PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Divine Lee looks back on how she married college schoolmate at 35

"So yung mga wala pang dyowa diyan, check niyo ulit yung phonebook niyo!"
by Rachelle Siazon
Published May 25, 2021
Divine Lee on love story with husband Blake Go: "Parang sometimes, it's just the perfect time. Ready na kami magpakasal and start our family and leave our partying behind... I was stable. I'm done with my school... Kumbaga, wala akong unfinished business by the time I found Blake and he found me."
PHOTO/S: @divinemlee Instagram

"Binalikan ko lang yung nasa college. So, yung mga wala pang dyowa diyan, check niyo ulit yung phonebook niyo! Baka nandun lang. Balikan niyo lang ulit."

Ito ang natatawang payo ni Divine Lee sa mga single na listeners ng PEP Live Cast sa Calamansi Pinoy Voice Chat Room kamakailan.

Una kasing nakilala ni Divine ang asawa niyang si Blake Go noong nasa kolehiyo pa sila, pero nagkagustuhan lamang sila makalipas ang humigit-kumulang 15 taon.

Si Divine ay model-host na napanood sa defunct TV5 showbiz-oriented talk shows na Juicy at Showbiz Police.

Habang si Blake ay negosyante na ang pamilya ay may-ari ng isang supermarket chain sa Cebu.

"Magkakilala na kami college pa lang. We went to the same preparatory school para makapag-aral sa U.K.," bungad ni Divine.

Taong 2000 iyon, at pareho silang first year college. Nag-aaral si Divine ng kursong Economics sa Ateneo De Manila University, kasabay ng pag-aaral niya sa Thames International Business School.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa pinag-adya ng panahon na maging sila, dahil bukod sa pareho silang may karelasyon ay hindi raw type ni Divine si Blake noon.

Balik-tanaw ni Divine: "Naiingayan ako sa kanya noon. Siyempre, di ba, it's really his first time in Manila. He's really Cebuano.

"Naguguluhan ako sa kanila kasi, di ba, boys sa school, usually sila yung maingay. So, hindi ko siya pinapansin."

Magkaiba rin daw ang pinagkakaabalahan nila noon.

"That time na we were doing prep school, nagtatrabaho na kasi ako nun. I was modelling and doing hosting jobs.

"Hindi ako fully makapagbarkada sa school kasi pupunta ako ng go-see, or may rehearsal ako. So, hindi ako masyado naging close sa mga kaklase ko nun.

"Unlike him na talagang in-enjoy niya yung kanyang university life."

Tumuloy raw si Blake sa pag-aaral nito sa Oxford Brookes University sa England, habang si Divine ay sumabak na sa trabaho at hindi pa kaagad nag-aral ng kanyang master's degree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Divine Lee in Calamansi App

WEDDING IN ILOCOS SUR

Ilang taon silang hindi nagkita bago muling nagkrus ang landas nila sa kasal ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson noong 2010.

Napapangiting kuwento pa ni Divine: "Antagal-tagal naming hindi nagkita, although same naman ng barkada.

"Friend niya si Ronald Singson, classmate ko naman si Ryan Singson, si Gov. Kumbaga, same circle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagkita kami in the hotel. 'O, nandito ka!' That time may dala rin ako dyowa, so wa chika!"

Samakatuwid, hindi pa rin naging sila.

DIVINE AND BLAKE CROSSED PATHS AGAIN IN BORACAY

Lumipas ang limang taon bago muling nagkita sina Divine at Blake sa isang LaBoracay event sa Boracay noong May 2015.

Sa pagkakataong iyon ay pareho na silang single. Kakahiwalay lang noon ni Divine sa kanyang boyfriend of three years na si Victor Basa.

May kasama noon si Divine na sampung gay friends, pero panay raw ang pangungulit sa kanya ni Blake.

Game naman daw na nakipagkuwentuhan si Divine, at doon nagsimula ang komunikasyon nila.

"O, di ba, beach talaga! Buti na lang may abs ako nun. Nagkita kami dun. We kept talking for a couple of months.

"Hindi mo feel na you're talking to a stranger kasi magkakilala na kayo dati. So, parang nag-start lang kayo mag-hangout ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Divine Lee with husband Blake Go

BLAKE WENT AFTER DIVINE IN LONDON

Pero hindi pa agad napasagot ni Blake si Divine dahil graduating year iyon ni Divine sa pagkuha ng MBA sa Durnham University School sa London.

"Nung nalaman niyang pupunta ako ng school, sumunod! O, di ba, bongga! Sinundan ka sa Europa, di ba? Ganda ko!" natatawang hirit ni Divine sa PEP.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa sa plano ni Divine ang makipagrelasyon uli, pero masigasig daw nanligaw sa kanya si Blake.

"Nung time na yun, sinasabi ko pa sa kanya, 'Hindi na ako uuwi. Dito na lang ako kasi gusto ko mag-try na magtrabaho abroad.'

"So, change of scenery. Alam niyo naman galing ako sa breakup nun. Kilala niyo naman ex ko, si Victor.

"Ang liit ng mundo! Isang barkada kami. Mamaya lalabas ako, tapos makikita ko siya nasa kabilang table lang siya.

"'Ay, kita-kita ulit!?' Hahaha! Parang walang nangyari, yun ang feeling ko.

"So, that's why I wanted to go somewhere else, meet new people."

Matinik si Blake dahil kinaibigan niya ang kapatid at close friends ni Divine para mapalapit sa dalaga. At isa sa mga ito ang nakakuntsaba ni Blake na sorpresahin si Divine sa Paris, France.

Nag-setup si Blake ng dinner nila ni Divine sa Georges restaurant sa tuktok ng Pompidou Centre museum of contemporary art. Romantic ang vibe doon dahil kita sa restaurant ang view ng Eiffel Tower, Arc De Triomphe, at Sacre Coeur Basilica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyan ni Blake ng bouquet of white roses si Divine, na tawa lang nang tawa dahil hindi raw siya marunong mag-react sa romantic gestures.

Napasagot naman si Divine kay Blake ng "Let's try."

Divine Lee and Blake Go engagement

Balik-tanaw pa ni Divine: "Sumunod si Blake in London. That was my graduation year. Buti na lang pa-graduate na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But then, sabi niya, 'Umuwi ka na muna, tapos ayusin mo papers mo.'

"Hindi na ako nakabalik ng work. Dire-diretso na. Sinagot ko na siya..."

Natapos ni Divine ang kanyang MBA, pero hindi na raw natuloy ang plano niyang magtrabaho sa London.

THE ENGAGEMENT IN BALI

Isang taon palang silang magkasintahan nang mag-propose si Blake kay Divine sa Bali, Indonesia noong September 2016.

May dinaluhan silang wedding doon nang maisipan nilang humiwalay sa kanilang mga kaibigan para mag-dinner.

Ang buong akala raw ni Divine ay kakain sila ng craving niyang lechon, pero iyon pala ay may sorpresa sa kanya ang nobyo.

Lahad niya: "Well, kasi, hindi ako seryosong tao. Nung sinagot ko siya, tawa ako nang tawa.

"I think, sanay siya na normal na ligaw. E, ako, hindi naman ako liligawan ng ganun. Babaklain mo lang talaga ako.

"Hindi ko kaya yung mga, 'Will you marry me?' Nung nag-propose siya, nagalit pa ako, sabi ko, 'Hindi ako naka-manicure!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Divine Lee wedding proposal

GETTING MARRIED AT 35

Ikinasal sina Divine at Blake sa Cebu Metropolitan Cathedral noong August 5, 2017.

Hindi na raw nila pinatagal ang kanilang relasyon bago lumagay sa tahimik dahil pareho na silang 35 years old noon.

"Tanda na namin, girl!" sabi ni Divine sa awtor na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumpiyansa rin daw silang nahanap na nila sa isa't isa ang gusto nilang makasama habambuhay.

Patuloy ni Divine: "Siguro alam na namin gusto namin at that point. Hindi na kami teenager.

"And number one, we already knew each other. Kumbaga, kilala na namin bawat isa nang di kami nagliligawan.

"Alam namin ugali, mga tsismis, love story... When we got together, madali kasi magkakilala na kami."

Perfect timing daw talaga ang love story nila ni Blake.

Ani Divine, "Parang sometimes, it's just the perfect time, mature na kami, ready na kami magpakasal and start our family and leave our partying behind.

"Nasaktuhan yung timing niya at timing ko. So, there's no point na pahabain namin."

Divine Lee and Blake Go wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON VALUING SELF-WORTH BEFORE GETTING INTO A RELATIONSHIP

Bukod sa maturity niya bago siya nagpakasal, naniniwala si Divine na napaghandaan niya ito dahil siniguro niyang buo ang kanyang pagkatao.

Kumpiyansa siya dahil alam niyang na-enjoy niya ang kanyang single life noon.

"After my heartbreak, I focused on myself bago ako nagdyowa. I tried to hang out with different people.

"Hindi ako naniniwala sa 'You complete me.' Kasi feeling ko, e, 'Ano yun, pag wala ka, kulang ako?'

"Hindi ka lang dapat complete, dapat umaapaw ka. Para by the time na dumating yung para sa iyo, may maibibigay ka, hindi ka mababawasan."

Giit pa ni Divine: "I was stable. I'm done with my school... Kumbaga, wala akong unfinished business by the time I found Blake and he found me.

"Wala rin ako masasabi na, 'Sana I did this, or sana I did that. Sana nag-party pa ako.' Walang fear of missing out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thirty-five na ako nagpakasal. So, ibig sabihin, sinulit namin yung single life namin.

"And we were super excited to start a family kaya agad-agaran din talaga."

Divine Lee and Blake Go

Sa ngayon, parehong 39 years old sina Divine at Blake.

Aktibo pa rin si Divine sa kanyang hosting stints, lalo pa't nagagawa na ngayong virtual muna habang pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Super hands-on mom din si Divine sa mga anak nila na sina Baz, 3, at Blanca, 1.

Ipinagbubuntis ngayon ni Divine ang ikatlo nilang anak ni Blake.Divine Lee family

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Divine Lee on love story with husband Blake Go: "Parang sometimes, it's just the perfect time. Ready na kami magpakasal and start our family and leave our partying behind... I was stable. I'm done with my school... Kumbaga, wala akong unfinished business by the time I found Blake and he found me."
PHOTO/S: @divinemlee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results