"Pwede naman katuwaan wag lang bastos. Kaya mo ba sabihin sa personal yan?”
Sa caption, sinabi ni Kim na kahit public figure ang mga personalidad na katulad niya ay hindi nangangahulugang puwede na silang bastusin at pagsalitaan ng masasama.
Pasalamat daw ang nasabing netizen at binura niya ang apelyido nito para hindi na madumog ng iba pang tao.
Saad niya, “Public figures? Yes. Do we chat comment with our followers?
“Hindi man kayanin sa lahat pero YES we try as much as we can.
“Ganun pa man hindi ibig sabihin na pwede na kaming bastusin ng ganun ganun lang.
“Be grateful I crossed out your full name.”
Paalala pa ni Kim sa iba, huwag naman silang tratuhing kabastus-bastos dahil hindi niya ito palalampasin pa.
Ani Kim, “Next time someone acts disrespectful, better unfollow or I WILL CALL YOU OUT.
“I will not tolerate hate and negative influence on my page.
“Good vibes lang, bawal bastusan. This goes out to Jerald Napoles’ and our joint account KimJe as well.
“Have a good day, mga lods #ThinkBeforeYouClick”
Hindi ito ang unang pagkakataong bumuwelta sa basher si Kim.
Noong June 2020, sinagot din niya ang mga netizen na panay ang puna sa kanyang boobs.
Marami kasi ang pumuna kung bakit mayroon daw gap sa cleavage ng 29-year-old Viva artist.
Buwelta niya sa mga ito: "P. S. Dahil ang daming hanash: Problema niyo sa boobs kong hiwalay?
"Eh social distancing nga diba?”
