Engaged na ang actress-comedienne na si Gladys Guevarra sa kanyang bagong non-showbiz boyfriend na si Mike Navarrete.
Masayang ibinalita ni Gladys ang kanyang engagement sa Instagram kahapon, May 8.
Nag-post siya ng picture kung saan nakaluhod si Mike sa kanya habang sila ay nasa yate.
Caption ni Gladys sa post: “Fairytales do really happen. . . And then, he asks me if i will marry him . . . “Yes, I will marry you Mahal! I love you Mike!”
Nag-congratulate naman ang ilan sa mga showbiz friends ni Gladys gaya nina Julie Anne San Jose, Carla Abellana, Aiko Melendez, Ryzza Mae Dizon, Sherilyn Reyes, at Rufa Mae Quinto.
April 2021 unang ipinakilala ni Gladys sa publiko ang kanyang boyfriend na tinawag niyang “GUARDIAN.”
Saad niya sa kanyang unang post tungkol kay Mike, “I think i’m now ready . . . I now have my GUARDIAN Indeed a lovely day. I have come to realize that life must really continue. And that you are loved.”
Ayon pa kay Gladys, sila ni Mike ang bumuo sa isa’t isa noong panahong pakiramdam niya ay “worthless” siya.
“And no matter how you felt once upon a time that you are worthless, there will still be someone out there looking for you to complete them. Ang happy kase, we both complete each other. Ang tagal kong pinigilan ang sarili ko, kinalaban ko ang loob ko. Pero sabi nga, hayaan lang and let it flow.”
Matagal din daw inisip ni Gladys kung isasapubliko niya ang kanilang relasyon, pero talaga raw “happy” siya noong maagdesisyunan na niyang mag-post tungkol kay Mike.
Patuloy ni Gladys, “I have too many to consider at first, bago ako nag decide ilabas sya. Syempre i have to respect his privacy also. Hindi naman sya public na tao. But i told him, i want to share this to all. Kase nga happy ako. Hehe! So, now, we will continue muna to be happy ng tahimik lang.”
Hindi naman nabanggit ni Gladys kung kailan naging sila ni Mike.
Pero hindi lingid sa publiko na galing si Gladys sa isang heartbreak noong 2020 sa ex-boyfriend nitong si Leon Sumagui.
Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
